Chapter 30

192K 5.1K 5.3K
                                    

"Ryder, breakfast mo oh." Hindi niya naman ito sinabi sa akin na magluto pero peace offering ko sana.

"I don't like it." masungit nitong aniya habang naglalaptop.

"Sorry na kasi. 3 weeks na iyon." Pinatong ko ang kape at pancake sa table niya.

Nang makauwi kami galing ospital ay hindi niya na ako masyadong kinakausap! Bakit ganon! Siya pa ang may kasalanan pero ako ang humihingi ng sorry!

"Just leave. Kainin mo na yan." Hindi pa din niya ako tinitignan.

"Ryder kasi! Bakit ka ba ganiyan!" nagpapadyak na ako.

"Stop it! I'm working!"

"Alam mo naiinis na talaga ako sa iyo! Nakakairita ka na! Ikaw naman ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi ah! Kung tutuosin nga hindi mo deserve makita si Rylen! Kung hindi ka lang sana nagpakita sa Vigan noon e 'di tahimik ang buhay namin!" I shouted in frustration.

Natigil ito sa pagtatype at unti-unting bumaling sa akin.

"Ang arte-arte mo! Tas ikaw pa ang may ganang magalit! Hindi mo ba naisip 'yong mga ginawa mo sa akin!? Gusto mo akong saktan diba!? Tangina mo!" I said aloud.

"It wasn't my int-"

"Lahat ng sinasabi ng tao sinsadya 'yon. Alam mo ang sinasabi mo, so wala kang karapatang sabihin na nabigla ka lang o ano! You know what you were talking at kung alam mo lang kung gaano kasakit 'yon sa akin!" My voice started to be weak. "Sana inisip mo noon ang kalagayan ko, alam mong buntis ako Ryder tapos pinagsasalitaan mo ako ng ganon?"

He was astound by what I am saying habang ako ay naninikip na ang dibdib. Unti-unti ng bumuhos ang pinipigilan kong luha.

"I'm sorry... please don't cry." Tumayo na ito para sana yakapin ako pero umatras lang ako.

I wiped my tears. "You know what, mas mabuting aalis na lang kami."

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon niya. He was alarmed and don't know what to do. He held me tightly like he was going to lose me.

"No, no, no. Please, huwag niyo naman akong iwan." Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya sa mata na agad din niyang pinunasan. "Hindi ako papayag, hindi kayo aalis."

"Pwede ba Ryder tama na! Wala na 'tong patutungahan. It was already the end for both of us." I said in a cracky voice.

"Please give me a chance. Aayusin ko 'to, maghintay ka lang. Give me a month baby." He started kneeling infront of me. "Just one month, tapos.... tapos kapag ayaw mo na talaga kapag hindi ko na 'to maayos, papalayain na kita."

"One month, and after that your out." I said.

My heart started to tighten by those words from him. One week is enough right? But I'm not sure if I could give him a chance. My heart still ached like yesterday, pero hindi naman siguro masama na bigyan ko siya ng pagkakataon? But of course, I won't hope for anything.

"Good morning wife!" He then kissed my forehead before turning to our son. "Good morning din sa baby namin na cute!"

Bumangon na ako at nagtungo sa bathroom nang hindi siya pinapansin. I was about to get my toothbrush when I saw it already prepared on the sink. Kinuha ko na din ang tuwalya at pumasok na sa shower room.

"Kailan pa napalitan lahat ng gamit dito?" I asked myself.

May mga nainstall kasing non-slips surfaces tapos may mga protection para hindi ako maaksidente. After taking a bath, laking gulat ko nang makita ang damit kong nakaprepare ulit sa bed. Nandoon na din ang mga pabango at iba.

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon