Chapter 5: Dreamers Beat

53 10 0
                                    

ZYPHER SHIARI'S POV:

Lumipas ang ilang araw at linggo at eto na naman kaming apat ngayon. Nasa loob ng clubroom, kumakain saglit at magpa-practice mamaya.

Hindi nasabi ni miss President na dalawang kanta pala ang ipe-perform namin. Isang kanta lang ang pina-practice namin eh.

Uminom ako ng tubig at tumingin sa mga ka-banda ko. Simula ng mag-perform kami sa harap ni ma'am JC ay naging close na si Misaki at Xena. Maganda naman ang ganun dahil ayokong masira ang banda ng dahil lang sakanila.

Si Rainea naman ay tuluyan ng na-motivate sa pag-tugtog ng keyboard. Maganda ang ganun dahil lalong gumaganda ang performance nya.

Napag-desisyonan na naming apat ang mga kakanta. Si Misaki ang vocalist at second vocalist naman si Xena.

Maganda ang boses ni Rainea pero satingin ko ay hindi pa sya handa ngayon para kumanta. Tsaka na lang siguro.

Pero bukod sa ganda ng boses ni Misaki ay may isa pang dahilan kung bakit sya ang napili kong vocalist. Dahil yun sa pagiging friendly nya at pagiging energetic nya.

Wala sa trabaho nya ang sumayaw habang kumakanta pero ginawa pa rin nya at swabeng-swabe ang galaw ng katawan nya habang kumakanta. Hindi man lang ata sya nakaramdam ng pagod habang kumakanta. Hindi rin sya pumiyok o nag-tunog hinihingal man lang kahit na sumasayaw sya.

Nabaling ang tingin ko kay Xena na kausap sila Rainea at Misaki. Kakaiba din ang galing nya sa pag-gigitara. Kung pano nya hawakan ang gitara nya at kung pano nya yun isuot. Kakaiba masyado. Para syang nag-iibang tao pag may hawak syang gitara.

Hindi ako nag-kamali sa pamimilit sakanya. At hindi ko rin sya pipilitin kung wala sa interes nya ang pag-tugtog. Alam kong gusto nya na talagang sumali pero ma-pride sya masyado at sya yung tipo ng tao na hindi mo mapapaamo basta-basta.

Nang umapak sya sa clubroom ay alam ko ng gusto nya talaga. Nang pumayag sya sa deal ay desidido na talaga sya. Kahit siguro hindi ko planuhin ang lahat para sumali sya ay sasali pa rin sya sa banda. Matagal nga lang ang aabutin.

Nakaka-pressure ang sinabi ni miss President at ni ma'am JC samin. Wala ng ibang banda bukod samin. Kulang na kulang din kami sa members dahil wala pa kaming guitarist at bassist. Lead guitarist si Xena at kailangan nya ng support mula sa bassist dahil alam kong kahit na gano pa sya kagaling ay hindi pa rin nya yun kaya.

Umiwas ako ng tingin ng bigla silang tumingin samin. Eto na yun. Malapit ng mag-simula ang lahat. Malapit na kaming makilala ng Sky High at sana, sana matanggap nila kami gaya ng pag-tanggap nila sa Light Melody.

Walang nakakaalam na may bago ng members ang music club. Ayaw ng presidente at ni ma'am na ipaalam agad dahil gusto nyang ma-sorpresa ang mga estudyante pag nakita kaming tutugtog.

Si ma'am.....

"Good afternoon, music club." pag-bati ni ma'am habang may dala-dalang shoulder bag at nakangiti pa ng pumasok sa loob.

Agad na nag-puntahan sa tabi ko ang mga bandmates ko at sabay-sabay kaming nag-bow at bumati din ng magandang hapon. Muli kaming nag-kanya-kanya ng matapos.

"Tapos na ba kayo sa pagpa-practice ninyo?" nakangiting tanong nya.

Umiling si Rainea bilang sagot. "Hindi pa po. Pero malapit na." sabi ni Rainea at ngumiti.

"Mabuti kung ganon. Panonoorin ko kayo ulit. Yun lang naman ang ambag ko dito eh." nakangiting sabi ni ma'am at naupo sa couch na nandito.

'Sinungaling.'

Tinitigan ko si ma'am habang nakatalikod sya sakin. Nasa may lamesa ako at nasa harap naman ni ma'am ang mga bandmates ko. Sumingkit pa lalo ang mga mata ko habang nakikipag-kwentuhan sya sa tatlo.

Chasing Dreams (Volume 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt