Chapter 31

200K 4.4K 2.9K
                                    

"Are you going out today?" Ryder asked.

Napatigil ako sa pagnguya at tinignan siyang nasa pinggan pa din ang tingin. Iniiwasan ba niya ako? Tumitigil na ba siya?

"Hindi naman." I said.

"Wala kang ibang lakad?" paninigurado pa niya.

"Wala." I shook my head.

"Can you come with me?" nagbabakasakali niyang tanong. "Sa, may Bataan lang sana."

"Sige. Ano bang gagawin natin doon? Tsaka isama na lang natin si Rylen." Pagsasabi ko.

Napatingin ito sa akin. "Yea, that's the plan. May titignan lang akong site doon."

At gaya ng pinagkasunduhan namin. Sumama kaming dalawa ni Rylen, wala din naman kasi kaming gagawin. Siya na din ang nagprepare ng mga damit, gatas, diapers at laruan ni Rylen. He also told me to bring clothes for emergency purposes.

"Do you want to sit on the back?" He asked while holding my waist and hand, guiding me to the car.

"Kaya mo ba diyan sa harap mag-isa?" I asked.

"I think I can?" Patanong niyang sabi kaya agad na lang akong umupo sa front seat. "Careful Tamaryn!"

"Umupo lang naman ako ah!" I defended myself.

Wala na itong nasabi at mukhang frustrated na umupo sa driver's seat. Nagbago lang ito nang salita ng salita si Rylen, he was like talking to his dad who is driving. Sinasaway ko pa si Ryder paminsan-minsan dahil hindi makapagpokus na magdrive!

"Ryder baka mabangga tayo! Huwag mo na ngang kausapin si Rylen!" Sabi ko at inilipat ang anak ko sa kabila kong bisig.

"I won't let that happen. Tsaka mabuti nga may kausap ako kaysa naman wala diba?" sambit niya.

"Ako! Meron naman akong kausap mo!" I hissed.

"Ayaw mo naman. Hindi mo nga ako pinapansin." malungkot niyang aniya.

Anong hindi pinapansin ang pinagsasabi nito? Siya kaya ang hindi! Parang ayaw akong kausap.

"Ano ba kasi ang gusto mong pag-usapan?" Tanong ko.

"Tayo." he directly said that made me gulped.

"Huh? Tayo?" nauutal kong tanong.

He look at me and lick his lips. "I want to tell you na hindi pa ako umaatras at hindi kailanman ako aatras."

"Hindi kita maintin-"

"I don't fucking care if that asshole courts you. Hindi siya ang hahadlang sa atin at walang sinoman." Mariin niya ng sabi.

Teka, saan niya nalaman na nangliligaw si Denver? E sa pagkakaalam ko hindi naman sila nag-uusap! Atsaka wala naman akong chinismis!

Bumaba siya papunta sa isang bahay na inaayos pa lang. Pinaghintay na lang niya kami dito sa sasakyan dahil mainit rin at delikado.

"We need to stay here for three days," sabi niya pagkapasok.

Gulat ko siyang tinignan. "Bakit naman?"

"I need to check it for three consecutive days. Medyo may problema." He explained.

"E' saan na tayo tutuloy niyan? Atsaka wala kaming damit." I said.

Nagsimula na itong magdrive.

"May binili na akong damit para sa inyo. And I have already booked a hotel for us." Chill niyang sabi.

I blinked thrice. Kailan pa siya bumili ng damit? At bakit parang ang bilis naman yata ang pagpreprepare niya?

Narating din namin ang hotel agad. And expected, it's always dazzling. Mamahalin naman palagi ang pinipili ni Ryder. Malamang ang yaman niya!

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon