Chapter 3

5.4K 241 10
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 3
Cayena's POV
       Kagigising ko lang dahil ginising ako ng isang kasambahay

"Matanong ko lang color pink ba talaga ang kulay ng buhok ko?" tanong ko sa kasambahay na gumising saakin

"Hindi po Mahal na Prinsesa ang totoong kulay po ng iyong buhok ay kulay itim, pinakulay niyo lang po ng color pink dahil iyon ang iyong gusto" saad ng kasambahay

"Ganoon ba? well, is there any way to bring back the old color of my hair?" tanong ko sa kaniya

"Meron po, ibabad niyo po ang inyong buhok sa mainit na tubig at mawawala na po ang kulay" saad niya

"Thank you at mamaya na ako bababa pagkatapos kong maalis ang kulay na nasa buhok ko" saad ko sa kaniya

"Osige po Mahal na Prinsesa" saad niya at yumuko muna siya bago umalis. Pumunta na ako saaking banyo at sinimulan nang ibabad ang aking buhok sa mainit na tubig, nakita ko naman na unti-unting nawawala ang kulay hanggang sa tuluyan ng nawala ang kulay, naligo na din ako at nagpalit ng dress kaso puro pink talaga, haystt naghanap pa ako ng ibang masusuot na dress hanggang sa nakita ko ang isang malaking karton na nakatape.

      Kinuha ko iyon at binuksan, pagkabukas ko ay tumambad saakin ang mga nag gagandahang dress at iba't-iba ang kulay, siguro itinago ito ni Cayena (ang dating may ari ng katawan) dahil hindi pink ang kulay. Sinimulan ko nang alisin sila sa loob ng kahon at tinignan sila ng mabuti, ang gaganda talaga nila, isinuot ko na ang pulang dress na lagpas sa tuhod ngunit hindi aabot sa paa, tinignan ko ang sarili sa salamin at bumagay ang magandang dress sa mga mata ko ang buhok ko namang itim ay hinayaan ko lang na nakalugay, sinuot ko din ang isang necklace na color red pati nadin ang bracelet at ang earrings na nakita ko sa jewelry box at ang masasabi ko lang ay ang ganda, bumagay sila sa kulay ng aking mga mata.

      Bumaba na ako papuntang dining room at naririnig ko ang mga usapan at tawanan nila, kailangan ko ulit mag act ng kalmado dahil isa akong Prinsesa at ang isang Prinsesa dapat ay hindi kaagad-agad naiinis at nagagalit dahil lalo ka pa nilang aasarin at aalipustahin, pumasok na ako papuntang dining room at lahat sila ay nakatingin saakin. I stand up straight with my chin high and with my arms in the front, I hold my dress, cross my legs and slightly bow my head

"I Cayena Rose, Princess of Rose Kingdom, greet all of you especially to our Highness King and Queen and also to the Princes and Princesses of the other Kingdoms and good morning to all of you" I said while still bowing my head, a Princess should continue bowing their heads not until the King or Queen told them to raise their heads

"Raise your head Princess Cayena and good morning too" the King said and so I raised my head and stand up straightly with my arms in the front

"Join us for breakfast Princess" the Queen said and so I walk to the table and sit beside the Queen, bale ang Hari ay nasa pinakaunahan at sa kaniyang right ay ang Reyna at ang kaniyang nasa left ay ang aking kapatid na si Kuya Rio katabi ni Kuya Rio ay si Kuya Ken, katabi naman ni Kuya Ken ay si Prince Laurenzo, katabi naman ni Prince Laurenzo si Prince Asher at ang katabi naman ni Prince Asher ay si Prince Sky.

      Ang katabi ko naman sa upuan ay si Prinsesa Jeanette at ang katabi naman niya ay is Prinsesa Emerald, at ang katabi naman ni Princess Emerald ay si Princess Bea at katabi naman niya si Princess Chloe na ngayon ay nakalingkis sa braso ni Prince Claude na katabi niya lang sa upuan, napailing naman ako kasi disrespectful na may naglalandian sa harap ng hapag kainan hindi ba nila naituro iyon dito sa Kaharian na ito? mas mabuti pa doon sa Kaharian ko at lahat sila ay disiplinado at kapag may isa man silang nalabag ay paparusahan ko sila after all I'm the Empress

"Kumain na tayong lahat since andito na si Princess Cayena" saad ng Hari at nagsimula na silang kumuha ng pagkain, napakunot ako ng noo at hindi maiwasang magtanong

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now