Chapter 02

16.5K 307 44
                                    

Chapter 02
 
"Huwag mo 'kong titigan. Ginawa ko lang 'to dahil kanina ka pa mukhang kawawa roon sa table."
 
Napanguso ako dahil sa sinabi ni Elizzer habang nakasandal ako sa sink, pinagmamasdan syang maghugas ng kamay. 
 
Few strands of his hair are falling to his tall nose. 
 
It attracts me. 
 
Damn. 
 
Kahit masungit ay hindi talaga nababawasan ang kagwapuhan nya. Lalo lang akong naaakit.
 
Elizzer is something I can't resist kahit na ilang beses nya akong hindi pansinin.
 
"Hindi ako magmumukhang kawawa kung hindi ka naaawa. Pero okay na rin. At least nalaman kong kahit papaano... Concerned ka..." I creased my nose and smiled cutely. Tumitig akong muli kay Elizzer, this is the second time I have seen him this close.
 
Gwapo na sya noon pa na casual lang ang suot nya, ngayong Amerikano at napaka-pormal pa, he could be the Greek goddess. Nasa unahan na sya ng listahan ng mga crush ko.
 
Patuloy sya sa paghugas ng kamay nya. And upon watching him, I suddenly remembered something. "Close kayo ni Hillary?" 
 
Natigilan sya sa tanong ko. 
 
"Siguro? Medyo?"
 
"Paano kayo naging close? Classmates kayo?" 
 
Nakataas ang isa kong kilay, curious sa kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa. I've watched them talk a while ago, sometimes they're laughing. Gusto ko ring makisali dahil sila ang ka-edad ko dito.
 
"Nah. Pumupunta sya sa bahay minsan."
 
"So pwede rin ba akong pumunta sa bahay nyo?" Nakangisi ako ng malapad. 
 
"What?" Kunot-noo syang napabaling sa akin ng tingin.
 
"Sabi mo, naging close kayo ni Hillary dahil pumupunta sya sa bahay nyo. Gusto rin kitang maging close."
 
"Wala ka bang friends?" 
 
Parang sinuntok ang dibdib ko sa sinabi nya pero hinayaan ko na lang at hindi iyon pinansin. There's no time for that. I'll take this chance to talk with Elizzer.
 
"Wala, e." Ngumuso ako at nag-puppy eyes. 
 
Sorry, Akali, Zy, and Thalia! Ito ang una at huling beses kong ide-deny sila. Promise. Gusto ko lang isalba ang puso ko.
 
"Ikaw bahala." .
 
"Hoy gagi legit?" Nagniningning na ang mga mata ko. 
 
"Yeah? Bakit naman hindi?" Nang sabihin nya iyon ay nakahinga ako ng maluwag. "You look kind."  
 
It caressed my heart and it feels like I'm really welcome. 
 
His embrace is so warm. Ibinuntong hininga ko ang kilig na nararamdaman. 
 
Si Elizzer na nga. Final. Sya na yata ang ibinigay ni Lord para sa akin. Mine ko na 'yan! Hindi na pwedeng i-bid! Or steal! 
 
"Anong address nyo?" tanong ko sa kanya. I really am serious when I said I wanted to visit their house. Gusto kong mapalapit pa sa kanya 'no! Hindi pwedeng si Hillary lang ang pwede!
 
"Ask it to your mom. She visited our house really often." Often? Bakit hindi ko alam? Edi sana pala sumasama ako!
 
"Sabihin mo na lang sa akin ang address mo. Ayaw kong magtanong kay mommy." 
 
Kokontrahin ako ni mommy for sure. O hindi kaya naman ay marami syang itatanong muna sa akin bago nya sabihin. 
 
Ayaw kong mahalata nyang umiibig na ang unica hija nya! Hindi pa naman ako iyong tipo ng anak na nag-sha-share ng lovelife sa magulang. I find it very uncomfortable. 
 
"Ask your mom. Para makapag-paalam ka na rin nang diretso." Si Elizzer.
 
"Ayaw ko." sagot ko agad. Tama sya pero hindi... Iyan ang bagay na hinding-hindi ko gagawin.
 
Nagsalubong ang kilay ng lalaki at kita ko pa sa asul nyang mata na nagtataka sya kung bakit ayaw kong magpaalam. Oo at siguro sa tingin nya... napakadaling bagay no'n, pero para sa akin hindi. 
 
My mom is strict, and my friends had no idea about it. dahil sa tuwing may gala ay tumatakas lang ako kaya palagi akong nakakasama sa kanila.
 
"Bahala ka." Aniya at nagpatuloy sa paghihilamos ng mukha. Napanguso ako dahil sa lungkot. Hindi nya talaga sakin sasabihin? 
 
"Bakit ayaw mong sabihin sa akin? Ayaw mong papuntahin ako, 'no? Kasi nakita mong palagi akong pinapagalitan ni mommy kaya sa kanya mo ako inuutusang magtanong ng address nya. Hindi nya ako papayagan kapag nalaman nya. Low-key tanggi lang gano'n?" Itinawa ko ang sakit sa dibdib.
 
Hindi nya ako sinagot. 
 
Natahimik sya sa sinabi ko. Gulat. At hindi maipaliwanag na ekspresyon.
 
"Sige na nga. Huwag na lang kung ayaw mo. Enjoy na lang kayo palagi ni Hillary." Ngumuso ako.
 
"Sa Northern Heights kami nakatira. Block 2 Lot 23." 
 
Nakanguso akong napa-irap. "Kung hindi pa kinonsensya, hindi pa sasabihin." I mumbled.
 
Napalingon agad siya sa akin matapos marinig iyon. Then he looked back to the sink. "Mas maganda kasing magpa-alam ka muna kaysa tumakas. Bakit ang hilig mong tumakas?"
 
"Ano?" I asked after hearing his last sentence. 
 
"Wala," 
 
Hinintay ko na lang syang matapos hilamusan ang mukha nya kahit na pinapauna nya na ako. Nanatili akong nakasandal sa sink, pinapanood sya. Hindi naman ako pervert, ganda ko lang. Wala syang masasabi sa akin. Ayaw nya no'n? May magandang dilag na naghihintay sa kanya?
 
"Ilang taon ka na pala?" tanong ko kay Elizzer kahit na obvious naman na magkasing-edad lang kami. 
 
Gusto ko lang na palaging marinig ang boses nya. Ang tipid nya kasi sa akin, e. Kahit na ang totoo ay hindi naman sya tahimik dahil iyon ang sabi ng mommy nya. 
 
"Seventeen."
 
Nalaglag ang panga ko sa narinig. "Wait? What? Seventeen?"
 
"Yes. Turning eighteen this year." 
 
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. I thought I was a year older than him. Months lang pala ang itinanda ko dahil kaka-eighteen ko lang naman nitong May.
 
"Ikaw ba?" Lumingon sya sa akin, tinutupi nang dahan-dahan ang panyong hawak.
 
"Eighteen." 
 
Napangiti sya. "Ate pala kita."
 
"Hoy hindi, 'no! We have the same birth year! Matanda lang ako ng ilang months!" Depensa ko. 
 
"Ate pa rin kita." Nang-aasar ang ngiti nya sa akin.
 
Bata nga. Hindi siya nagpapatalo sa pakikipag-asaran sa akin. Well, he's wrong when he thought he'd win. 
 
Humalukipkip ako at inirapan sya. 
 
"Okay lang. Baby kita kung gano'n."
 
"Huwag. Hindi bagay." 
 
"Bagay kaya! Ate mo ako at baby kita. O 'di ba? Sige nga, tawagin mo 'kong ate." Hamon ko dahil tatawagin ko syang baby kapag ginawa nya nga.
 
Inilingan niya lamang ako habang tumatawa ng mahina. 
 
He didn't say any word after that. Kaagad na siyang lumabas ng washroom pagkatapos no'n.
 
Pinagsingkitan ko ng mata ang pinaglabasan ni Elizzer. Akala nya ba titigilan ko sya? Tignan natin kung saan aabot iyang confidence niya.
 
Inayos ko ang sarili para siguruhing malinis pa rin akong haharap sa kanila. Nandito si Elizzer, hindi dapat ako magmumukhang haggard sa paningin nya. 
 
Lumabas akong tuluyan at pagbalik ko ay pinagtitinginan nila ako, silang mga nakaupo sa table namin at nginitian ko lang sila. Gayundin si Elizzer pero special ang sa kanya dahil pati mata ko ay pinangiti ko rin.
 
"Ba't ang tagal mo, Jaile? Ano pang ginawa mo?" tanong sa akin ni mommy.
 
"Tumae po ako."
 
"Jaile!" Galit na sita sa akin ni mommy. Kumakain pala sila. Nawala sa isip ko.
 
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang dahan-dahang umuupo, pinapanood silang lahat na kumain. 
 
"Sorry..." Nakangiti ako ng alanganin pero kay Elizzer lang nakatingin. Kumakain na sya at seryoso sya. Mukhang hindi naman sya apektado sa sinabi ko.
 
"You can say you're from the toilet instead of that word..." Maarteng tugon ni Hillary.
 
"Pero ang sabihing 'galing ako sa toilet' ay hindi na sumasagot sa tanong na... Ano pang ginawa mo?" Hinawakan ko ang utensils. "Action dapat ang sagot dahil ginawa, wala naman sa tanong 'yung na saan ako galing." Tinawanan ko ang mga pinagsasabi ko. 
 
Hindi ko rin gets ang sinabi ko pero bahala na sila! Nang sumubo ako ay kita kong nakanganga si Hillary, hindi makapaniwala sa sagot ko.
 
Pinagtaasan ko sya ng kilay. Anong tinitingin-tingin nya sa akin? Umiling lang sya at nagbaba ng mata sa pagkain nya. 
 
"Now I understand why you have no scholarship."
 
Nagulat ako sa binulong nyang narinig ko rin naman at napahinto sa pagkain. Uminom ako ng tubig. 
 
"At hindi ko rin maintindihan kung papaano ka nagkaroon ng scholarship. Hindi ba naturo ang sarcasm sa school nyo?" Ngisi ko, kunwari ay hindi nasaktan sa sinabi nya.
 
"Jaile..." Mommy sounds so frustrated. Napapikit pa siyang tinawag ang pangalan ko.
 
Ngumuso na lang ako. "Ang seryoso nyo kasi." 
 
"Well, hindi sila nakikipagbiruan sayo." Sermon ni mommy sa harapan pa mismo ng crush ko. 
 
Kumain na lang ako at hindi iyon dinamdam pa kahit na babang baba na sa sarili. Sanay naman ako sa kanila. Hindi na ito bago sa akin. 
 
Hindi na talaga ako nagdaldal kahit na nagku-kuwentuhan silang lahat. Pati si Hillary at Elizzer ay nakikisali na rin sa usapan ng mga matatanda. 
 
Gusto ko ring makisingit dahil alam ko ang tungkol sa pinag-uusapan nila. Gusto ko ring makipagpalitan ng salita kay Elizzer pati ang makipagtawanan sa kanya... Parang sila ni Hillary ngayon.
 
"No. Si Eleev ang nakipag-break. He doesn't like the non-showbiz girl na yata." si Hillary. 
 
Pinagkukuwentuhan nila ang love life ng isang famous teenage actor na si Eleev. I know Eleev since we're friends, given the fact that we're past dance mates. We are both from the same dance troupe. 
 
Nag-audition sya noon sa talent search ng media company nya ngayon at dahil sa gwapo sya, kinuha syang artista doon. Hindi nga nagkamali ang kompanya at namayagpag agad ang career nya.
 
Eleev was Hellux's ex-boyfriend. Si Hellux ang babaeng tinutukoy nilang non-showbiz. Nagkakilala sila dahil pare-pareho kaming member ng isang dance troupe. Pinalad ring naging artista si Eleev, dahil sa busy na sya at naghahanda pa lamang si Hellux para sa pangarap nyang spot din sa showbiz, they need to take a separation. 
 
Plus may ka-love team pa si Eleev. They're both busy chasing their dreams, so they removed their distractions. And that distraction was them.
 
Their love.
 
Their relationship.
 
"I've read an article sabi both parties decided the separation." Ani Elizzer.
 
Oo! Iyon naman talaga ang nangyari!
 
"Tama. Pareho nilang ginusto iyon." Pakikisali ko. Tinapunan lang nila ako ng tingin, si Elizzer ay nagtaas lang isa niyang kilay, sumasang-ayon sa sinabi ko.
 
"I don't believe it. Eleev is so damn handsome. It's impossible na nakipaghiwalay din si girl! For sure, naghahabol iyon sa kanya ngayon!" Hillary rolled her eyes.
 
"Hindi, 'no! They both like the separation." Pagtatanggol ko dahil nagmumukhang kawawa si Hellux dito. 
 
She's my dance troupe best friend! Hindi nya deserve ito!
 
"Manahimik ka na nga lang Jaile. Kami 'yung nag-uusap, oh." si Hillary, may nalalaman pa syang pagguhit ng division sa pagitan naming tatlo. 
 
Tumawa si Elizzer at napahalumbaba na lang ako. 
 
Edi kayo na. 
 
Kayo lang. Mga chismosa. Why would they care about somebody's breakup? Kailangan bang palaging gawing hot topic iyon? 
 
People nowadays have completely forgotten the essence of the word respect. Oo na't artista sila, normal lang na pinag-uusapan sa internet. 
 
But their relationship is somehow one we shouldn't talk about and care about, especially since it's not out of our knowledge that one of them or maybe both of them were hurt or traumatized. In the very first place, privacy nila iyon. And digging up the painful topic and making it the meal in everybody's lunch will possibly hurt the artist's feelings. Who will feel comfortable and happy talking about their painful past experiences? Of course, there's no one.
 
Why are they making break ups and cheating the number one trend nowadays? 
 
Para sa self-satisfaction? 
 
Para pasikatin pang lalo sila? 
 
Para i-normalize ang wrong doings na syang hindi na dapat ilantad sa media? Why are they spreading negativity instead of inspiration? 
 
I don't think spreading breakup news and cheating is an awareness for people who're planning to enter relationships. Bago pa man sila pumasok sa isang relasyon, alam na nila ang bawal at dapat. Hindi na kailangan pa ng example para lang matuto. 
 
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko kina Hillary at Elizzer nang tumayo silang sabay.
 
"Sa labas." May pagdadalawang isip na sagot ni Hillary sa akin.
 
"Sama ako!" sambit ko at excited na tumayo. Natigilan silang dalawa habang nakatingin sa akin. 
 
"Sige." Ani Elizzer at humakbang paalis sa tapat ng seat nya.
 
Nagdiwang ako sa tuwa. Sabay sabay kaming tatlong naglalakad palabas. Gitna namin si Elizzer, ako ang nasa kaliwang bahagi nya.
 
"Anong gagawin natin?" 
 
"Gagawin namin?" Nakangisi si Hillary.
 
"Tuturuan ko siyang mag-skateboard." Tinakbo ni Elizzer ang napakalawak na kalsadang nakapalibot sa hall.
 
"Wow, marunong ka?!" Sumunod akong tumakbo sa kanya. Naiwan si Hillary.
 
Tumango lang sa akin.
 
"Gusto ko ring matuto. Turuan mo rin ako, Elizzer!"
 
"Ang attention seeker mo talaga, 'no? Later ka na. Kapag natuto na ako." Inunahan ako ni Hillary sa pagtakbo palapit kay Elizzer.
 
"A-Appear ako sa TV soon. Kailangan kong matutunang mag-pasikat!" Sakto namang nakarating ako sa kanila.
 
"You're not on television. Ibagay mo rin minsan 'yang pagiging pasikat mo. Kanina ka pa sa loob, e." She laughed as if it's a joke.
 
"Tara na. Rock, paper, and scissors. Kung sino manalo. Siya muna." Ani Elizzer. Kumunot pa ano noo ko. 
 
Akala ko ba ay si Hillary muna? 
 
Why does it feel like ... he's giving me a chance to skate first?
 
Bumilis ang tibok ng puso ko.
 
"What?! Eli, you said I should go first." Reklamo ng babaeng kasama namin.
 
"Jack 'n Poy kayo. Para fair."
 
Gano'n nga ang ginawa namin. 
 
Unang naka-score ay ako. Pero nakuha nya ang pangalawa. Kaya nang dumating kami sa pangatlo ay kinakabahan na ako. I need to win against her. Ito na ang last chance ko kaya gunting ang pinanglaban ko pero bato ang kanya.
 
Pakinig ko agad ang sigaw nyang pagpupunyagi. 
 
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napakaraming buhangin. I lose. I lose against Hillary. 
 
"Ang hina." bulong ni Elizzer habang nakatingin sa akin, umiiling-iling. "Walang samaan ng loob, ah? Nagpatalo ka." sambit nya dahan-dahang umaatras. 
 
Kumirot ang puso ko.
 
"Start na tayo, Hillary!" Sigaw niya.
 
"You know skating ba talaga?" Natawa ako sa tanong ni Hillary. Napalingon naman sya sa akin kaya nanahimik ako. Magpapaturo tapos hindi pa sure kung marunong ba iyong magtuturo? 
 
Akala ko ba close sila? 
 
"Marunong ako."
 
"Show me first." Hamon nya.
 
"Trust me. Marunong ako." si Elizzer. Dahan-dahang naningkit ang mga mata ko, inoobserbahan si Elizzer. He can't look at us. He's shy telling us he knows how to do it. 
 
"Dali na!" 
 
"Fine." Pinorma nya ang sarili sa ibabaw ng skateboard. Tinatamad pa syang gawin iyon at sa tingin ko ay alam ko na ang kahinaan nya. He doesn't like making show in front of girls. 
 
Banayad na dumadausdos ang board na sinasakyan nya sa sahig ng kalsada. Taliwas ang takbo nya sa hangin, gayunpaman, isinasayaw nito ang buhok nya pati ang ilang parte ng damit nya. 
 
Napa-iling-iling ako habang nakatitig. Pinanganak ngang gwapo ang banyagang ito. 
 
Bumalik siya sa amin matapos ng maiksing exhibition.
 
"Wow! You are awesome!" And handsome. Nais kong idagdag iyon sa sinabi ni Hillary pero... hindi iyon magandang ideya. 
 
Tama na Jaile. 
 
Your feelings will remain secret unless ... he feels the same way. At sa palagay ko ay mananatili iyong sekreto dahil kailanma'y 'di nya mararamdaman 'yon.
 
"I'm scared! Ingatan mo 'ko Elizzer!" 
 
Namuo ang pait sa dibdib ko habang pinapanood ang dalawang nagtatawanan habang umaapak sa board si Hillary. 
 
Maingat namang nakahawak ng mahigpit ang mga kamay ni Elizzer sa baywang nya, inaalalayan sya doon, na parang takot na takot itong matumba sya, masaktan ang babaeng hawak nya. 
 
"Hawak ka sa balikat ko."
 
At gano'n nga ang ginawa ni Hillary. 
 
Nagsimula na silang umusad. Unti-unti nang nalalayo sa akin sa bawat pag-andar kaya wala akong ibang ginawa kundi ang bumuntot, hintayin sila hanggang sa matapos.
 
Nakasunod ako kung saan sila magpunta. Naghahalakhakan pa at hindi ako maka-relate. Nang sandaling mangalay, naupo ako sa gilid. Pinanood na lang silang magpabalik-balik. 
 
"Ako naman!" Sigaw ko nang ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin natututo si Hillary. Imposible naman talagang matuto sya agad. 
 
I know board skating is hard. At alam kong hindi rin ako matuto sa loob ng isang oras lang. Hindi rin naman iyon ang habol ko. Ang gusto ko lang, iyong alalayan din ni Elizzer sa baywang. 
 
Habang banayad nyang hinihila kung saan nakakapit din ako ng mahigpit sa balikat nya. Maranasan iyong titig nya na para bang manghang-mangha sya sa tuwing natutuwa akong labis kapag nagagawa kong makapag-skate ng wala ang guide nya.
 
Bumuga ako ng hangin. Hindi na naman nila ako pinansin. I don't think Elizzer can still teach me. Ilang beses na silang napabalik-balik. For sure, he's tired. 
 
Naupo akong muli sa gilid. Nakahalumbaba, naghihintay na tawagin nila. Nang makita kong kumalas na si Hillary sa board at kinuha iyon ni Elizzer, tumayo ako habang nakangisi. Yes, ako na!
 
"Today is a blast!" Hiyaw ni Hillary. 
 
Hinintay ko silang makalapit.
 
"Tara na sa loob. Nakakapagod." Awang ang labi ko nang marinig iyong tamad na lumabas sa bibig ni Elizzer. 
 
"Hindi ba ako pa?"
 
Ngumiti ito sa akin ng alanganin. "Kanina pa 'ko balik nang balik, e."
 
"Sabi mo ako sunod."
 
"Ang tagal kasing sumuko ni Hillary. Saka, paubos na rin oras, e."
 
"Ang daya." Nakanguso na ako, lungkot na lungkot sa nalaman. I already expected that answer, though, masakit pa rin pala.
 
"Next time na lang."
 
"Ngayon 'yung napag-usapan." I don't believe in next times. Kadalasan, hindi natutuloy. Bakit pa ipagpapabukas kung pwede naman ngayon?
 
"Go and pass the board to Jaile na lang. She can handle it herself!"
 
Saglit na tinapunan ni Elizzer si Hillary ng tingin habang nakangiti pero nang sa akin na ay naglaho iyon. Napalitan ng pag-aalangan. 
 
"Sige na nga pero ... Isa lang muna? Hinihingal na ako, e." Rason nya.
 
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang skateboard. 
 
"Huwag na nga. Akin na. Pagod ka, e." 
 
Pagod naman kayong lagi sa akin. Kung hindi ubos ang pasensya, pagod. 
 
"Tampo ka? Sorry, hindi field ni Elizzer ang manuyo. Lalo na kung ikaw."
 
"Ang panget nito mukha ba akong magpapasuyo?!" Nanlilisik ang mata ko kay Hillary. 
 
Huwag nya akong tinitira ngayon lalo pa't galit ako! Nagtitimpi lang ako kanina pa!
 
"W-What? Sinong panget?" 
 
"Bingi ka ba? Itanong mo sa nanay mo iyong pangalan mo, malalaman mo ang sagot!" Sigaw ko at tumakbo na ako sa mga lalaking nanonood sa amin doon sa gilid para magtanong. 
 
"Kuya sinong marunong sa inyo nito? Turuan nyo 'ko, please!" Pagmamakaawa ko sa kanila. 
 
Sana pumayag! Ayaw ko ngayon mapahiya!
 
Nagtutulakan na ang mga lalaking nasa harapan ko, at bandang huli ay tumayo iyong lalaking nakawhite fitted shirt at black sports shorts. Naningkit ang mga mata ko habang inaanalisa ang mukha nya. 
 
He's familiar. 
 
"Hey, schoolmates ba tayo noon?" tanong ko sa lalaking sa tingin ko ay kasing edad ko lang.
 
"I guess..." sagot nya habang naglalakad palapit sa akin.
 
"Loriqson High ako. Ikaw din, 'di ba? Parang nagkita na tayo!" 
 
"Yeah. We felt the same way." 
 
Kinuha nya ang skateboard sa harapan ko at binaba iyon sa semento.
 
Nagningning ang mata ko. 
 
"Sabi na, e! Ano bang pangalan mo? Ikaw 'yung madalas kong nakikitang dumadaan sa harapan ng building namin! STEM ka, right?"
 
Tumango sya sa mga pinagsasabi ko at tumayo ng tuwid. 
 
"I'm Remuel Inradge Fuentebella. Call me Rein for short." Aniya.
 
Dahil nga sa dati kaming schoolmates ay naging komportable ako sa kanya. Napilitan lang talaga akong mag-skate board para hindi ako magmukhang kawawa sa harap nina Elizzer kanina. 
 
Pero ngayon, habang inaalalayan ni Rein ay sa tingin ko ... Hindi na labag sa loob ito. I enjoyed it. I laughed loudly with him.
 
Nang matapos kami ay pumapasok na ulit ako sa loob ng gusali. Nagpasalamat na rin ako kay Rein. I'm glad he's there. Nawala ang sama ng loob ko kanina. Habang naglalakad papasok, sa hallway to be exact, nakita ko pa si Elizzer. Nakahalukipkip sya at nakasandal sa pader.
 
"You looked good with your guy lately, huh?" Sabi nya nang tumapat ako sa kanya.
 
Pinunas ko ang pawis gamit ang panyong galing kay Remuel. 
 
"Kayo rin ni Hillary! Ang sweet nyo! Screenshot po!" I yelled as if I weren't hurt just an hour ago, then walked past him. 
 
Hindi muna ako titigil para makipag-usap sa kanya. 
 
Sa susunod na! Ngayon, galit pa rin ako sa kanya, 'no! 
 
They looked good together din kaya. Saya nya nga kanina, e. Iyong tipong sa sobrang saya kinalimutan niya ako.
 
"You guys looked good. Para kayong magkapatid." Habol na sabi niya.
 
Natigilan ako sa paglalakad habang awang ang labi. I turned to him with creased forehead. Ang lakas niyang mang-inis! Kapatid, ha? I assumed he's thinking me and Rein were romantically compatible! 
 
"Jaile Chandria..." He walked towards me while arms tucked above his chest. And when he had finally stood straight in front of me, he sighed. "I'm really sorry kanina..." 
 
***
 
Lethal4dy
 

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon