Chapter 1

222K 5.8K 2.8K
                                    


Nagpatuloy-tuloy na ako sa paglalakad at hindi na inalintana ang sakit sa gitna ko. Gusto ko lang ay umalis na dito kaya imbes na lingunin ang sumisigaw na katulong ay nagderetso na ako sa gate ngunit agad ding hinarang ng guard.

"Ma'am bawal ka daw pong lumbas ng hindi kasama ang driver at isang katulong." sabi nito.

"Huh? E kaya ko naman pong bumalik sa apartment ko."

"Bilin po kasi ni Ma'am Regina na, may kasama ka daw po dapat at ganon ay makabalik ka din agad para imbes na bukas ka pa po pumunta dito ay mamaya na din." Mahabang paliwanag nito.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil alam kong wala na akong magagawa. Binilin niya na pala lahat ng tao dito. Matamlay akong pumasok sa sasakyan kasama ang pinakabatang katulong.

"Kunin mo na daw lahat ng gamit mo Ma'am." saad ni Rina. Sumama kasi ito sa apartment ko.

"Lahat? As in lahat ng damit ko?" Tanong ko.

"Opo. As in lahat daw."

Wala na akong nagawa at iminaleta ang mga ito. Pagkatapos ay tinulungan na kami ng driver na ibaba ito at pinasok sa likod ng sasakyan. Medyo natagalan din kami dahil ang dami kong gamit.

"Pakibaba niyo na lang po ako sa Gomez Enterprises. May trabaho pa po kasi ako." sabi ko ng maalala na nay trabaho ako ngayon.

"Sabi po kasi ni Ma'am ay uuwi na tayo kaagad matapos kunin ang gamit." Tugon nito, pagkapasok sa front seat ng sasakyan.

"Huwag kayong mag-alala, nasabi ko naman sa kaniya kanina." asik ko pero parang ayaw nila ako sundin. "Tatapusin ko lang naman ang trabaho ko doon."

"Sige po pero hihintayin na ka na lang namin." Sabat naman ng driver.

Pumayag na lang ako. Pagkarating ko sa may locker ay agad akong sinabunutan ni Max.

"Gaga ka! Saan ka nagpunta kagabi!? Iniwan mo akong mag-isa!" Nagtatampo nitong sabi.

Napahinto ako saglit at nag-isip ng sasabihin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nakipagsex ako at nasuko na ang kabataan! Baka mahimatay pa siya dahil alam niyang sobrang conservative ko.

Gusto ko ay maibigay ko ang virginity sa mapapangasawa ko pero sa kasamaang palad ay naibigay ko sa di ko kilalang lalaki! At ang lalaking 'yon ay sobrang sama pa ng ugali! Gwapo nga pero sobrang sama!

"A-ah, e." napakamot ako sa ulo ko. "Nahilo kasi ako kaya umuwi na ako. Ayaw ko din 'yong amoy ng sigarilyo kaya pasensya na."

"Hindi ka pala true friend ah!" away nito sa akin.

"Hoy! True friend kaya ako. Nahilo lang talaga ako." hinawakan ko na ang kamay niya at tinapik-tapik iyon.

"Promise? Iniwan mo ko dahil nahilo ka?" napalunok ako ng tanongin niya yon.

"Oo! P-promise!" Tinaas ko ang isang kamay ko na parang nangangako.

"By the way, bakit paika-ika ka?" Tumingin ito sa paa ko. "Nahulog ka ba sa hagdan?"

"O-oo! Nahulog ako sa hagdan tas natalisod ako! Oo! Yon!" pagsisinungaling ko.

Nang matapos kaming mag-usap ay dumeretso na ako sa assigned area ko, sa lobby. Sinuri ko ang buong lugar at matamlay na dinampot ang mop. Mukhang wala talagang tutulong sa akin dito. Nag-out na kasi silang lahat!

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon