Chapter 14

154K 4.1K 681
                                    


"So kamusta naman ang check-up?" Naeexcite na tanong ni Tita Regina.

Ngayon lang kasi siya nakauwi galing sa London. She had a business meeting there. May kompanya pa sila doon kaya talagang sobrang yaman ang mga ito.

"Our baby is healthy Mom." Ryder made a smile. "May ultrasound si Tamara, do you want to see it?" He asked his Mom.

Mukhang good mood ngayon si Ryder. Paano ba naman katatapos lang iyong ginawa namin sa kwarto. Talagang pinanindigan ko na dahil kawawa naman siya.

"Talaga!? Get it Ryder! I want to see my apo!" She exclaimed kaya napatawa kami.

Agad namang kinuha ni Ryder iyon sa kwarto namin bago bumalik sa living room. Magkakatabi kaming tatlo. Ako ang nasa gitna ng couch.

"Maliit pa siya Mom, so hindi niyo pa siya makikita." He lend to his Mom the ultrasound.

Malaki ang ngiti naman itong kinuha.

"Yes I know Ryder. I'm not stupid! Pinagbuntis din kita noon." She told him kaya sumimangot si Ryder.

Natawa naman ako ng bahagya dahil sa asal ng Mommy niya. Kay Mommy niya lang talaga siga natatakot.

Ryder sighed. "Mommy, palagi niyo na lang po ako pinapahiya sa harap ng asawa ko." Ngumuso ito kaya kinurot ko ang ilong niya.

Nasasanay na din ako sa pagtawag niya sa akin ng asawa. Although malabo namang mangyari iyon, hinahayaan ko na lamang. It's not a big deal naman.

"Tigil-tigil mo 'yang attitude mo na 'yan kapag nandito ako. Huwag mong linalandi landi si Tamaryn, Ryder." Nakita kasi ng Mommy niya na lihim akong hinalikan ni Ryder.

"It was just a kiss. Mas malala-"

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at sinamaan ng tingin. "Ryder!" Almost a whisper.

I know Tita Regina understand that pero mabuti na lamang at hindi na siya nagtanong tungkol doon. Nakakahita talaga! Lalo na kapag naaalala ko na baka narinig ako kanina na umuungol!

"Tamaryn, nabili niyo na ba ang mga vitamins mo?" Pag-iibang topic ni Tita.

"Opo, kahapon. Nabili na po ni Ryder." magalang na sabi ko.

"That's good. So wala kang gagawin today?" She asked me.

"Why Mom?" Imbes na ako ang sumagot ay si Ryder.

"I'm not talking to you son." Masungit nitong aniya. "May gagawin ka ba ngayon iha?" Bumaling na naman ito sa akin.

"Wala naman po Tita." Tugon ko ng maisip na wala.

"Then that's good! Magpalit ka na at may pupuntahan tayo!" She joyfully said.

"Saan kayo pupunta Mom?" Hindi na nakatiis si Ryder at nagtanong na.

Ngumiti lamang si Tita at nagtungo sa kusina upang uminom. Sumunod din si Ryder, kinukulit ang Mommy niya na sabihin ang pupuntahan namin.

"Mom! Asawa ko siya! Saan mo siya dadalhin? Atsaka maggagabi na oh!" Pakita pa nito sa relo niya.

"Tamaryn magpalit ka na. Hintayin na lang kita sa kotse." Her mom said to me.

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon