Chapter 22

167K 4.3K 2.8K
                                    


I looked at the room infront of me. Nasa hospital ako ngayon dahil sinugod nila si Haydee dito. I knocked first at the door and slowly opened it.

"So may lakas ng loob ka pa talagang pumunta dito!?" Agad akong kinalmot ni Helena ng makita ako. "Muntik ng mamatay ang anak namin dahil sa iyo!"

Dahil sa init na din ng ulo ko ay napataas ang boses ko.

"Ano bang pinagsasabi mo ha Helana? Nakita mo namang tumalon sa pool ang anak mo!?" I angrily said.

"Hindi! Hindi siraulo ang anak ko para tumalon! Ryder huwag kang maniniwala sa kaniya." She said back.

Ryder was holding his breath now.

"Stop it you both! Natutulog si Haydee!" Pigil ni Ryder sa amin at hinila si Helena dahil kakalmotin na naman ako.

"Gusto ko siyang sugatan! She's the one to blame!" Hysterical na sabi nito.

Linagay ko sa likuran ang kinalmot niya. I stopped myself from crying.

"Hindi ko nga ginawa iyon-"

"You bitch! You are lying! Ano sa tingin mo? Magsisinungaling ang anak ko!?" She then again pulled my hair, naalarma naman si Ryder at hinila ulit siya.

"Stop shouting I said Helena!" matigas nitong aniya. "And you Tamaryn, go back home." He faced me.

"Kamusta na-"

"I said go back home. Pinapainit mo lalo ang ulo ko! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa anak ko."

"Hindi ko nga 'yon ginawa Ryder." Sabi ko, bakas na ang pagkabigo sa boses ko.

"I don't know." He whispered.

"So hindi ka naniniwala sa akin?" I asked pero hindi ito sumagot. "Hindi ko 'yon ginawa. Sana naman maniwala ka,"

Matalim nito akong tinignan.

"Ryder-"

"Just fucking go home Tamaryn! Muntik ng mamatay ang anak ko! Hindi ko na alam kung sino na ang paniniwalaan ko! Tangina!"

"Kung may mangyaring masama sa anak namin. Ipapakulong kita!" Turo pa sa akin ni Helena bago tumabi kay Ryder.

I know, talo naman ako palagi. Lagi naman akong hindi pipiliin.

"Huwag ka mo ng magpakita sa akin Tamaryn dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong saktan ka." Sabi niya na nagpahina sa mga tuhod ko.

Sinasaktan mo na nga ako. Sasaktan mo pa ako ng pisikal.

"Sige, iwan ko na lang dito ang pagkain niyo." I said before going out.

Tumakbo ako papunta sa park ng hospital. Ang pinipigilang iyak kanina ay lumabas na. I sat down in one of their bench. Walang masyadong tao ngayon.

Umiiyak ako habang hinahaplos ang tiyan ko. Napadaing pa nga ako dahil naramdaman kong sumipa ito.

"Anak, huwag mong papahirapan si Mama ha? Lalo na at dalawa na lang tayo." I said while touching my tummy.

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon