Chapter 19: Misunderstanding

43 7 0
                                    

WYATT AXEL'S POV:

"Merry christmas!" nakangiting pagbati ng mga kamag-anak kong nagtipon-tipon dito sa bahay namin.

"Merry christmas din po!" magalang na sagot namin at kinuha ang mga pamasko na inaabot nila tita. Ang iba ay regalo pero mas marami ang aguinaldo.

Masaya naming ni-celebrate ang pasko ng magkakasama. Kinagabihan ay umakyat ako sa kwarto ko ng matapos kaming maglinis ng bahay.

Nakagawian na namin ang paglilinis ng bahay pagkatapos ng kasiyahan. Kaming magpipinsan ang nakatoka dun dahil ang mga matatanda naman ang nakatoka sa paghahanda.

Halos lahat ng pinsan ko ay hindi na umuwi dahil sa kalasingan at dahil gusto rin daw nilang mag-celebrate ng kami-kami lang. Close din naman kami ng mga pinsan ko lalo pa't halos magkakasabay kaming lumaki.

'Kaso nga lang, halos lahat sila ay kung hindi sports ang hilig ay pagsasayaw naman.'

"Ang dami mo talagang instruments dito sa kwarto mo, Wyatt." sabi ni kuya Gian.

"Hilig ko ang mga yan eh." sagot ko at nagtungo sa closet ko. "Maglatag nalang kayo kung dito kayo matutulog." sabi ko sakanila. Agad namang naghiyawan ang mga pinsan ko dahil dun.

'Mga aning.'

"Dun ka sa lapag matulog, Wyatt. Dito kami sa kama mo." agad akong ngumiwi ng marinig ang sabi ni Nicole na nakaupo na sa kama ko.

"Ano ka sinuswerte? Dun ka sa lapag. Dyan ako sa kama ko." nakangiwing sagot ko at nagtungo na sa banyo kahit na samu't-saring pambabash ang narinig ko mula sa mga babae kong pinsan.

'Tindi naman ng mga muka nun? Makikitulog na nga lang tas dun pa sa kama ko? Ha!'

Naligo lang ako ng mabilis dahil gusto ko na ring magpahinga. Ang daming ganap tuwing pasko eh. Pero sobrang saya.

Hindi namin nakalimutang magsimba syempre. Lahat lang naman ng meron kami ay nagmula sakanya kaya pano namin sya makakalimutan di ba?

Lumabas ako ng banyo ng matapos akong maligo. Agad namang sumunod si ate Xandra dahil ligong-ligo na daw talaga sya.

'Mukang dito talaga sila makikitulog ah?'

Natapos silang lahat sa pagligo at nagsipag-upo na sa nilatag nilang kutson sa baba. Mukang consistent naman si Nicole na matulog sa kama ko dahil nakahiga na sya dito ngayon.

'Ang kapal.'

"Bumaba ka dun!" inis na singhal ko sakanya. Tumingin naman sya sakin at ngumisi. "Ayoko nga! Bat pa ko matutulog sa kutson eh may kama naman?" nakangising sagot nya na syang ikinangiwi ko.

"Di mo naman kama kaya bumaba ka na! Isa!" pagbibilang ko pero inirapan nya lang ako at tinalikuran. Para bang matutulog na.

"NICOLE! BABA NA KASE!" singhal ko pa na hindi nya pinakinggan. Sa babae lang na to talaga nauubos ang pasensya ko. Masyadong matigas ang ulo!

"Ayoko nga! Matulog ka nalang." sagot nya at humilata pa.

'Anak ng----'

"Uy! Wyatt! Tama na yan. Di mo mapapababa yan dyan." pag-awat ni ate Chloe at naupo rin sa kama ko. "Di ba mahilig ka sa music?" tanong nya. Tumango ako bilang sagot.

"Tumugtog ka syempre?" tanong nya pa. Tumango akong muli bilang sagot.

"Eh bat di mo nalang kami tugtugan ngayon? May gitara ka naman dyan oh." nakangiting suggest ni ate Chloe.

Chasing Dreams (Volume 1)Where stories live. Discover now