Chapter 11: Closing Remarks

60 8 1
                                    

ZYPHER SHIARI'S POV:

"When is our next sched, Rainea?" tanong ko kay Rainea habang umiinom ng tubig.

Nag-tungo sya sa white board at tinignan ang schedule namin. Naka-ayos na kasi ang schedule namin at binigay yun ni miss President.

"May gig tayo sa August 4. Tayo ang kakanta para sa closing remarks ng Sports Interhigh." sabi ni Rainea. Napatango-tango ako dahil dun.

"Kaya ba wala pa rin tayong klase ngayon? Dahil sa interhigh?" tanong ko. Tumango sya bilang sagot.

"Oo. Kaya may chance pa tayong mag-practice ng maigi." sabi nya pa. Muli akong uminom ng tubig at pinunasan ang pawis na nasa noo ko.

Nag-simula ang interhigh noong July 28 at matatapos yun sa August 4. Halos lahat ng mga ka-schoolmate namin ay nandun sa MoonLight International School, Crawford University at Sky Angel University. Doon kasi mag-lalaro ang mga schools na mag-kakalaban. At dahil wala kaming interes dun ay hindi nalang kami sumama kaya para na ring naging haunted school ang school namin dahil kakaunti lang ang mga estudyante.

Karamihan sa mga hindi sumali ay mga nerds na mas piniling mag-basa sa library. Ang iba naman ay kaya lang sumama dun para hindi mabagot sa school at para makagala. Ang iba ay taga-cheer ng mga players namin.

Bawat sports meron kaming representative. Yep. All-girls school pero kaya din naming makipag-sabayan sa iba.

Since august 2 na ngayon, we still have our 2 remaining days to practice more. Hindi naman kami grabe mag-practice talaga. Kahit pa na may tatlo kaming ka-member na kayang kumanta ay hindi pa rin namin pwedeng sagarin ang boses ni Misaki.

And since august is waving, our periodical exams are next. We can't visit our clubroom yet because we need to review for our exams.

So here's our schedule

June 28- Owner's visit
August 4- Sports Interhigh Closing
August 10-11- Periodical Exam
August 16-20- School Festival
September 25- Principal's Birthday
October 5- Gig on Storm Clark Academy
October 28- Sky High and Storm Clark Masquerade Ball
November 1- Halloween Party
December 12- Sky High's visit in SCA
December 20- Christmas Party
January 5- Welcome Concert
February 14- Valentines' Day
March 15- Last Concert
April 15- Tribute for the Senior's Graduation

Yan ang schedule namin. Tapos, ang susunod na gig namin ay ang pag-tugtog namin sa June 5 kung saan mag-sisimula ulit ang panibagong school year kung saan 2nd year high school na kami.

'August na pero wala pa rin kaming rhythm guitarist.'

Misaki is indeed a fast learner. She mastered the bass guitar and she's doing a great help to us. Pero nakakalimutan nyang tumugtog pag nae-enjoy na nya ang pag-kanta. Nahihirapan tuloy si Xena. Pfft.

'Ang isa naman puro reklamo pero sinasalo naman.'

After our debut performance, nag-karoon kami bigla ng fans club kung saan nahahati yun sa limang parte. Fans club ko, fans club ni Misaki, ni Rainea at ni Xena. Si Rainea at Misaki ang may pinakamaraming fans at ako naman ang pinaka-kaunti. I won't blame them, i'm not really a nice person. Hindi lahat naa-approach ko at hindi rin naman ako palaging gumagala sa school kaya hindi nila ko mahagilap sa kung saan-saan.

Ang mga mata-tyaga lang ang pinapansin ko. Yung mga fans kong kahit walang dala-dala pero araw-araw akong kinakamusta ang mga pinapansin ko. Ewan, nasa nature ko na ang hindi pag-pansin sa lahat.

Xena and Misaki's voices are dangerous. Too powerful when it was combined. Si Xena dapat ang lead vocalist pero mas gusto nyang maging lead guitarist. Si Misaki nalang ang ginawa naming vocal dahil magaling nga talaga sya.

Chasing Dreams (Volume 1)Where stories live. Discover now