Chapter 03

14.7K 308 11
                                    

"Five! Four! Three! Two! One! Tuloy nyo lang!" Malakas na sigaw ni Pops, ang founder ng dance troupe namin habang lahat kami ay nagba-basic warm up.

Nasa unahan sya, seryosong nagbibilang kasabay namin. Mabagal na naglalakad-lakad, tinitignan ang bawat isa kung tama bang naisasagawa ang 20 minute squats.

Malalakas ang aming pag-sigaw, sinasanay ang sarili sa pagpapagal.

Matapos naming banatin ang buto, pumuwesto na ang bawat isa para simulan ang unang ensayo.

We're preparing for a dance contest that'll be held on Sunday. Paligsahan sa kabilang barangay. Hindi man malaki ang premyo, 'di katulad sa mga malalaking contest na nasasalihan namin ay pinatulan ng grupo ko.

Nag-iipon kasi ang samahan namin para makabili ng dance studio. Wala kasi kaming sarili.

Kaya kahit na hindi ganoon kalaki ang championship prize, we'll go for it, aim for it. Malaking tulong na iyon.

"Oh! One hundred push ups para sa mga late dumating!" Hiway ko habang pinapanood si Terence na kararating lang.

Nakasuot sya ng white t-shirt at itim na pants, hawak ang pulang tumbler sa kanang kamay, saklay ang itim nyang backpack.

"Gusto mo dalawang daan pa, e!" Hambog na tugon nya nang makalapit at nilapag ang mga dala nya sa sahig ng court.

Sinugod ko sya at sumakay sa likod nya. Nakapulupot ang braso ko sa kanyang leeg at ngayon ay rinig na rinig ko na ang mga reklamo nya.

"Birthday mo hindi ka magpapakain?" tanong ko.

"Umalis ka sa'kin! Lubayan mo 'ko!" Hinahampas nya ang braso kong nakapulupot sa leeg nya. Tumawa ako at bumitaw sya. Halos mamutla ang lalaki.

"Happy Birthday, Renzo!" Nagtititiling lumapit samin si Hellux.

"Salamat, buddy." Ani Terence at nakipag-high five kay Hellux.

"Huy!" Hinampas ko sya at kininditan. "Hindi ka magpapakain?"

"Kung ikaw 'yung kakain sa akin ayoko!"

Napangiwi ako at binatukan sya. "Ang yabang nito hindi ka masarap!"

"Paano mo ako natikman Jaile?" Nanlalaki ang mga mata nya.

"Manahimik nga kayong dalawa. Kung hindi kayo aswang, iisipin ko talagang ibang kainan 'yan." Tawa ni Hellux.

Tumigil na rin kami sa pag-aasaran nang tawagin kami ni Pops. Nag-practice ulit kami at tulad ng dati, ako na naman ang nasa gitna.

The positions are given based on our movements.

I'm always the center.

Sa bawat indak at pitik ng katawan, kaunting pawis ang lumalabas mula sa akin. I always have dynamite facial expressions to live up the dance.

I love Hiphop.

I love executing muscular and monster steps. Dito ko nabibigyan ng kalayaan ang sarili ko. Sa bawat hampas, nailalabas ko ang galit at ang iba pang banyagang pakiramdam na hindi ko mapakawalan sa dibdib ko.

We're done reaching the three-fourth of the choreography for the whole team. Nagpahinga na kami nang matapos at sa susunod na araw naman ulit ipagpapatuloy.

Nakaupo ako sa lapag at umiinom ng tubig. Pagkatapos ay kinuha ko ang face towel sa backpack ko para magpunas ng pawis ko.

"Papunas nga sa likod ko."

Kinalabit ko si Terence sa tabi ko at binigay sa kanya ang face towel ko. Kaagad nya naman iyong kinuha ng walang reklamo. He always wiped the sweat on my back. No malice.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon