Chapter 9: Performance

43 7 0
                                    

WYATT AXEL'S POV:

Kanina pa mag-sisimula ang live performance at natapos na ang mga junior galing sa school namin.

Tumingin ako sa katabi kong si Damien na nanunuod lang ng tahimik sa mga ka-schoolmates namin. Kumunot ang noo ko dahil parang may problema.

Siniko ko sya para makuha ang atensyon nya. Agad syang napalingon sakin na para bang nagulat.

"Problem?" tanong ko sakanya. Umiling sya at nag-kamot ng ulo.

"Wala naman." sabi nya at bumuntong hininga.

Tapos na ang mga senior namin na syang unang nag-perform kanina ng mga banda na ang tutugtog. Nag-enjoy ang mga manonood at naki-sing along pa sa banda nila at ganun din ang ginagawa nila ngayon sa banda ng mga junior na schoolmates namin.

Naka-upo na ang mga senior namin dito sa back stage at nagku-kwentuhan pa. Sana ganun din kalakas ang pag-chi-cheer ng mga girls samin mamaya. Baka batuhin kami ng itlog eh. Hays.

Mula dito sa back stage ay kitang-kita ko ang owner ng Sky High at katabi pa nya ang owner ng Storm Clark. Mukang kanina pa inaasar ni Mr. Ramirez si Ms. Ramirez dahil kanina pa nakangiwi ang owner ng Sky High at nakangisi naman si Mr. Ramirez.

"Mag-kaano-ano kaya ang dalawang yan?" tanong ko kay Damien.

"Sino?" takang tanong nya. Tinuro ko ang dalawang owner na nasa gitna at may special seat pa para sakanila.

"Magkapatid? Mag-kahawig eh." sagot ni Damien na syang ikinatango-tango ko. Sabi na nga ba.

'Kaya pala mag-katunggali ang dalawang school na to pfft.'

"Kinakabahan ako!" napatingin kami ni Damien kay Jax ng bigla syang mag-salita.

Tumingin sya samin at muling iniwas ang tingin at nag-palakad-lakad na para bang kabadong-kabado talaga sya.

"It's ok, dude. We're all nervous." sabi ni Damien at bumuntong hininga. Napatingin ako sakanya at kumunot noo.

'Kaya ba sya tahimik dahil kinakabahan sya?'

Tumingin din samin si Phoenix na tahimik lang din habang pinapaikot sa daliri nya ang drumsticks nya. Inilipat kong muli ang tingin kay Jax dahil kabadong-kabado talaga sya.

Naalala ko tuloy yung babae kanina naka-salubong namin. Sya yung kasama ni Zyron na upperclassmen na kaka-graduate lang. Nag-asaran lang sila ni Jax hanggang sa umalis na sila nung kasama nya. Ang init ng dugo nila masyado sa isa't-isa.

'Pero alam kong may laman ang mga sinasabi ng babaeng yun kanina.'

At yun din ang dahilan kung bakit kabado si Jax ngayon. Hays.

"Pano kung mamali tayo? O kaya makalimutan ang ni-practice natin? O di kaya pumiyok ako? Anong gagawin ko?" kinakabahan talagang tanong nya.

Bumuntong hininga ako at napakamot ng ulo. "Lahat yan nararanasan ng isang vocalist, Zayden Jax. Hindi masama'ng pumiyok." nakangiwing sabi ko. Tumingin sya sakin at lalo lang kinabahan.

"Mapapahiya ako! Kayo! Mapapahiya tayo." kinakabahan talagang sabi nya.

"Eh di mapahiya! Damay-damay naman to. Hindi imposibleng mangyari ang mga yan, Jax. Experience lang to. Bagong banda lang tayo at walang perpekto sa unang subok." sabi ko at inismiran sya. Bumuntong hininga sya at sinubukang pakalmahin ang sarili nya.

"P-pero...." sabi nya at hindi na maituloy pa. Lumapit si Damien kay Jax at tinapik ng malakas ang pisngi nito gamit ang dalawang kamay.

"Pag hindi ka kumalma ngayon, baka unang verse palang pumiyok ka na." sabi ni Damien at malakas na inilapag ang kamay sa balikat ni Jax.

Chasing Dreams (Volume 1)Where stories live. Discover now