Chapter 24

11.2K 180 0
                                    

"Ano na namang nangyari sa'yo? Ba't lungkot na lungkot ka, ha?" Panenermon ni Terence at inakbayan ako.

Huminto ako sa huling baitang ng hagdan para harapin siya. "Halata ba?" tanong ko sabay turo sa sarili.

"Ako pa 'yong tinatanong mo niyan, ha? Jaile ... Kilalang-kilala kita." Tumawa siya at umiling.

"Yakapin mo nga 'ko." Ngumuso ako at hinampas siya ng paper bag.

Lumambot ang kaniyang mukha at segundo lang - Ang mainit na mga braso niya na ang nakabalot sa akin. Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Nami-miss rin pala kitang hinayupak ka." bulong niya sa tainga ko.

Tumawa ako at binaon ang mukha sa balikat niya. I missed Terence too. Pansin kong nitong mga nakaraang araw ay bibihira na lang kami kung mag-usap. We're sharing in one roof since we're at the same agency, pero training naman ang habol namin doon. I missed the bond we had.

He's always near to me, but I'm missing him. I'm missing my best friend. I am missing my brother.

"Gusto mong kumain? Ililibre kita ngayon. 'Di ako magrereklamo." Bulong niya.

Napangisi ako pero agad ring naglaho. "Ayoko. Hindi naman ako gutom."

"Wow!" He said then clutched to my shoulders as he pushed me a little para pakatitigan ako. "Bago 'yan, ah? Sign of maturity na ba 'yan, be? Si Jaile ko, hindi na nagpapalibre?"

"Hindi lang ako gutom tungak!" Siniko ko siya.

"'Di nga? Baka nahihiya ka na sa 'kin?"

"Hunghang sino ka ba?!"

"Crush mo noong elem." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Gising, huy!"

"Matagal na 'kong gising. Kaya nga tandang tanda ko pa rin iyong mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa akin." Awang ang labi ko nang kindatan niya ako.

"Kadiri!" Humalakhak siya sa sinabi ko sabay hawak sa pala-pulsuhan ko para igiya ako palabas ng building.

Sa huli ay kumain muna kami ni Terence. Hindi pa rin ako nakatanggi sa sarap ng mga pagkain na nakita ko kanina. Nakaupo kami sa concrete circular tables habang kumakain. Magkaharap kaming dalawa.

"Balita ko, mag-de-debut na raw ng panibagong group, ah? Since last year na ng Wonderland." Panimula ni Terence.

"Rinig ko nga."

"Kayo na yata 'yon."

"Parang 'di naman! Boy group yata muna since wala pa naman ang CJE!"

"Girl group nga raw." Pakikipagtalo niya.

Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman? Uminom ako sa Coke ko dahil parang kinabahan yata ako. Goodness. Heto na.

"Goodluck, bebe. Galingan mo, ah? Gusto ko kasama ka sa mga ma-de-debut this year or maybe next year. Huwag kang sasama sa mga uuwi." Ngisi niya para mapagaan ang usapan.

"Shet naman!" Hiyaw ko.

Nang magsimula ang event ay pumunta na kami sa backstage para mag-warm up. Nagpalit na rin ako ng damit at tinali sa ponytail ang buhok. When we went up to the stage, loud cheering noise from the crowd enveloped our ears. Oh God.

When the music began to play, we danced agilely through it ... Until we ultimately reached the ending of the dance performance.

Malakas na sigawan muli ang narinig namin mula sa crowd.

We vowed and waved our hand thrifty before going down the stage.

Tubig mula kay Zy ang sumalubong sa akin pagbaba. "Ang galing, shet!" Tili niya.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon