Special Chapter: Training Camp

34 3 1
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"Woah! Ang ganda nun oh!" namamanghang sabi ni Misaki habang nakaturo sa bulkan'g Mayon na malayo sa kanila.

"Why did you bring a binoculars, Misaki?" nakangiwing tanong ni Zypher na nakaupo sa upuan ng bus na kanilang sinasakyan.

"For sight-seeing! Tignan mo kasi yung bulkan na yun, Zy-chan oh! Perfect cone!" masayang sagot ni Misaki at muli pang tinignan yun gamit ang binoculars na hawak.

"'Yan ang pinagmamalaki ng mga Bicolano. Ang perfect-shaped Volcano ng Albay." sabi ni Xena na nakasandal sa back rest habang may suot na sleeping mask.

"Woah! Kung nagi-snow lang dito sa Pilipinas? Baka magmukang Fuji Mountain ang bulkan na 'to." sabi ni Misaki at naupo na nang maayos sa tabi ni Zypher.

"Masyadong malaki ang Fuji Mountain kumpara sa Mayon Volcano ng Albay, Misaki." nakangiting sabi ni Rainea habang nakatingin din sa bintana.

"Well, sabagay tama ka. Nami-miss ko lang talaga ang Japan." sagot ni Misaki at hindi pa rin tinigilan ang katitingin sa bulkan.

Hapon na ngunit hindi pa rin nakakarating sa kanilang destinasyon ang apat. Masyado nga naman kasing malayo ang Bicol sa kanilang pinanggalingan kaya't hindi talaga madali at masyadong matagal ang kanilang magiging byahe.

Dinala nila ang kanilang mga instrumento lalo na ang mga gitara. Hindi naman na pinadala ni Xena ang drumset ni Zypher at ang keyboard ni Rainea dahil meron naman dun sa kanila. Ang tanging pinadala lang ni Xena sa tatlo ay mga damit, pagkain para sa byahe, at mga essential na bagay na kakailanganin nila sa byahe.

Nakaupo sa pandalawahang upuan ang apat. Nasa unahan nila Zypher at Misaki sina Xena at Rainea na tahimik lang na pinagmamasdan ang ganda ng tanawin na kanilang dinaraanan.

Binalaan na sila ni Xena na madaling araw pa silang makakarating sa Camarines Sur na hindi naman alintana ni Misaki at Rainea. Puro reklamo naman ang narinig nila mula kay Zypher na balak pang mag-back out pero hindi na natuloy dahil kinurot s'ya ni Rainea sa tagiliran.

Air-conditioned ang bus na kanilang sinasakyan at may banyo pa ang loob para sa mahabang byahe. Malaki naman ang binayad nila para rito.

Sa tabi ni Rainea ay si Xena na kinakalikot ang kanyang phone upang tumawag sa kanila. Agad naman iyong sinagot ng isa sa mga tao sa kanila.

"Hello po?" sabi ni Xena at tinaas ang sleeping mask n'ya.

[Señorita Xena? Bakit po kayo napatawag?] tanong ng butler ni Xena.

"Magpapasundo sana kami mamayang madaling araw. May kasama akong tatlong tao kaya't pakihanda ang magiging kwarto namin. At isa pa, yung mga instruments pakihanda na rin." sabi ni Xena.

[Masusunod po, señorita Xena.] sagot ng kanilang butler.

"Atsaka, pakihanda na rin kami ng makakakain mamaya. Siguradong paguran ang mga to dahil sa byahe." dagdag pa ni Xena.

Nang matapos ang mga bilin ay pinatay na n'ya ang tawag at kumuha ng chips na dala nila. May coke, C2, at tubig na kakasya para sa kanilang apat at may mga pagkain na sobra para sa kanila pero magagawa nilang ubusin.

"Pano natin makakain 'tong mga cup noodles na dala ni Misaki?" tanong ni Rainea habang nakaturo sa mga pagkain.

"Hihinto naman mamayang gabi yung bus sa tapat ng mga nagtitinda kaya makihingi nalang tayo ng mainit na tubig." sagot ni Xena na s'yang tinanguan nang sunod-sunod ni Rainea.

Kumuha na lang s'ya ng makakain'g donut na binili nila kanina bago bumyahe at kinain yun.

Nagpasak din s'ya ng earphone sa magkabilang tenga n'ya at muling tumingin sa bintana habang kumakain.

Chasing Dreams (Volume 1)Where stories live. Discover now