Chapter 01

27.1K 361 21
                                    

Chapter 01
 
"Ayusin mo ang damit mo. Wear at least a dress and heels today. Ayaw kong makitang suot mo na naman ang huge shirt and pants mo."
 
Maotoridad at puno ng arteng utos ni mommy sa akin.
 
Walang ekspresyon ang mukha ko at tumango ng mabagal sa kanya pero nang tumalikod sya ay napa-irap ako. Here we go again with the choices and commands I really dislike. 
 
Gusto ko ang pagsu-suot ng dresses pero kapag hindi ako ang nagdesisyon para sa sarili kong suotin iyon para sa araw na ito ay naba-badtrip ako. 
 
I hate it when I wear clothes I did not choose.
 
Si mommy ang palaging nag-dedecide ng susuotin ko sa tuwing may exclusive event kaming sabay na dadaluhan. Madalas nya akong makitang suot ang huge shirts and pants kaya ngayon ay todo agap sya sa damit na susuotin ko. 
 
Of course, she would really always see me wearing it, iyon lang naman ang mga pares ng damit kung saan komportable akong gumalaw, komportable akong sumayaw. 
 
"Ito na lang," Kinuha ko ang maroon satin dress. Maiksi iyon, sleeveless, at backless. Napakanipis rin ng strap nitong kumikintab.
 
"Wear something decent. Hindi party sa bar ang pupuntahan natin."
 
Hindi ko pa nga naibubuklat ng maayos ang damit ay agad na akong sinita ni mommy. 
 
Naiiyak na ako. 
 
I can't wear this one! I'll definitely look so sexy in it. Sayang at wala akong maakit mamaya kung hindi ito ang suot ko!
 
Bumuntong-hininga ako at kinuha ang purple fitted dress ko sa cabinet. Sleeveless iyon pero medyo makapal ang strap. 
 
May maiksing slit din sa kanang bahagi ng hita ko iyon. 
 
Sinuot ko iyon nang hindi nakaririnig ng kahit anong salita kay mommy. I'm glad she said nothing this time.
 
Nakabusangot ako habang naglalagay ng make-up. Ito ang unang lakad naming mag-ina kung saan labag sa loob ko. I supposedly had my own date with my friends today. 
 
Nag-pa-plano na sila ng swimming at hindi ako makakasama! Actually ay nauna iyon, huli na no'ng nagsabi si mommy na isasama nya ako sa anniversary ng company nila.
 
I wanted to go and enjoy with my friends, pero hindi ko pwedeng ayawan si mommy. She knows I have nothing to do these approaching weekends since it's vacation already. Hindi ko pwedeng aminin sa kanyang schedule ng swimming namin today, tatakas lang dapat ako, 'no!
 
Pakinig kong tumunog ng ilang beses ang cellphone ko, dahil nga nasa tabi ko si mommy na syang nagma-make up din sa harap ng vanity mirror, sulyap lang ang nagawad ko doon. 
 
"Mag-ayos ka dyan, sabihan ko lang si kuya Chris na kunin na ang sasakyan kina Jay." Ani mommy at lumabas ng kwarto. 
 
Ugali kasi ng tito Jay ko ang hiramin ang sasakyan namin sa tuwing lumalabas sila ng pamilya nila. They have no car by now, nag-iipon pa lang kaya pinapahiram muna namin. 
 
Paglabas nya ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Nagpop-up doon ang chathead ng GC ng section namin noong grade twelve. 
 
Napanguso ako, inggit na dahil tuloy ang swimming nila. Ang saya nilang nagpa-plano ngayon.
 
Zy Vargas: SWIMMING NG SECTION LANG 'TO! WALANG OUTSIDER! WALANG MAGDADALA NG JOWA!
 
Natawa ako sa unang nabasa. Last day pa nagpapaalala nito si Zy. Kagagaling lang sa break up ng babae kaya ngayon ay naiintindihan ko sya. Sa capslock na pagkaka-type, ramdam ko ang galit nya. 
 
Allen Ronquillo: Pwede ba 'yung nililigawan? Di ko pa naman jowa, e.
 
Zy Vargas: Pwede pero hanggang sa gate lang.
 
Lorenn Lecarte: HAHAHA buti na lang jowa ko si classmate.
 
Peter Cariño: Hahaha love u babe.
 
Zy Vargas: Tangina nyo lulunurin ko kayo mamaya!!!
 
Humalakhak ako mag-isa. Tama! Tama, Zy! Lunurin mo ang mga mahaharot! Nag-tipa ako para makasali sa usapan nila.
 
Me: Hindi ako makakasama. Dalhan nyo na lang ako ng tubig galing sa pool, inumin ko na lang :(
 
Pagka-send ko ay na-seen agad nila. Nag-reply agad ang isang classmate ko.
 
Allen Ronquillo: Sayang naman, pre! Sana si Zy na lang yung hindi.
 
Tumawa ako ng malakas sa sinabi ni Allen kaya nag-type akong muli at minention si Zy.
 
Me: Gago mahal inaasar ka, oh! Sisirin mo 'yan mamaya tapos pisilin mo 'yung ano!
 
Thalia Martinez: Ano po 'yung pipisilin? Gusto ko rin pong pumisil🥺🍆
 
Zy Vargas: Hoy Thalia ano 'yan!
 
Lorenn Lecarte: Baliw 'tong si Jaile pati si Martinez dinadamay oh! Huwag mong sirain 'yung ka-inosentehan nyan!
 
Me: Mga gagang 'to wala pa nga akong sinasabi! Mukha lang inosente 'yan! Mukha lang😾
 
Me: TBH, masarap kainin 'yung si-nend ni Thalia! "🍆"
 
Me: fav ko iyan! lalo na kapag malaki!💦
 
Me: tapos torta!👅
 
Panay ang halakhak ko sa loob ng kwarto. Totoo iyon. Paborito kong gulay ang talong. Bahala na sila kung ano ang iisipin nila.
 
Muntik ko nang mahulog ang cellphone ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. 
 
"Tapos ka na?" tanong ni mommy pagpasok nya at naglakad palapit sa akin. Hawak nya na ang hair straightener. Pumuwesto sya sa likod ko para ayusin ang hairstyle ko.
 
"Patapos pa lang po," sagot ko at naglagay ng mascara.
 
Sinuklay ni mommy ang buhok ko kaya tinignan ko sya sa salamin. Seryoso ang mukha nya at ang mga mata ay direktang nakatutok sa malambot na buhok ko. 
 
"Lahat ng company employee ay dadalo mamaya. I want you to look good, the prettiest among the girls there. Ayusin mo mamaya, ayaw kong mapahiya ng dahil sayo." 
 
Muntik na akong matuwa sa una niyang sinabi pero agad ding naglaho. She wants me to look nice. 
 
She aims good for me. 
 
Ayaw nyang magmumukha akong kawawa roon dahil magiging reflection iyon sa kanya. Ang totoo, she's not concerned about me. Concerned lamang sya sa kanyang career. Her image.
 
Si mommy ang bigat na palaging buhat ko, palaging nasa dibdib ko. Napaka taas ng expectation nya sa akin. Sa lahat ng bagay ay tinuturing kong ang lahat ay kakompetensya ko. 
 
Gusto nyang palagi akong manalo. 
 
Gusto nyang palagi ako ang magaling. Kahit na ayaw ko ng kompetisyon ay tinuturing kong laban ang lahat ng meron sa mundo. Dahil takot akong maging disappointment nya.
 
Pagkatapos nyang kulutin ang buhok ko ay ang kanya naman ang inasikaso nya. Hinayaan ko si mommy ang maupo sa harapan ng vanity table at ako naman ay pumwesto sa sofa, nag-ce-cellphone. 
 
Napadaan ulit sa newsfeed ko ang post ng isang Talent Company na syang nabasa ko na noong isang araw. 
 
Bumalik ulit ang sigla ng katawan ko. The company is looking for talented dancers, singers, or rappers, option na lang ang modeling at acting.
 
I wanted to try! 
 
I wanted to showcase my talent! 
 
Malawak ang ngiti kong nilingon ang direksyon ni mommy. She's still ironing her hair. 
 
"Uh ... mi!" tawag ko, nagtaas lamang sya ng kilay sa akin.
 
"Pwede pong manghingi ng pera? Pocket money at pamasahe lang po. Nabalitaan ko kasing may gaganapin pong audition sa Pasay. Gusto ko pong mag-try." Sunod-sunod na sabi ko. 
 
Sabik na sabik at naiihi pa sa sobrang saya. Ngayon lang ulit nagkaroon matapos ang isang taon. Hindi ako nakapag-audition last year kaya hindi ko ito pwedeng palampasin.
 
I'm already 18 years old. Kung hindi pa ako mag-au-audition at matatanggap ay masyadong late na para sa akin ang susunod pang mga taon. I'm craving and eager to bite the chance. Ito na ang oras ko. Akin na 'to.
 
"Pera? Para saan?" Kinabahan ako sa tono ng pananalita ni mommy. Dahan-dahan nyang nilapag ang curling iron sa vanity table at sinalubong ang mga mata ko lamang sa salamin.
 
Napalunok ako ng laway. 
 
"Gagamitin ko po. Mag-au-audition po ako sa Pasay." 
 
Sa kabila ng kaba ay nakangiti pa rin ako sa kanya. I want her to know that I'm happy doing this. Ito ang pangarap ng anak nya. Ito ang matagal ko nang inaasam. Pagbibigyan naman ako ni mommy, hindi ba?
 
"Itigil mo 'yan. Mag-isip ka nga, Jaile. May mapapala ka ba dyan? Magco-college ka na. Doon ka dapat mag-focus. College is hard. Sinasabi ko sayo. At isa pa, huwag mong hahayaang may maging kahati ang pag-aaral mo sa atensyon mo. I want you to make it to the Dean this time." Mapait na sabi nya.
 
Parang gusto kong maiyak nang marinig iyon. 
 
She wants what? 
 
To surrender and let go of that audition so I could focus on my studies? 
 
Hindi ba nya naisip na kaya ko naman? Na kaya ko namang pagsabayin? Ganito ba talaga kahina ang tingin sa akin ni mommy?
 
"And speaking of college, anu-anong university ang mga na-applyan mo? Ilan na ang tumanggap sayo?"
 
"Wala pa po. Pero susubukan ko po sa East Edison." Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya nang makita kong nagbago agad ang reaksyon nya. 
 
Narinig ko ang matinis na pag-urong ng upuan ni mommy kaya napalingon ako sa paa nya lamang, takot akong salubungin ang mga mata nya dahil ramdam kong sa mga oras na ito ay napaka dilim na ng awra nya.
 
"Wala ka pang naa-applyan? At East Edison pa?!" Sinabi nya iyon na parang hindi sya makapaniwala. 
 
Tumango ako.
 
"How about scholarship? Huwag mo sabihin saking hindi mo sinubukan?" si mommy. Nagsitayuan ang mga balahibo ko.
 
"State University naman po ang East Edison. Okay lang kahit hindi na mag-apply for the scholarship program." Nanginginig ang mga kamay ko habang nagsasalita, sinusubukang depensahan ang sarili. 
 
Pero alam kong kahit doon, wala akong lusot. I know it! Scholarship program is a big help. But I trust our financial stability. Sa iba na lang iyon, iyong mas nangangailangan kumpara sa akin.
 
"E, paano kung hindi ka roon makapasa?!"
 
"Makakapasa po ako, huwag kayong mag-alala." sabi ko. Gusto nang tumulo ng mga luha ko pero pinigil ko, pinilit ko.
 
"Hay nako! Ewan ko sa'yo, Chandria! Palagi kang hindi handa. Parang wala kang alam!" Buntong-hininga ni mommy. 
 
Nakahawak sa kanyang sintido habang umiiling-iling at mabilis na lumabas sa kwarto. Nagulat pa ako na halos lumabas ang kaluluwa ko sa lakas ng pagkalabog nya ng pinto.
 
Napahawak ako sa dibdib ko at bumuga ng malalim na paghinga. Sinubukan kong ipiit ang mga nagbabadya sa pagtakas kong mga luha para hindi mabura ang make-up ko pero hindi ko nagawa. 
 
I still ended up crying. 
 
Her words punched my chest hard. Para akong sinampal ng mga palad nya kahit na sermon lang naman ang natanggap ko.
 
Nag-retouch ulit ako dahil kumupas ang make-up ko. Magkagalit kaming sabay na pumunta sa hall kung saan ice-celebrate ang anniversary ng company na pinagtatrabahuhan ni mommy. 
 
Nakasunod lamang ako sa likod nya, medyo gilid nya. Hindi ko sinasadyang magpahuli dahil nagmamadaling maglakad si mommy, pakiramdam ko tuloy ay iniiwan nya ako.
 
Sa tuwing may nakakasalubong syang katrabaho nya at nagtatanong iyon tungkol sa anak nya ay doon lamang ako ni mommy pinapakilala. It's so different from the people I saw. 
 
Ang karamihan sa mga magulang ay halos ipangalandakan na sa lahat na anak nila ang kasama nila. They're very proud of their child. They loved them very much. I wished my mommy too.
 
Nakinig at nanood lang kami sa maiksing program. Pinakilala lang ang executive at ang board of directors. Nanood din kami ng achievements ng Hundred Decades Limited, ang pangalan ng company, at pati na ang mga charity event na nagawa nito.
 
Pagkatapos ay dinala na ako ni mommy sa isang round table, kung saan kami kakain. Habang naglalakad papalapit doon ay napaayos ako ng buhok ko. 
 
I saw Elizzer. 
 
Nakaupo na sya sa pwesto rin namin ni mommy. I only met him once. Noong bumisita ang mommy nya sa bahay dahil workmates sila ng mommy ko.
 
"Take these seats, Caroline," Tumayo ang mommy ni Elizzer nang makalapit kami. She motions her hand to the seat next to her. Nanlaki pa ang mata ko nang makita ang isang mahabang pilat sa pala-pulsuhan niya pero nang napansin niyang nakatingin ako roon ay agad na inayos ni Tita Evone ang sleeves ng dress niya. 
 
Nakangiti silang matamis ni mommy sa isa't-isa. Bumaling ulit ito ng tingin sa akin.
 
"Hello po!" Kumaway ako ng masigla sa kanya.
 
"Hello, hija! You look prettier now." She praised me. 
 
Nag-thank you lang ako at sabay kaming naupo ni mommy. Nilapit ko ang ulo sa kanya nang pasimple nya akong kinalabit dahil parang may ibubulong sya.
 
"Next time, wave smoothly and small. Huwag mo masyadong ipahalata na sobrang saya mong nakita sila." madiing bulong nya sa tainga ko, naiinis pa sa akin.
 
Napalunok ako ng madiin. 
 
"Okay po. Sorry..." My chest is burning.
 
Pumalakpak ang lalaking ka-table namin kaya napatingin ako sa kanya. Muntik ko nang makalimutan! Kasama ko nga pala si Elizzer and we shared the same table! Nakasuot sya ng Amerikano. 
 
Puting pantaas at itim na pambaba. 
 
Proud pa ring naka-brush up ang kanyang buhok. At higit sa lahat, bukod sa gwapo nyang mukha, hindi talaga kumupas kailanman ang kagandahan ng mala-dagat niyang mga mata.
 
He's watching the show on the stage while waiting for the food to be served. He's showing us his dazzling smile. 
 
Tangina, Jaile. Naaadik ka na naman. 
 
Umiwas din agad ako ng tingin sa kanya bago pa may makahuli sa akin. I have liked Elizzer ever since they came into our house. Sayang lang at hindi kami nakapag-usap noon. Hindi ko tuloy nagamit ang mga banat na matagal ko nang itinatago at tinitipon. Sa tingin ko ay magagamit ko na iyon ngayon sa kanya.
 
Bago dumating ang pagkain ay dumating muna sina tita Aya kasama ang anak nyang si Hillary. Dalawa na lang ang bakanteng seat at saktong sa tabi ni Elizzer naupo si Hillary. Nabuhay ang pait sa dibdib ko. Dapat ako ang nakaupo doon. 
 
Hindi sya.
 
Nang magkatinginan silang dalawa ay ngumiti pa sila sa isa't-isa. May sakit na umusbong sa dibdib ko. Mabuti pa si Hillary nginitian. Ako ni tapon man lang ng tingin, wala.
 
Hindi nga siguro nito alam ang pangalan ko, e. Maybe mukha lang? Basta ang alam nya, anak ako ng katrabaho ng mommy nya. Nakakainis. Paano ako magkakapuntos nito?
 
Nang dumating ang pagkain ay nagkakwentuhan pa kami. Madalas akong nagpapapabida para makuha ang atensyon ni Elizzer pero madalas din akong bigo. Sa jokes ko naman ay ngumingiti lang sya. 
 
"Anyway, kumusta pala, Jaile? How's your performance in your school? Kaga-graduate mo lang, hindi ba?" Biglang tanong ni tita Aya. 
 
Napasubo ako ng isang kutsarang salad. Dapat pala ay nanahimik na lang ako.
 
Uminom ako sa juice bago sya sagutin. "Okay naman—"
 
"She failed me." My mom cut me off. 
 
Nagulat ako doon. 
 
Na napahiya. 
 
Tipid na salita lamang niya iyon ay parang boltahe boltaheng apoy na ang sumusunog sa dibdib ko.
 
"With highest honor naman po ako."
 
"Sa mga kaibigan mo, ikaw lang ang walang specialization award, 'di ba?" Sa paraan ng pagkakatitig nya sa akin ay parang hindi nya ako anak. 
 
Tinignan ko ang mga taong kasama namin sa table at nanginig ang tuhod ko nang makitang lahat pala sila ay nakatitig sa akin, si Elizzer lang ang nag-iwas ng tingin.
 
I dropped my sight down on my hand, which is currently on my thighs. 
 
"Tatlo lang po kasi ang kukunin para sa award na iyon." taimtim kong sabi. Si Akali, Tyron, at Zy ang tatlong nakakuha ng ABM Specialization Award. Sa aming magkakaibigan, ako yata ang least pagdating sa academic. 
 
I ranked number four, next to Thalia who's third, tie si Tyron at Zy. Akali took the first spot. Mataas ang average ko. Mas mataas nga lang sila. And I feel no bitterness with it. They deserved what they got.
 
"Are they really your friends?" Nabalik ang tingin ko kay mommy nang marinig ko iyon mula sa bibig nya. "Or baka naman naghihilahan kayo pababa? I doubt your friendship with them."
 
"Hayaan mo na. At least she got into a good circle of friends naman. Iyon ang mahalaga doon, Caroline. Iyong iba nga ay nababarkada." Ani tita Aya. 
 
Nagkatingin kami ni Elizzer at parang gusto kong tumakbo palabas nang makita ko ang awa sa mga mata nya. No. He should not pity me. Sa lahat ng maaaring ipakita ng tao sa akin... Pinaka ayaw ko ay ang awa nila. Ayoko sa awa nila. Hindi ko kailangan iyon. 
 
"I came to her graduation only to accompany her walk on the red carpet, to deliver her up to her seat. Isang beses nga lang akong naka-akyat ng stage." Nagbaba ulit ako ng tingin nang marinig ang boses ni mommy.
 
Isa beses ko lang nakasama si mommy sa stage. At iyon ay ang oras kung kailan sinabit ang medalya ko dahil ay nakabilang ako sa mga achievers. Pagkatapos no'n ay hindi na nasundan. 
 
"Saan ka pala hija magco-college?" Para sa akin ang tanong na iyon. Galing sa mommy ni Elizzer. 
 
Pansin ko ring sila na ang gumagawa ng paraan, matigil lang si mommy sa pagpapahiya sa akin. Ito ba ang parusa ko dahil hindi nya nagustuhan ang mga sinabi ko kanina? 
 
Na hindi ako nag-apply at isa lang ang susubukan ko? 
 
Na naging kampante ako? 
 
Dahil naging pabaya ako?
 
"Ah e huwag na nating pag-usapan ang anak ko. Hayaan na natin syang kumain." si mommy. 
 
Lumipas ang ilang minuto ay parang hindi ko malunok ang mga nginunguya ko. Ang buong pagkatao ko ay nababalot pa rin ng hiya. It slapped me. Parang gusto kong umiyak.
 
Naging maingay ang table namin hindi na dahil sa bibig ko, hindi na dahil sa ingay ko. They're now talking about Hillary. All of her achievements in life. 
 
"Congratulations, hija! It's awesome you've passed the University of Amsterdam! That's a good school, huh?" Tuwang-tuwa si mommy sa pagkakaalam na nakapasa si Hillary sa Amsterdam na umabot sa puntong pumapalakpak pa sya. Nakatingin ako sa kanya. Sa isip ko ay hindi makapaniwala, anak mo iyan?
 
"Yes, tita. Going to pursue media studies there." Puno ng galak na sagot ni Hillary.
 
"Wow. That's one of my dream school." Napatingin ako kay Elizzer nang sa unang beses ay nagsalita sya. Wow. Noong ako kanina, ni 'haha' na sound ay wala man lang akong narinig na kanya. Pero ng si Hillary, parang gusto nya pang usisain.
 
"So when are you going to migrate?" Pakikiusyoso ulit ng nanay ko.
 
"Maybe next month?"
 
"Great! Tumawag ka sa'kin minsan. Maybe I could help you with your financial needs." Tila ba ay tumigil ang paligid ko sa narinig. My mom is offering a financial support for Hillary's education. 
 
Samantalang ako kanina na pamasahe lang ang hinihingi para sa binabalak kong audition, para rin naman sa pangarap ko, para sa pangarap ng mismong anak nya, takot na takot pa syang gumasta.
 
It punched me hard.
 
Ako. 
 
Kailangan ko rin iyon. 
 
I need financial support. 
 
I need moral support. 
 
Pero bakit sa iba nya ibinibigay? Bakit pakiramdam ko ay ako ang hindi kasama dito? Bakit pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako?
 
Tumayo akong bigla at sa hindi inaasahan ay natabig ko ang baso ko. Nahulog iyon at nabasag na syang gulat na nagpalingon sa kanilang lahat sa akin. 
 
Sa peripheral vision ko ay gigil nang nakatitig si mommy. Parang gustong bumigay ng tuhod ko sa panginginig. 
 
Hindi na dapat ako tumayo. Hindi ko na dapat binalak pang umalis dito. Hinayaan ko na lang sana silang maliitin ako. Hindi ko na dapat inisip ang sakit sa dibdib, ang pride. Sa tingin ko ay lalo ko lamang ginalit si mommy.
 
"Ipalinis na lang natin. Asan na ba 'yung janitress?" Boses iyon ni tita Aya.
 
"No. Linisin mo iyan Jaile." Maotoridad na utos sa akin ni mommy. Gulat akong napatingin sa kanya. "Kailanman hindi ka talaga nag-iingat. Hayaan nyo sya. Leksyon sa kanya iyan."
 
Ang bigat na ng dibdib ko. Sobrang nasasaktan na ako. Hindi ko na sinagot at kinontra si mommy at sa halip ay tinignan ang basong nabasag ko. 
 
My eyes were teary. 
 
"Saan ba ang panglinis?" My voice was too low to be heard.
 
"Nandoon yata sa likod." 
 
Hindi ko inaasahang boses ni Elizzer ang sasagot sa akin. Ngayon lang nya ako kinausap, ah? Kung kailan maglilinis ako? At gusto nya talaga akong paglinisin?
 
Dinala ko ang mga mata sa kanya at nasilayan syang tumayo na para pumunta sa likod. Bumalik syang dala ang dustpan at walis. 
 
Hindi ko magawang salubung
in ang mga mata nya dahil sa hiya. Lumapit ako sa lalaki para kunin ang mga panlinis na dala nya pero umawang na lamang ang bibig ko nang iiwas nya iyon sa akin.
 
"Ako na. Umupo ka na lang doon." Aniya. And for the first time, in a very long hour, he gave me his sweet smile as he motioned his hand back to my seat.

Damn.

Ngayon lang nanalo.
 
***
 
Lethal4dy

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon