Chapter 22

12K 215 15
                                    

"So we're all good na, ha? Jaile, asahan namin ang appearance mo!" Kumakaway sa akin si Ate Shaniah habang naglalakad siya palayo sa classroom namin.

Tumango ako at kumaway pabalik. "Sure! Thank you for inviting me!" Sagot ko sa kaniya.

Pumasok na ako sa classroom matapos niyang kausapin. She told me that they're directing an event in East Edison and they want me to prepare a dance number for the said program. They want me to be part of it and star the event.

Nakatingin ako sa papel na binigay niya kung saan nakalagay ang oras. "Ako lang? Mag-isa?" Tanong ko sa sarili. Hindi kaya baka ma-bored sila sa akin nito?

Kinuha ko ang cellphone ko para i-chat si Terence. I opened it and found our conversation.

Jaile Chandria Medina: Huy Renzooo! Sasayaw ako sa stage next Monday. Dalawa tayo? G ka?

I didn't receive a reply right away. Dumating na rin ang professor ko kaya tinago ko na ang cellphone ko sa loob ng bag. After the three-hour-class, lumabas ako sa classroom habang hawak ang cellphone ko, nag-i-i-scroll para tingnan kung nag-reply na si Terence. And yes, he did.

Terence Ildefonzo: G!

Terence Ildefonzo: Pero ayoko ng sexy dance, ah? Ayusin mo! Huwag mo 'ko itulad sa partner mo sa tv!

Napahalakhak ako sa nabasa. Walang hiyang 'to! Ako pa, ha? E, sumusunod lang naman ako sa kung ano ang ibigay sa akin!

Jaile Chandria Medina: Tatanggi talaga sa sexy dance 'yong mga taong hindi sexy.

Jaile Chandria Medina: Ew, excuse me~

Online siya noong nag-chat ako kaya nakapag-reply agad siya.

Terence Ildefonzo: Sexy na 'ko kaya 'di ko na kailangang sumayaw ng sexy. *Flip hair*

Lalo akong natawa sa nabasa. May pa 'flip hair' pa, huh?

Jaile Chandria Medina: Ba't ba ayaw mo, ha?! Sayaw lang naman! *Rolled eyes*

Terence Ildefonzo: Magagalit baby ko, e.

Jaile Chandria Medina: Sino ba 'yan, ha?!

Terence Ildefonzo: Joke lang naniwala ka naman?

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Hindi siya nagmalaki sa akin ngayon, ha? It's so rare to happen. Nag-tipa ulit ako ng reply.

Jaile Chandria Medina: Bakit parang naniniwala akong may bebe ka ngayon?

Terence Ildefonzo: Wala.

It just made me doubt. He sent me a word only with a dot! Nakakapanibago. Anong nangyayari sa lalaking 'to?

"Ay de pusa!" Muntik ko nang maihagis ang cellphone ko nang bigla na lang may kung sinong humawak sa tiyan ko. Elizzer's laughing out loud while staring at my shocked face. Inirapan ko siya at hinampas ang braso niya.

"Happy First Monthsary." Malambing agad na bati niya at niyakap ang baywang ko. Nakagilid ang aking ulo upang makita ko pa rin ang kaniyang mukha kahit na nasa likod ko siya. He's smiling at me and so do I. Parang hinaplos ng boses niya ang puso ko. Right. Today. Is our first month as a secret couple.

"I love you." Bulong ko sa kaniya.

"I love you more than the hundred thousand beats of my heart each day." sagot niya sa akin.

Humagikhik ako at binalik ang tingin sa aking unahan. But then, for the second time he surprised me.

"Hala! Wala akong gift!" I shouted, eyeing the paper bag he's holding in front of me while hugging me from behind.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon