Chapter 12: Believers

70 8 1
                                    

RAINEA CLAIRE'S POV:

Hello, readers! It's me again! Your sweet keyboardist. Hehehehe!

Nag-lalakad kami ngayong dalawa ni Xen dito sa labas para mag-libot-libot dahil marami masyado ang mga stall at tinitinda dito. Bumaba kami para bumili ng pwedeng bilhin.

Inaya ko nga si Misaki at Zypher pero hindi sumama si Zypher. Si Misaki naman nag-paiwan din. Si Xena nalang tuloy ang kasama ko.

Don't misunderstand me ha? Gusto kong kasama si Xena kaso hindi sumama yung dalawa. Apat dapat kaming bumaba dito at nag-tititingin eh.

School festival na at bukod sa dapat bawat section ay may pasabog, bawat clubs din dapat meron. Kagaya ng music club, kakanta kami ng dalawang araw dahil yun ang pasabog namin. Binabati na nga kami ng mga nakakasalubong namin eh.

Nga pala, ang music club ay mayroong mga iba't-ibang parte. May Wind League Club kung saan puro flute, trumpets at kung ano-ano pang mga instruments na kailangan ng hangin ang nandun.

Meron ding Jazz Performers Club, Special Choir Club at marami pang iba. Kaya nga magiging maganda ang school festival na to dahil sa mga mapapanood tuwing gabi eh.

Oo, gabi ang performance namin. Alas otso natatapos ang school festival at babalik na kami sa mga kanya-kanya naming dorms pag katapos nun.

Pangatlong araw na ng school festival at dahil wednesday na ngayon ay bukas magpe-perform na kami. Hindi nga pala pumayag si madame President ng mag-request kaming i-move ng isang araw ang gig namin. Sabi nila may mga performers pa daw na magpe-perform ng saturday kaya hindi daw pwede. Tinanong na nila ang presidente ng club at hindi sila pumayag.

"Ang cute oh!" sabi ko at hinila si Xena papunta sa isang stall kung saan may mga figures ang mga gitara, keyboard at kung ano-ano pa.

"Hala! Si Rai at Xena." napaangat ang tingin ko sa nag-titinda ng bigla nya kaming tawagin. Ngumiti ako at bumati.

"Good morning." sabi ko. Ngumiti sila at nahiya pero bumati din.

"Ate, para saan ang stall nyo na to?" takang tanong ni Xena na nakatingin sa taas. Kumunot ang noo ko at sumilip din dun.

Nagulat ako ng makita kung ano ang nakalagay sa itaas ng stall nilang itinayo.

'Dreamers Beat Fans Club Merchandise.'

"Ehh?" gulat na tanong ko at tumingin sa dalawang tindera. Napakamot sila ng ulo at ngumiti.

"Ahh hehehe kasali po kami sa fans club nyo, miss Rainea, miss Xena. Dahil club din po yun, gumawa kami ng mga merchandise para sa banda ninyo." nakangiting sabi nya. Tumango-tango ako dahil dun.

"Ang mahal ata ng nagagastos nyo dito. M-may buminili ba? Hehehehe. Baka mamaya magastusan kayo ng magastusan tapos wala naman palang bumibili." nahihiyang sabi ko at napakamot pa ng ulo.

Nag-katingingan silang dalawa at umiling. "Marami pong bumibili lalo na nung mga keychains ng mga instruments ninyo. May mga bumibili din ng mga headbands na may mga pangalan ninyo. Nakipag-usap nga po yung presidente ng club namin para makipag-negotiate sa club ninyo kaso ni-turn down ata nung president ng club ninyo." nagulat ako ng dahil sa sinabi nya. Kelan nangyari yun?

"Ha? Kelan? Sino bang kinausap nyo?" takang tanong ni Xena.

"Yung Sarah daw po ang pangalan? Yun daw po ang presidente ninyo at ang manager ng banda ninyo kaya dapat sakanya daw makipag-usap." sabi nya. Kumunot ang noo ko at napatingin kay Xena.

'Sino ang Sarah na yun?'

"Ano bang nakapaloob sa negotiation na yon?" tanong pa ni Xena.

Chasing Dreams (Volume 1)Where stories live. Discover now