CHAPTER 28

289 7 0
                                    

Chapter 28

"THIS WOULD LOOK good on you, baby." Itinaas nito ang isang sleeveless gown na backless.

"Pero makikita nila ang likod, okay lang sa'yo?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko into ponytail. Darating na daw kasi ang make up artist mamaya kaya heto si Achie at gusto niya daw sana siya ang pumili ng susuotin ko which is ayos lang naman.

Natawa ito at umiling. "Why would I worry? I know you love me and if this gown will make you feel confident, why not? I'll be there anyway. And the male species? They can watch but they can't touch. So yeah, if this is what you like, you wear this." Ni-shake pa nito ang engrandeng tela na hawak niya.

"Okay." Lumapit ito at pinulupot ang braso sa beywang ko. Humilig ako sa dibdib nito at agad kong naamoy ang mabangong perfume ni Achie.

"You like slow dance babi?" Ayan na naman siya sa baby voice niya.

I nod at hinaplos ang kamay nitong nasa beywang ko. "I do. And where did you get that babi thingy? You've been calling me that," ani ko.

"I saw it in Tiktok. You know Rehan watches them sometimes and I saw that video." Kibit balikat nitong sagot na ikinatawa ko.

"You look cute saying it."

"I'm sometimes cute but most of the time I'm handsome." Naiiling na lang ako sa kahanginang taglay nitong lalaking 'to.

Nasa ganoon kaming posisyon nang may kumatok at nagsabing naroon na ang mag-aayos sa akin gano'n din kay Achie. Nagulat na lang ako nang makababa ako sa may malaking sala ay may nakahanda na doing upuan ko. Vanity mirrors, yes, kasi tatlo ang mga ito dagdag pa ang isang malaking salamin na para siguro kapag nakapag-bihis na ako at nang matingnan ang sarili ko. Naroon din ang isang make-up set at mga gagamitin sa buhok. Bakit parang ang gara naman?? Makikisabit lang naman ako sa event doon.

"This way Ma'am."

Ngumiti ako sa nag-assist sa akin at agad akong naupo. Malapit ng lumubog ang araw nang magsimula kami at natapos nang madilim na ang labas. Sa totoo lang hindi ko alam na may mas ikagaganda pa pala ako. Kasi habang nakatingin ako sa sarili ko, hindi ko maiwasang magka-crush sa sarili ko.

Mula sa make-up na as in, napakaganda ko. I feel so beautiful and confident. Hindi gaanong makapal dahil daw ayaw ng nag-aayos sa akin na masira ang makinis kong mukha dahil sa i-aapply na make up at kung anu-ano pa na siyang tinanguan ko dahil maski ako ayoko ng may maraming kolorete sa mukha. Mas gusto ko pa din kilala ko ang mukha ko pagkatapos ng make-up kasi may mga make up artist na iniiba ang mukha ng tao.

Kung ang damit naman ang pag-uusapan, wala talagang problema dahil hapit na hapit sa akin ito. Napaka-pormal kong tingnan kahit na backless. Pero natatabunan pa din naman ng mahaba kong buhok.

Mas tumangkad din ako dahil sa suot kong heels na kulay itim gaya ng suot kong backless na itim. May purse na binigay si Tita kanina at muntik na akong mabilaukan nang malamang totoo ang mga dymanteng nandoon. Isa daw itong Mouawad 1001 Nights Diamond Purse. Hugis puso na grabe kung kuminang. Naghahalaga ito ng 3.8 million dollars. I don't even wanna know how much it cost in philippine peso. Tita also said that it took ten highly skilled artisans working continuously for over 8,800 man hours to create this gorgeous bag.

Nang mahawakan ko ito, parang ayoko na lang gumalaw kasi baka mahulog ko though may handle naman siya pero sinabihan ko nga si Tita na iba na lang iyong mas makakalakad ako ng maayos ng walang iisiping ka-praningan na siyang tinawanan lang at inilinginan.

"Just bring it there. Para hindi ka ma-pressure, you can give it back to me after the event. Okay?" Huminga ako ng malalim at mas nakampante sa isiping 'yon.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now