CHAPTER 10

305 2 0
                                    

Chapter 10

Umingos ako nang marinig ang boses ni Achie sa likuran ko.

“Achie tingnan mo itong katulong niyo!” napairap na lang ako sa narinig.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. I glanced at Achie who's just standing near Alexandria, staring.

“Hindi ka pa din tapos? Kanina pa ako nauurat sa'yo, pwede ba? Tumigil ka na?”

Nagpapadyak siya nang iniwan ko siya at si Achie doon. Silang dalawa mag-uusap tutal mag-amo naman sila. Tsaka anong ginagawa niya sa labas gayong mas mesa nila kanina si Vix? 

Bumalik ako sa loob at hinanap ang mga aso pero hindi ko na sila mahagilap, baka kinuha na ng lalaki kanina. Nauurat akong umupo sa isang bakanteng mesa. Hindi ako bumalik sa mesa ng mga Vasco dahil naroon si Vix at nakaupo.

Inayos ko na lang ang nagulo kong buhok. Kung kanina ay nakalugay, ngayon ay gumamit na ako ng hair tie at ginawang messy bun. Though hindi ako sure kung messy ba talaga. 

Since may mga plates sa mesa at parang hindi pa nakuhaan, kumuha ako ng isang pirasong cupcake at kinain.

Ano bang iniisip niya? Hindi ko naman na siya boss pero kung utusan ako kanina na pumasok dito—aish! Nakakainis!

Kumuha ulit ako ng isang piraso at nginuya.

“Bakit ang sarap nito?” tanong ko sa sarili habang kumukuha ng pang limang cupcake na maliit.

“Paniguradong masasarapan ang mga bata nito. Tingnan ko nga mamaya kung may tira, dalhin ko bukas sa kanila.” Tumango tango ako sa sarili ko at alam kong kumalma na din ang loob ko.

Sa isiping makikita ko sila bukas ay mas napanatag ang loob ko at nawala na sa isipan ko ang sagutan namin nila Vix at Alexandria.

Simula kasi noong dito na ako nagtrabaho, ang magkakapatid naman ang pinatira ko sa dati kong tinitirhan. Nagpumilit nga sila na huwag na lang daw kasi nakakaabala sa akin pero hindi ako pumayag dahil mas magiging kampante ako kung naroon sila.

Si Ate naman, hindi ko na din nakikita ng ilang buwan. Tumatawag naman siya pero hindi ko alam kung nasaan siya. Safe naman daw siya sa kung saan at kung sino ang kasama niya ngayon. Iyon ang mas mahalaga sa akin.

Nakaka-proud nga angagkakapatid dahil talagang natuto sila. Natutung sumulat at bumasa at proud ako sa sarili ko. Malaki din ang pasasalaman ko kina Ma'am at Sir dahil minsan, binibilhan nila ng mga drawing books, coloring books, mga papel, mga libro na talagang nakakatulong sa pag-aaral nila sa mga gano'ng bagay.

Gusto ko mang pag-aralin sila ay hindi ko pa kaya dahil hindi pa naman malaki ang naiipon ko. Kapag nagkaroon na ako ng sapat na pera ay magrerenta na ako ng mas maayos nang sa ganoon ay magiging malapit na sila sa akin.

Medyo malayo kasi ang dating tinitirhan ko sa bahay ng mag-asawang Mr and Mrs Vasco ngayon. Aabot pa ng halos trenta minutes ang takbo ng sasakyan at halos isang oras naman kung traffic.

“Anong ginagawa ng isang magandang dalaga sa mesa ng mag-isa? Eating cupcakes? Hmm.” Napukaw ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ng isang lalaki na paupo sa katabing bakanteng upuan.

“Ahm oo, masarap eh,” tanging sagot ko at hindi na naglingon-lingon pa.

Siya iyong lalaking nagbalak na lumapit sa akin kanina kaso natigil dahil sa mga aso.

“You look beautiful, Miss Maya,” aniya.

“Salamat... Ikaw din, guwapo ka din sa suot mo.”

Baka mapahamak ako sa ginagawa ko dito. Pero kung tutuusin, talagang presentable ito tingnan at mukhang mabait din.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now