Chapter 20

155K 3.6K 3.7K
                                    

"What's happening here Ryder?"

Pagkababa ko pa lang ng hagdanan ay narinig ko na ang paglakas ng boses ni Tita. I went straight to their place and saw Helena and a little girl, ang anak nila. May mga maleta sila and they look devastated.

"Nothing... I c-can fix this." Sumasakit na ang ulo nito.

"Bakit ayaw mong sabihin sa Mommy mo? Na we need your help kasi napalayas kami sa inuupahan namin!" Sabat ni Helena.

"Napalayas?" naguguluhang tanong ni Tita.

"Yes po. Hindi po kasi kami nakabayad sa upa." Helena's eyes were sparkling, nagpapaawa ito.

"Lola, kawawa naman po kami. Wala po kaming mauuwian." The little girl said and held Tita's hand.

I smiled at what I saw, kahit naman siguro sino macucute'n sa bata. Ngumiti ako kahit na may halong kaba sa loob ko.

The little girl is wearing a yellow dress, nakatirintas ang buhok nito. Nakuha lahat ng kagandahan ng Mommy niya. They look similar, from the nose, to lips and to their eyes.

Napabuntong-hininga naman si Tita. "Fine. The condo in Taguig, doon mo muna sila patirahin."

Napalingon agad si Ryder sa Mommy niya. Tinititigan kong sigurado siya. She just nodded after holding the little girl's hand, hinalikan din nito sa ulo. Now, here I am, thinking again. Masaya sana sila kung hindi ako dumating.

Bumuntong-hininga na lamang ako at naglakad papunta sa garden. I was in my thoughts when the girl who I saw again in the garden before sat beside me in the swing, apo ni Manang Linda. What's her name again? Oh right! It's Laura.

"Hello po! Mas gumanda po kayo!" She greeted me, ngumiti naman ako ng malawak.

"Nambola ka pa!" I chuckled.

"Pero totoo po talaga. Siguro maganda at gwapo din si baby." She said while looking at my tummy. "Ano pong gender niya?"

"Hindi ko pa alam e. Next month pa namin malalaman." I simply said.

Isinandal ko ng bahagya ang ulo ko sa rope ng swing at huminga ng malalim.

"May problem po kayo?" Gulat akomg tumingin sa kaniya. Ngumiti lang ito at ibinaba ang tingin sa lupa. "Ganiyan din po kasi itsura ni Lola kapag may problema siya."

I was in awe, ang bata-bata pa lang niya pero sobrang mature na mag-isip. She's beyond her age, madami na siyang alam sa mundo.

"Kung ano man po ang problema niyo, sigurado akong masosolosyunan niyo din 'yan. Problema lang po yan! Kaya niyo 'yan!" Pampapalakas ng loob nito sa akin.

A tear suddenly fell on my cheek. How can this child, made me feel at ease? She then suddenly hugged me, niyakap ko din ito pabalik. We stayed like that till we decided to go inside.

As I stepped inside the kitchen, parang nasaksak ang puso ko dahil sa nasaksihan. Ryder was preparing food for Helena and his child. Naglalagay ito ng kanin sa plato nila.... habang nakangiti ito.

Akala ko ba umalis na sila? Matagal ng natapos ang usapan kanina ah?

It's just a small gesture Tamaryn.... huwag kang magselos. Pero bakit ganon? Kahit ayokong maging selfish, napupush ako na gawin iyon.

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon