Chapter 15

165K 4.1K 600
                                    


"Room 145 po Sir!" The receptionist told us.

Kakarating lang naman dito sa Palawan. Si Tita ang nagbook sa amin, lahat-lahat ay kumpleto na. Parang honeymoon lang ang peg!

A small vehicle delivered us to our room. Ito ay isang villa, may swimming pool sa harapan at mula doon ay kita na ang papalubog na araw. The breeze of the sea calmed me down.

"Do you like it?" Ryder asked as he hugged me from the back, hinahaplos ang tiyan ko.

"Mmmm." Tumango-tango ako. "Ang ganda, ngayon lang ako nakapunta ng ganito."

"l'll make sure, we'll go vacation every now and then."

Natahimik kami saglit, pinagmamasdan ang papalubog na araw. The color of the sky is a mixture of yellow and orange. Napakagandang pagmasdan. Madami na ding mag turista ang nagswiswimming sa dalampasigan.

Some of them are taking pictures, some were having dates, some were swimming and there are some kids who are busy playing with the sand, building sand castles.

"Baby, stand there," turo niya sa may sunset kaya nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "l'll just take a picture of you."

"Huwag na!" Saway ko naman agad.

It just felt weird, parang ang pangit ko ngayon!

"Come on. Ang ganda mo kaya, just one." He said, now pleading.

"Ang pangit ko kaya! Ayoko!" matigas kong aniya,

"Isa lang," sabi niya ngunit umiling pa din ako.

Kaya naman napilitan na lamang itong kuhanan ako ng litrato. Natagalan akong gumalaw dahil nagulat ako sa ginawa niya, nagflash kasi ito.

"Ryder! Akin na yan! I-delete mo! Ang pangit! Stolen pa!" Pilit kong inaagaw ang phone niya pero itinataas niya din ito,

"You're so cute there. Umirap ka pa." panunukso niya pa kaya mas lalo akong nainis.

"I-delete mo 'yan sabi." pananaway ko sa kaniya.

"No. Why would I delete it? Akin lang to," sabi niya at ulit na pinictura'n ako. Nakasimangot na ako doon kaya tawa ito ng tawa.

Nagpicture din kaming dalawa sa may sunset. Inilagay niya na lamang ang phone niya sa table na nasa likod namin para makuhanan na kami.

Hiniram ko mo na ang phone niya at tinignan ang mga picture namin kinuha. Nagslide-slide ako puros mga picture ko iyon sa may sunset ngunit laking gulat ko ng magslide ulit ako at bumungad sa akin ang mga natutulog kong pictures sa bahay nila at ang iba naman ay mga pictures ko sa opisina niya.

Lihim akong napangiti dahil halos lahat ng larawan sa gallery niya ay ako. Ang iba ay mga sites, mga projects at designs.

"Oh phone mo." sabay abot ko ito sa kaniya,

"Just hold it. Sayo din naman 'yan." he lazily said like the things he own is basically mine.

We then decided to rest first before eating dinner. Natulog din mo na ako saglit at hinayaan si Ryder na makimeeting saglit dahil nakaschedule na ito. Big client din naman kaya priority talaga.

The Engineer Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon