CHAPTER 25

257 6 0
                                    

Chapter 25

PAYAPA ANG BUHAY ko sa ilang buwan na nagdaan. Ang mga bata ay balik eskwela na. Si Nemesis at Vitto? Nasa iisang apartment na kasama si Draco. Nemesis is one month pregnant. Nang sabihin ni Nemesis sa akin ang mga nararamdaman niya, naguluhan ako sa una kasi hindi naman ako nag-buntis. Automatic akong nagkaanak ba't ba. Tinanong ko siya kung iyon ba ang naranasan niya kay Vitto dati, sabi niya parehas daw kaya sinamahan ko siyang magpa check up at surprise! Buntis nga. Natawa nga ako kasi nahimatay si Draco sa kalagitnaan ng pagkain naming lahat. Imbes na mabahala, natawa na lang ako kasi alam kong magiging mabuting Ama si Draco sa magiging Anak nila dahil kitang kita ko na 'yon kay Vitto pa lang.

Ako naman, heto at laging nakangiti. Paano ba naman, nililigawan ako ni Achie. Nakabisita na din kami sa mansion matapos ang isa at kalahating taong pag-iiwas doon. Pati ang Mommy at Daddy niya, excited noong nalaman nilang dadalhin kami ni Achie doon muli.

Kaya ngayon, tahimik ang mansyon dahil may pinuntahan ang mag-asawa, nasa klase ang mga bata, si Achie ay nasa kompanya niya. Naiwan ako sa mansyon na mag-isa kasama ang mga nagbabantay ang mga kasambahay na hindi ko din naman mahanap.

Naglibot libot muna ako at napagtantong nag-iba na naman ang mga pintura ng dingding. Kung dati ay silver silver lang sa paligid, ngayon ay may kulay ginto na at mga bulaklak na halatang alagang-alaga. Nasa pasilyo ako sa gilid na parte ng mansyon ng marinig ko ang nagtatahulang aso. Agad akong tumakbo patroon at doon nga at nakita ang mga asong inalagaan ko noon.

"Lasorous, Lawi, Lukie!" excited kong saad nang masilayan ko sila. Patakbo akong lumapit sa kanila hanggang sa mahaplos ko na ang mga katawan nila na panay likot at tahol. Kung gaano ako kasaya, gano'n din sila. Dila dito at dila doon. Nagtatalon-talon na nga din ito na siyang ikinatawa ko sa sobrang saya.

Nanatili ako ng lagpas isang oras dahil tinawag na ako ng isang kasambahay na handa na daw para kumain. Sa totoo lang ay nalungkot ako nang paalis na ako pero alam ko namang makakabalik pa ako kaya binigyan ko muna ng tig-isang halik sa nuo ang tatlo bago nagtungo sa hapagkainan na alam niyo na, napaka laki at engrande.

Mahina akong napasinghap nang makita kong gaano kadami ang hinanda nilang pagkain. Kinalabit ko ang kasambahay na nagtawag sa akin kanina, halatang nagulat ito sa ginawa ko. "Ay pasensiya na. Pero bakit napakarami ng pagkain? Sa pagkakaalam ko ay ako lang ang naiwan dito maliban sa inyo, " nagtataka kong tanong.

Kinalabit ko ulit ito dahil hindi siya sumagot dahilan para mapa-igik ito. Is she afraid of me? "Huwag kang matakot ano ka ba, alam mo dati, nagta-trabaho din ako dito. Ako nag-aalaga ako tatlong aso nila Achie. Kaya huwag kang mahiya o matakot sa akin kasi marangal ang ginagawa niyong pagsisilbi. Okay?" Tumango ito at sinabihan akong maupo na sinunod ko naman.

Nang makaupo ako ay napakunot ang noo ko nang may naglagay ng puting panyo sa hita ko.  "Ako na ho, maupo na lang kayo at sabayan niyo akong kumain tutal napakarami ng hinanda, para naman akong bibitayin pagkatapos kong kumain," natatawa kong saad. Nang hindi pa din gumagalaw ang kasambahay ay inulit ko ang salita ko. "Sige na. Tawagin mo na ang iba." Dali dali itong tumango at yumuko bago tumalikod.

Ilang segundo lang ang nagtagal nang isa isang nagsipasukan ang sampong kasambahay. Kaya naman ay pinaupo ko na sa sila na tig-lima sa bawat kabila. Ipinaghila kasi ako kanina kaya wala na akong nagawa kundi ang maupo sa pinakagitnang upuan na para sa Tatay o Nanay. Nagmukha naman ako nitong madam e nakikikain lang din naman ako.

Matapos kong magdasal ng pasasalamat ay inaya ko na silang kumain at sa kalagitnaan, napaangat ang tingin ko dahil sa may nagtanong na ikinangiti ko. Tinatanong niya kung bakit ko daw sila pinasabay sa pagkain gayong hindi naman ito nangyari noon.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now