Chapter 32

191K 4.1K 1.6K
                                    

"Siraulo ka talaga Tamaryn! Alam mo ba nadamay din ako noong nawala ka!"

Bungad na talak ni Max sa akin. It's been a while na hindi kami nagkausap ng kaibigan ko sa trabaho. So we are on a park right now, kasama si Rylen. He's on his stroller.

Nagpaalam na din ako ng maayos kay Ryder para hindi na naman kami mag-away.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Nadamay? Saan? Bakit?"

"Shunga, nagtanong sa akin si Sir Ryder! Tas ayon!" She was talking while doing actions.

"Anong ayon? Ano bang tinanong sayo? Kumpletuhin mo nga." reklamo ko.

"So 'yon na nga! Tinanong kung taga-saan ka! Tas sinabi ko! Sa Vigan!" Gulat ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya.

So! Siya ang nagsabi na naroon ako sa Vigan!?

"Ikaw talaga nagsabi?" I asked again.

"Oo nga! Kasi tinakot ako beh! Tatanggalan daw ako ng trabaho," pagdadada niya pa. "Tas sasabihan pa daw niya ang ibang kompanya na hindi ako tanggapin!" Nanlilinsik ang mga mata nito. "Kaya syempre, sinagot ko lahat ng tanong niya!"

Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. "Don't tell me binayaran ka din niya?"

She gave me a peace sign. "Hehe! Oo e! Walang-wala kasi ako noon! Sayang naman 50k! Nag-ritual pa ako para doon!"

Mygad! Bakit naman niya binayaran si Max! Tsaka bakit niya kami hinahanap kung ayaw naman ako makita?

"Hindi ka naman sinaktan?" paninigurado ko.

"No naman! Parang lang!" Tumawa-tawa pa ito.

Napatampal na lang ako sa noo dahil hindi mo talaga makakausap ng maayos si Max.

"Nagwala nga sa kompanya beh! Natakot pa iyong CEO natin!" She added. "Tapos iyong CEO natin parang matatae dahil sa kaba!"

Humagalpak ito ng tawa, muntik ng humiga sa damuhan. Natawa din si Rylen, parang tinatawanan lang si Max na tanga!

"Umayos ka nga Max! Tignan mo pati anak ko tinatawanan ka!" I said.

"Funny kasi ako! Diba baby Rylen?" Sinilip niya ito sa stroller. "Hoy Tamaryn! Ninang ako ha! Alam kung magregalo!"

Dahil sa sinabi niya ay napaisip ako, hindi pa pala nabinyagan si Rylen. I should plan for it now, sasabihin ko din kay Ryder since may karapatan naman siya. Tsaka baka magalit na naman ito.

Napagpasyahan ko ng umuwi na noong malapit ng gumabi. May kasama pa kaming isang bodyguard na pinasama ni Ryder. Hindi ko mga alam sa kaniya kung bakit, nagmukha tuloy kaming mayaman!

"Manong hindi po diyan papunta sa bahay." I started being nervous now.

Hindi si Manong Nestor ang driver ngayon, iyong bagong bodyguard kaya medyo kinakabahan ako. Medyo kaedad lang din nito si Mang Nestor. Gusto ko ng itext si Ryder pero di ko abot ang bag ko.

"Ma'am umupo na lang po kayo at baka mapaano pa kayo." Sinusubukan ko kasi itong kunin sa baba.

"Ibaba niyo na lang po kami diyan sa gilid." nangingilid na ang luha ko dahil sa kaba.

Saan ba niya kami dadalhin? Nanginginig na ako, okay lang kasi sana kung ako lang pero nandito si Rylen. Mapagkakatiwalaan ba kaya siya!? Bakit kasi binigyan pa kami ni Ryder ng bodyguard!?

Minutes later, we arrived in a high rise condominium. Kinakabahan na talaga ako. Ang naisip kong paraan ay kapag titigil na ang sasakyan, tatakbo na kami palayo. But then, biglang nagbago iyon nang makita ko si Ryder na lumalabas sa building.

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon