Chapter 10

13.9K 242 16
                                    

The days went well and so me. Hindi nga pumalya si Elizzer sa pagbisita sa akin araw-araw pati na ang pagdala nya ng pagkain.

It felt good.

Funny because I was like a prisoner in our own house since my mom doesn't allow me to go out and there Elizzer was, visiting me like he was someone close to me, checking my state in bastille.

"What's next? Mathematics or Abstract Reasoning?" Tanong ni Akali habang hinahanap ang subject na naisip nya sa laptop ni Thalia.

"Math na muna. Para madali." sagot ko

"We always see eye to eye." She then winked at me.

She played a YouTube video and leaned to the backrest. We're just doing a recall. Naituro na rin kasi ito noong high school, ang ibang bahagi nga lang ay nakalimutan kaya kailangang mai-refresh.

Usapan naming sa bahay nina Thalia isasagawa ang group review pero dahil nga sa restricted ako, dito na lamang sa bahay.

"Wait, stop mo muna." Zy slurred after hearing a knock on the door.

"Si Tyron na yata," Ani Thalia habang pare-pareho kaming nakatingin sa pinto. Si Zy ang tumayo para pagbuksan ang lalaki at nang makapasok si Tyron ay nagtawanan kami. Punit kasi ang laylayan ng shirt nya gayundin ang thigh part ng kanyang jenes.

His face was facing the floor, shoulders were slumped, hands were set on his side helpless. Napaka dilim ng awra nya na parang may nakalaban sya sa labas.

"Tangina, anong nangyari sayo?!" Hindi magkamayaw sa katatawa si Zy.

"Kinulang ka ba sa budget? Daming ukay-ukay sa bayan! Tyron ba't ganyan?" Asar ni Thalia.

"Idolo nya 'yung basahan namin!" Gatong ko kaya sa akin nabaling ang masamang tingin ni Tyron.

"Muntik na akong kagatin ng aso nyo!" Gigil na sigaw nya.

Napahalakhak akong lalo. "Tanga! Wala kaming aso!"

"So whose dog was that?!" Tinuro niya ang labas ng bahay namin.

"Aba'y malay ko!"

"Well, buti naka-survive ka? Mas mabangis ka pa sa aso, ah? Punit-punit ang damit pero walang galos? Hindi nakagat?" Lahat kami ay natigil nang magsalita si Akali.

"Kinulang ka pa dito, Akali? Parang gusto mo pang makagat ako, ah?"

"Edi good!" sambit ko.

"Huy huwag! Wala rayong makakasamang pogi sa exam if that happens!" Hirit naman ni Zy.

Ngumiwi agad si Tyron.

"Edi huwag! Oras na rin siguro 'to para tanggapin ang offer ng Unibersidad ng Arizona." Iling ni Tyron.

I lifted my ring finger. "Ulol! Hambog!"

"Totoo 'yon. He's accepted in the University of Arizona." Singit ni Thalia na syang nagpalaglag ng panga ko.

"Shuta! Akala ko ba nagbibiruan lang tayo dito?!" I exclaimed.

"Sa mga ganitong bagay, hindi ako marunong magbiro." si Tyron.

Napatakip ako sa bibig at napa-iling-iling na lang. I threw a high five to him.

"Shuta, man! Don't forgotten us." I joked.

He laughed. "Don't you have to worry, man! I won't forgotten you." Sakay nya sa sinabi ko at tinapik-tapik ang likod ko.

"Iiwan na pala kami ng pogi?" Zy muttered dramatically while pouting her lips, eyes were lighting in tears and I don't know if she's serious or that drama of hers was still a boff.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon