Chapter 10: Worthy Opponent

46 8 0
                                    

ZAYDEN JAX'S POV:

"And now, for the last performer of Sky High Academy. The band who will write the history again. The band who will make us scream, stand and proud. Let us make a way for the new band of Sky High Academy! The girl band with a sassy attitude and elegance!" takang-taka ako dahil sa sinabi ng taong nag-sasalita dahil sa sinabi nya. Kami ang last performer di ba? May bagong banda ba?

'Banda ng Sky High? Akala ko ba wala?!'

"DREAMERS BEAT!" malakas na sigaw ng taong nag-papakilala sa last performer daw.

Dahan-dahang umangat ang kurtina at ang mga ilaw ay nag-sibukasan. Napapikit ako ng masilawan dahil matapos ang mahabang kadiliman ay muli na namang nag-liwanag.

Nang mag-adjust ang mga mata ko sa ilaw ay napaawang ang labi ko ng makita kung sino ang mga babaeng nasa stage ngayon.

Gulat na gulat. Takang taka at hindi makapaniwala. Yan ang mga nararamdaman ko ngayon. B-bakit hindi nila sinabi?!

'Sit your ass back and relax. Your badass and mighty opponent will come and watch how your band falls.'

Nag-echo sa pandinig ko ang sinabi ni Zypher kanina sakin at mukang ito na ang tinutukoy nya. Sya at ang banda nya ang tinutukoy nyang mag-papataob sa banda namin.

Napakuyom ako ng kamao at napakunot noo. Nag-hahalo-halo ang nararamdaman ko. Hinahamon na nila kami't-lahat pero wala pa rin kaming kaalam-alam.

Hindi ko akalaing maski sa industriyang to ay mag-tatagisan tayo Zypher Shiari. Kaya pala kayo nandun ng boyfriend mo sa instrumental shop dahil banda din kayo!

Kunot-noo ko syang tinitigan habang nakaupo sya sa stool sa harap ng drumset at may hawak na drumsticks sa mag-kabilang kamay.

Sunod kong tinignan ang babaeng kasama nya na nag-pahiya samin ni Phoenix noon at ang babaeng kasama ni Damien sa mall. Naka-handa na ang daliri nya at naka-posisyon na sya sa harap ng keyboard nya.

Nagawi ang tingin ko sa bokalista nilang may hawak ding bass guitar na at halatang kinakabahan habang nakatingin sa madla na nag-tataka at gulat na gulat dahil sa pag-sulpot nilang apat.

Huli kong tinignan ang gitarista nilang masyadong mapambara na mukang seryoso na ngayon habang suot-suot ang strap ng gitara nya. Napalunok ako ng sunod-sunod at hindi maiwasang ma-bwiset dahil akala ko, wala talaga syang banda at maipapanlaban samin.

'Bullshit!'

"SKY HIGH ACADEMYYY!!!" malakas na sigaw mi Misaki habang malaki ang pag-kakangiti sa lahat. Walang sumagot sakanya dahil lahat ay tulala. Walang makapaniwala.

"ARE YOU READY TO RAISE OUR FLAG AGAIN?!" muli pang sigaw nya habang nakangisi pa rin ng malaki. Hindi ko alam kung wala bang epekto sakanila ang hindi pag-sagot ng mga ka-schoolmates o nag-kukunyari lang syang maayos kahit na napapahiya na sya.

"Ow! I think that our schoolmates didn't expect us here. Shall we go back to the audience seat and just shut up?" kunyari pang tanong nya sa mga ka-banda nya.

"That's a waste of time, Misaki. Let's just enjoy this gig. We are here to have fun, not to pleased everyone." sagot sakanya ni Xena na mukang gustong-gusto ata ang tahimik na crowd.

"What do you think, Rai-chan?" tanong ni Misaki.

"Same thought like Xena. We practiced everyday to show how we improved. Let's don't waste it." nakangiting sabi ni Rainea.

"What can you say, Zy-chan?" tanong ni Misaki.

Parang nanlaki ang tenga ko at iniintay ang isasagot nya. Napalunok ako ng sunod-sunod ng hawakan nya ang mikropono at nag-salita.

Chasing Dreams (Volume 1)Where stories live. Discover now