Chapter 09

11.7K 256 23
                                    

"Makakaabot ako, huwag kayong mag-alala. Gagaling ako agad, okay? Medyo humihilom na ang sugat ko." Sambit ko kay Pops sa kabilang linya pero ang totoo ay nangingiwi pa rin ako dahil sa sugat na 'to.

"Hayaan mo na, 'nak. Si Hellux muna ang substitute kung sakaling 'di ka makarating. Huwag mong pilitin kung 'di kaya, ah?" Sagot nya.

Lalo akong nalungkot. I am not against their decision that Hellux will be the substitute. Mas gusto ko iyon dahil hindi masasayang ang ilang Linggo naming paghahanda dahil lang sa absent ako. I have a big role in our team. My absence will highly affect the whole performance.

Hanggang ngayon ay nilalamon pa rin ako ng guilt. If only I did not push myself in to Elizzer's, I wouldn't be like this for sure. Para akong paralyzed! My mom won't let mo go outside! Bukod doon ay hirap rin akong gumalaw.

Pinatay ko na ang tawag matapos naming mag-usap. I hope I'll achieve perfect healing before the day of the dance competition comes.

Ibabalik ko na sana ang cellphone sa side table nang mahuli ng mata ko ang biglang sumulpot na chathead ni Terence. He has message so I clicked to read it.

Terence Ildefonzo:
Ngayong July na audition ng CJ, pre!

Nanlaki ang mata ko sa nabasa kaya kaagad akong nag-reply. The awaited event is near to come! Mabilis akong nagtipa ng reply, nanginginig pa.

Jaile Medina:
Tongonooo! Next month na pala! Excited na 'ko!

Terence Ildefonzo:
Sa July pero wala akong sinabing kung anong year. Pwedeng next year pa gagsti

Jaile Medina:
Shuta! Pero sinabi mo 'Ngayong July!' Ginagago mo ba ako?

Nag-uusok ang ilong ko. Asang-asa na 'ko, e!

Terence Ildefonzo:
HAHAHA gagi sorry kumain ka na ba?

Natawa ako sa biglang bawi nya. I loved his way. Pagkain ang panuyo nya sa akin. I shook my head in a very slow manner as I typed a reply.

Jaile Medina:
'Yun, oh! Tomguts na ko, pre

Terence Ildefonzo:
Nandito ako sa labas ng bahay nyo, di ako pinapapasok.

Jaile Chandria:
Hala bakit???

Terence Ildefonzo:
Magnanakaw lang daw ako ng gamit. Sa gwapo kong ito gano'n pala tingin sakin ng helper nyo?

Jaile Medina:
Wait, tawagan kita tapos ibigay mo kay ate

Terence Ildefonzo:
Bilisan mo. Ako na nga 'tong dinadalaw ka pinagbibilad nyo pa ko sa araw? Sayang Kojik, bente singko pesos din 'yon, pre!

Tinawanan ko na lang ang reklamo nya at tinawagan sya. Kinausap ko ang helper namin sa bahay para papasukin si Terence. Napahilot na lang ako sa sintido ko. Ilang beses nang napadpad ang lalaki dito, ngayon nya pa hindi papapasukin?

Nagpakuha ako ng plato sa kusina nang makapasok si Terence para isalin ang mga pagkaing dala nya. He brought mangoes. Strawberry Milkshake. Chocolates and street foods na syang inunang kinain ko. Nakaupo ako sa kama, pinapanood syang itusok ang straw sa milkshake habang ngumunguya ng fishball.

"Ano? Crush mo pa rin ba 'yang crush mo?" May panenermon ang tono nya.

"Ngayon hindi na. Pero kapag nakita ko, crush ko pa rin siguro?" sagot ko.

"Ipasemento mo nga 'yang puso mo na 'yan. Nang tumigas rin kahit papaano." Tugon nya.

Umiling ako. "Mabait naman talaga kasi si Elizzer. Nakalamang lang si Hillary sa akin. Tignan mo, sa susunod, ako na 'yung hindi nya kayang i-resist!"

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon