Chapter 18: Masquerade Ball

64 5 1
                                    

DAMIEN ASHER'S POV:

Mabilis na lumipas ang araw, oras, minuto at segundo at namalayan nalang namin na hinahanda na ang magiging venue ng most awaiting masquerade ball ng Storm Clark Academy at ng Sky High Academy.

Oo. Tama ang pagkakabasa nyo. Storm Clark at Sky High. At dahil pinagsama-sama ang lahat ng seniors sa highschool sa magkabilang school ay kailangan ng mas malaking venue para sa event na to.

At para hindi hassle, puro 4th year lang ang aattend ng ball. Pag kasi lahat ng estudyante mula sa 1st year hanggang 4th year ay masyado nang madami lalo pa't dalawang school ang aattend para sa ball na to.

I'm not really that sure about the reason behind the collaboration of two schools for masquerade ball pero para ata magkasundo-sundo ang mga nasa 4th year bago pa man sila maka-graduate.

"I got the invitation from the dean, guys." agad kaming napatingin kay Wyatt ng bigla syang dumating.

"Invitation for what?" tanong ko at uminom ng iced tea dahil nagme-meryenda na kami.

"For the masquerade ball." sagot nya na syang ikinagulat ng dalawa pa naming kasama.

"Ha?! Akala ko ba sa 4th year lang yon?" takang tanong ni Zayden habang kumakain ng fries.

"Kaya nga? Ba't may invitation tayo? Anong isusuot natin nyan?" nakangiwing tanong ni Phoenix habang kumakain naman ng burger.

"We're not going to join them, stupid." nakangiwing sagot ni Wyatt at inabot ang inivitation card kay Zayden para mabasa nito.

"We're going to perform for them." dagdag pa nito at naupo sa tabi ko.

"Ahh. Magpe-perform lang pala." sabi ni Phoenix at tumango-tango pa. "Hindi naman tayo required na mag-tux di ba?" tanong pa nya.

"The dean said, if we have tux, then we can wear it. But if we don't have it, then we don't need to wear it." sagot ni Wyatt na syang ikinatango-tango pa ng dalawa.

"Mas maganda ata kung mag-tux tayo? Masquerade ball yun eh. Atsaka malay nyo, isayaw tayo ng mga 4th year di ba?" nakangiting tanong ni Zayden at nagtaas baba pa ng kilay.

Ngumiwi ako ng marinig ang sinabi nya. "At nangangarap ka pa talagang maisayaw ang isa sakanila?" pag-kontra ko na syang ikinanguso nya.

"Malay mo may fans pala tayo dun." sagot nya at tumayo. "Hanap lang ako ng maisusuot ko para dyan. Alas kwatro na oh. Alas siete yung umpisa nung ball." sabi nya.

"Oh right." sagot ni Wyatt. "I'll use my tux too." sabi nya at tumayo na rin para magtungo sa kwarto nya.

"Ehh? Pano kung wala pala kong dala?" problemadong tanong ni Phoenix sa sarili.

"Use your uniform then." natatawang suggest ko. Sinamaan naman nya ko ng tingin na tinawanan ko lang.

"Parang ewan naman eh! Seryoso kaya ko!" nakangusong sabi nya na syang ikinailing-iling ko.

"I'll find my tux. Baka may extra ko. Try mo ring maghanap sa damitan mo baka meron." sabi ko na agad nyang ikinangiti ng malaki.

"Yehey! Thank you, Dame!" masigasig na sabi nya at tumalon patungo sa likod ng sofa at nagtungo sa kwarto nya.

Bumuntong hininga ako at nagtungo na rin sa kwarto. Naghanap ako ng pwedeng maisusuot at buti nalang ay may dala ako.

Isang grey at pulang tux pala ang nandito. Ano kayang susuotin ko?

Chasing Dreams (Volume 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang