Chapter 20

12.9K 215 32
                                    

It's Sunday the next day, kaya matapos ng Sabado ng gabing pagkikita namin ni Elizzer, I planned to go home. Sa Lunes na ulit ako babalik sa agency. Nami-miss ko na rin si mommy. Instead of spending my free day with Elizzer, why not spend it to my mom?

Pagod akong naglalakad palapit sa bahay. Ang mga ilaw ay bukas pa rin. Malungkot akong napangiti. Ano kayang ginagawa ni mommy ngayon?

I breathed out and proceeded walking towards our house. Pagdating ay tinulak ko ang pinto, bumungad sa akin si mommy na umiiyak, nagpupunas ng tissue. I panicked, blinking my eyes.

"M-Mommy?" Kinakabahan ako.

Hindi niya ako sinagot at nagmadaling naglakad palapit sa akin. She hugged me. Too tight I can't even breathe.

"Bakit po?"

"Kanina pa kita tinatawagan! Why aren't you answering my calls?!" Sa gigil niya ay bahagya akong nasasakal ng yakap niya.

"Sorry po. Bumabyahe po ako pauwi." It's not honestly the reason. I was preoccupied by Elizzer to the point I forgot to check my phone.

She nodded, releasing heavy breathes. "I ... I had a nightmare. Nag-alala ako sa'yo baby ko." The words of my mom caressed my heart, it goes directly to it. Na sa sobrang init ay para itong natutunaw, nanlalambot.

Tears boiled in my eyes.

The events that had happened before my dad passed away is happening again. My mom being paranoid. Na parang sa isang minuto lang, mawawala lahat ng nakapaligid sa kaniya.

Parang pinunit nito ang damdamin ko. Was this the result of me moving out of our house? Na mas pinili kong unahin ang training kaysa ang samahan siya sa bahay. She's now living alone. Wala na rin kaming helper dahil ako lang naman ang rason ni mommy para mag-hire ng katulong. Para mapagaan ang mga gawain ko when she's not around.

"Gusto mo bang dito na lang ako palagi, My?" Malambing na tanong ko sa kaniya.

Kumalas agad siya sa pagkakayakap sa akin pero ang mukha ko ay hawak niya pa rin. Her eyes screams to much concern.

"No. I won't let you give up your career." She then hugged me again. "Sorry, Jaile. I know mommy has been so rude to you these days. I see you're doing well. I watched you on the television last time. And ... I have never been this happy." bulong niya.

I cried. Automatically. No. She's ... My mom ... She's proud of me.

"I love you, mommy." That's the only word I could say to her just to make her feel I'm very thankful I have her.

"I love you too, Jaile." She whispered back. "Tell me the stuff you need. Mommy will provide you with that, hm?" Tumango ako.

Sabay kaming kumain ng dinner ni mommy. Hindi pa pala siya nakapag-luto noong dumating ako dahil sabi niya ay tulog na tulog siya at kagigising niya lang noong dumating ako. Nakaupo ako habang pinapanood siyang isalin ang niluto niyang Tinola sa puting bowl.

"Do you ever think of falling in love again, My?"

"Oh my goodness!" Muntik niya nang mabitawan ang pan matapos marinig ang tanong ko. Pareho kaming nag-panic at pareho ring natawa sa dulo.

She went to the sink and left the pan there, shaking her head as she sat down. "Magtatampo ang daddy mo sa akin kapag pinagpalit ko siya, Jaile." sabi niya.

Ngumuso ako. "Hindi naman siguro. I think he won't be sad to see you happy again." Ngumiti akong mapang-asar sa kaniya.

She laughed. "I don't know why you are telling me that. Gusto mo bang magkaroon ng daddy, ha? At ngayon pa kung kailan malaki ka na?" She teased me.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon