Chapter 2: Troublesome Girls

110 9 0
                                    

RAINEA CLAIRE'S POV:

Hello readers! I'm Rainea Claire Laurent. 13 years old and the younger sister of Mikeisha Soprano Laurent.

"Hmm... Hmmm.... Hmmm..." pag-kanta ko habang nag-titimpla ng kape. Sa edad kong to ay hilig ko na talaga ang pagka-kape.

Napangiti ako ng maalala ang nangyari kahapon. Ang bait ni Zypher. Hindi pa man nya ko naririnig na tumugtog ay agad na nya kong inaya na bumuo ng banda. Nakaka-excite. Dahil sa mga sinabi nya ay para bang nae-excite na rin akong tumugtog sa stage habang nasa harapan ng mga tao.

'Ano kaya ang pakiramdam ni ate pag tumugtog sya?'

Ngumiti ako ng mapait at hinalo ang kape ko. Simula ng mag-highschool si ate ay hindi na sya umuuwi dahil nga dorm school ang school na to. Wala na kong kausap. Wala ng tumutugtog para sakin. Wala ng nag-tuturo sakin.

Simula ng magkaroon ng banda si ate ay hindi na nya ko pinapansin. Busy na sya palagi at pag nasa bahay sya ay magkukulong sya sa kwarto para mag-sulat ng kanta. Para mag-practice pa at lalo pang gumaling sa pagkanta. Nakakainggit ang dedikasyon na nakikita ko sakanya. Nakakainggit sya.

Dinala ko ang baso ko sa lamesa at napatingin sa mini-stage na nasa kwarto namin. Ito ang kwarto nila ate. Nang buong banda nya. Pero lima sila dito. Sila lang ang may ganitong kwarto dahil espesyal talaga masyado ang turing sakanila ng mga tao. Kaya nakakakuha rin sila ng special treatment gaya ng ganito.

Nakakatuwa ng sabihin sakin ni ate na ang unit ko ay ang unit din nila. Hindi ko gaanong ka-close ang mga ka-banda ni ate pero mababait sila. Sa tuwing dadalaw sila sa bahay ay lagi nila kong bine-baby. Pinapakain, pinapainom ng juice, dinadalhan ng pagkain at pinapasalubungan. Minsan na rin nila kong tinugtugan at tinuruan ng iba't-ibang instruments.

Dumeretso ako sa mini-stage ng hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nag-uumapaw ang excitement sa dibdib ko kahit na hindi ko alam kung bakit. Masyado akong natutuwa na hindi ko alam.

Tumingin ako sa paligid ng mini-stage. Dito nag-eensayo sila ate tuwing gabi. May club room sila pero hindi naman pwede hanggang gabi dun kaya dito din daw sila madalas mag-practice.

Nagawi ang tingin ko sa isang malaking cabinet ata. Dalawa ang pinto eh. Style ng cabinet. Lumapit ako dun at binuksan yun ng dahan-dahan.

Napanganga ako ng makita ang isang keyboard na pamilyar na pamilyar sakin. Teka, eto yung keyboard na niregalo sakin ni ate ah?!

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang keyboard at nakagat pa ang ibabang labi. Bakit nandito to?! Si ate ba ang nag-lagay nito dito?

Nakagat ko ang ibaba kong labi ng mangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko akalaing muling mabubuhay sa loob-loob ko ang pagiging musician. Nag-sisimula ng mabuhay muli ang pangarap kong tumugtog. Nag-sisimula na kong mangarap ulit.

Kinuha ko ang keyboard sa lalagyanan at dinala yun sa mini-stage. Namaalam pa ko dito sa keyboard ko dahil ilang buwan ko syang hindi nakakasama tapos nandito lang pala sya? Nakakainis naman si ate eh!

Mabigat man ang buhat-buhat ay nilapag ko yun ng maayos at inayos ang stand nun. Nang maayos na ay sinet ko yun para tugtugin. Gusto kong tumugtog. Nae-excite akong tumugtog.

'Nae-excite na rin akong gumawa ng banda kasama si Zypher.'

Napalunok ako at nanginginig pa rin ang mga kamay ko ng matapos sa pag-set ng keyboard. Dahan-dahan kong pinindot ang isang key at para akong dinala sa ibang mundo ng tumunog yun.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo akong na-excite. Lalo akong natutuwa. Lalo akong namamangha.

'Kung ikukumpara ka sa kahit na anong instruments? Piano ang maihahalintulad sayo. Bakit? Dahil kagaya ng piano, masyado kang mahinahon.'

Chasing Dreams (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon