Chapter 17

11.4K 248 23
                                    

When Sunday came, I was spammed by my shitty ex-dance mates in every of my social media accounts! Panay ang message nila sa akin!

Pinapaalalahan akong sumama sa swimming namin! Kagabi pa sila nag-te-text! Up until now, lulubayan lang siguro ako kapag nakita na akong naka-swimsuit sa harap nila!

Being a CJE trainee doesn't mean I am totally tied up and is impossible to be freed out.

Ang totoo ay matapos kong lumipat dito sa kompanya nang magsimula ang pasukan ay nagkaroon rin ako ng maraming oras para sa sarili ko.

Before, I can never join my friends in this kind of event. Palaging nandiyan si mommy, hindi ako pinapayagan dahil baka araw ay malunod ako. Pero ngayon, hindi alam ni mommy! Hindi niya ako nakikita kaya free akong sumama sa kanila!

I slid my thumb on the screen of my phone when it rang. Tinapat ko iyon sa tainga ko. "Oh? Wait lang, ah? Hinahanap ko lang 'yong bihisan ko. Invite niyo si Hellux, ah!"

"Sinabihan ko na 'yon kagabi pa, tol! Magkasama lang kayo, ah? Anong sabi niya?" tugon ni Jomar.

Kumunot ang noo ko. "Kagabi pa? Talaga? Walang say, e." Inipit ko ang cellphone sa balikat para i-zip ang backpack ko. "I'll ask her."

"'Yun, oh! Wait na lang namin kayo sa resort. Tawag ka kapag nagka-problema." Aniya kaya pinatay ko na ang tawag.

Lumabas ako sa dorm namin para hanapin si Hellux. Nang makasalubong si Adenize, co-trainee ko, kumindat ako sa kaniya. "Nakita mo si Hellux?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi, e." sagot niya.

Sa likod niya ay si Alliah, co-trainee ko rin, ngumisi ako sa kaniya at hinawakan siya sa pala-pulsuhan. Nagpupunas pa siya ng kaniyang pawis, halatang kagagaling lang sa dance studio. "Nakita mo si Hellux?"

Nag-isip pa siya bago ako sagutin. "Hindi ko napansin, e."

"Babaita nandito ako! Nag-shower ako sa loob, wala ka bang tainga, ha?" May babaeng masungit na nagsalita sa likod ko. Oo nga pala! I could hear the shower dripping lately noong nasa loob ako! Why did I forget about it?

Masigla kong tinakbo ang direksyon niya at bumitin sa kaniyang leeg. "Nabasa mo 'yong chat ni Jomar? Sama ka na!" Impit akong napatili.

"Oo na! Bitiwan mo nga 'ko!" Reklamo niya habang hinahampas ang braso ko sa kaniyang leeg.

"Yay! Sasama ka?"

"Nakaligo na nga ako, 'di ba?!"

"Ay wow! Inunahan pa 'ko?!"

Tumawa siya. "Maligo ka na doon! Para maka-alis na tayo! Bumili na rin ako kagabi ng chichirya!" Hinampas niya ang pwet ko.

"Shuta! Mas excited ka pa sa akin, ha?"

Nakarating rin kami agad sa resort na pag-su-swimming-an namin ngayon. Sinalubong agad kami ng dati naming dancemates na ngayon ay naka-board shorts na lang, handa ng maligo.

"Naks! Dumating rin sa wakas 'yong mga artistahin!" Sigaw ni Miko.

Natawa ako at nilibot ang paningin. "Si Terence? Wala pala dito?" May kumuha ng bag ko kaya inabot ko iyon sa kanila para ilagay sa cottage.

"'Di naman daw 'yon sasama!" Si Kim.

"Eh?" Nagtaas ako ng kilay. "Wala siya doon sa CJE. Saan naman pala nagpupunta ang lalaki porque day off sa training?"

"Sabi ko sa'yo may girlfriend na 'yon, e! Baka date ngayon no'n, Par!" Sigaw ni Jomar.

Nagkatinginan kami ni Hellux. We both shared the same reaction. A confused look. Accusation has colonized our eyes.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon