Prologue

429 21 0
                                    

"ARE YOU READY, PEOPLEEE!!!??" malakas na sigaw ni Misaki habang hawak-hawak ang mikropono nyang nasa stand din naman ng mic.

Nag-hiyawan ang mga manonood. Isang maliit na ngisi ang kumurba sa labi ko habang pinapanood ang mga tao'ng nagkakagulo dahil sa pag-tugtog naming lima. Hindi ko akalaing makakamit namin ang ganitong tagumpay. Hindi ko akalaing makakahakot kami ng atensyon pero...

'Para sakin ay kulang pa. Kailangan pa naming mangarap, mag-sumikap at lalo pang umangat.'

"HIT IT, ZYPHER!" sigaw ni Misaki kaya bumalik ako sa pagiging seryoso at sinimulang ihampas ang drumstick sa isa pang drumstick na hawak ko.

"One, two, three, four!" pag-bilang ko at inapakan ang bass pedal at hinampas ang snare.

Nang matapos ang ilang chords na tinugtog ay nag-simula na ring tumugtog sina Maggie ng bass guitar na bassist namin at eletric guitar si Xena na lead guitarist namin at sumunod naman si Rainea na keyboardist namin.

"🎶There's a fire starting in my heart
Reaching a fever pitch and it's bringing me out the dark
Finally, I can see you crystal clear
Go ahead and sell me out and I'll lay your ship bare🎶" panimulang pag-kanta ni Misaki na agad namang nag-pahiyaw sa mga tao. Umpisa palang ng kanta, pero sumasabay na sila. Muli akong napangisi.

'Ramdam ko na.'

"🎶See how I'll leave with every piece of you
Don't underestimate the things that I will do
There's a fire starting in my heart
Reaching a fever pitch and it's bring me out the dark🎶" pag-papatuloy pa nito. Hindi ko maingat ang tingin dahil mawawala ang focus ko. Ayokong masira ang performance namin. Ayokong matalo. Ayoko ng natatalo.

"🎶The scars of your love remind me of us
They keep me thinking that we almost had it all
The scars of your love, they leave me breathless
I can't help feeling🎶" pag-kanta pa ni Misaki. Sinubukan kong sumulyap sakanya at gaya ng dati ay sumasayaw sya habang kumakanta. Dumadagdag din yun sa ganda ng performance nya. Nakakatuwa. At nakakabilib na rin dahil kahit na tumambling pa sya dyan ay hindisya pumipiyok. Stable pa rin nag pagkanta nya kaya hinahayaan lang namin syang mag-warak sa stage.

Tumingin ako sa lead guitarist naming malapit sakin. As a drummer, malamang ako ang nasa likuran. Nasa magka-bilang gilid si Xena at Maggie habang nasa may likod naman ni Maggie si Rainea at nasa gitna naman si Misaki na naaagaw lahat ng atensyon. Gusto ko ang ginagawa nya. Maski ang mga napapadaan lang ay humihinto para manood.

'Sa susunod ay hindi lang kami sa maliit na stage magpe-perform. Papatunayan ko sa lahat na kaya naming lima na maging sikat kagaya ng One Direction, Westlife, The beatles at kung ano-ano pang mga grupo. Kaya rin naming maging sikat, hindi dahil maganda kami, kundi dahil may ibubuga kami.'

"🎶We could have had it all
(You're gonna wish you never had met me -Xena)
Rolling in the deep
(Tears are gonna fall, rolling in the deep -Maggie)
You had my heart inside of your hands
(You're gonna wish you never had met me -Xena)
And you played it to the beat
(Tears are gonna fall, rolling in the deep -Maggie)🎶" pagkanta na nilang tatlo nila Xena. Sila ni Maggie ang nagdo-double ng kanta para mas gumanda. Muli akong napangisi habang sabay-sabay kaming tumugtog.

'Kulang pa. Hindi pa sapat ang ganito. Hindi ko pa kayang makuntento.'

"🎶Baby, I have no story to be told
But I've heard one on you and I'm gonna make your head burn
Think of me in the depths of your despair
Make a home down there as mine sure won't be shared🎶" pag-kanta pa nito. Dahan-dahan akong pumikit. Dinadama ang tugtog na nililikha gamit ng mga kamay at pwersa. Ito ang gusto ko. Kaya ito ang pinili ko.

Chasing Dreams (Volume 1)Where stories live. Discover now