Chapter 19

141K 3.5K 1.5K
                                    


Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Kahit dinig ko ang katok nila ay hindi ko ito binuksan. The pain was overwhelming lalo na at parang pinagmukha nila akong tanga.

I looked myself in the mirror, namumula ang mga mata ko. Bumaba ang tingin ko sa malaki ko ng tiyan.

"Kakain na tayo baby, sorry ha, dahil ginutom ka na naman ni Mama." Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakatingin sa salamin.

Kumuha mo na ako ng lakas ng loob bago pinihit ang door knob. And in my surprise, I saw Ryder sleeping, nakasandal ito sa wall na tabi ng pintuan ko. May dalawang tray pa ng pagkain sa gilid niya.

Tiredness is visible in his face. Dinahan-dahan ko na lamang ang pagsara ng pintuan para hindi ito magising ngunit nagkamali ako dahil minulat niya na ang mata niya. Nang makita ako ay agad itong tumayo at inayos ang buhok.

"Kain ka na. Wala ka pang kinain mula kaninang umaga." bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Tumango ako at naglakad na pababa. Narinig ko naman ang pagpulot niya sa tray at mabilis na sumunod sa akin. Naabutan ko doon si Tita, dinaluhan niya naman ako at pinaupo.

I think she already knew since her actions shows a lot.

"Hindi ko din alam iha. I was so shocked when I heard earlier." pagkwekwento nito sa akin.

Hindi ako umimik at nagpasalamat ako dahil tila'y naintindihan niya. Magsasandok na sana ako ng pagkain nang maunahan ako ni Ryder. Siya na ang naglagay ng sinigang sa plato ko.

"Tama na." I said when he was about to give another rice.

Parang nagulat ito dahil sumagot ako. "E, kunti pa lang ang nakakain mo."

Ang anak ko ang una kong naisip, hindi ako kumain ng dalawang beses kaya siguradong gutom na gutom na ito. I just let Ryder do what he wants to do. Tahimik ang buong bahay, walang ni isang katulong ang gustong magsalita, nakaupo kasi sila sa tabi malapit namin.

"Ako na po maghuhugas." prisinta ko kay Manang Linda, nakabalik na ito.

"Hay nako iha, magpahinga ka na. Kami na bahala dito." sabi nito at kinuha na lahat ng plato na nasa lamesa.

"Go take a rest now Tamaryn." bumaling ako kay Tita Regina. "Sige na, magpahinga ka na."

Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at iniwan na. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na lingonin si Ryder na binibilisan ng kumain. Lakad takbo na ang ginawa ko dahil narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ryder.

Isasara ko na sana ang pinto ngunit may isang kamay ang humarang dito. My breathing became fast, kumakalabog na naman ang puso ko.

"Can we talk?" halatang katatapos niya pa lang nguyain ang kinain niya.

"Matulog ka na." tanging 'yon lamang ang naisagot ko.

"Please, pakinggan mo naman ako." He was pleading.

"Bukas na lang." I hardly said.

"Tamaryn naman oh. Kahit kunting minuto lang." He pleased.

Matigas ang ulo nito kaya kung hindi ko pagbibigyan ay paniguradong kukulitin din naman ako hanggang gising pa ako. Linawakan ko ang pagbukas at pumasok siya agad.

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon