Chapter 5

4.9K 187 2
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 5
Cayena's POV
       Nagtatawanan kami ni Prinsipe Asher dahil sa kwinekwento niyang childhood niya, parang hindi na ako makahinga sa kakatawa at ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito kalakas at kahabang oras kasi sa Kaharian ko ay dapat laging seryoso at you know works all day, hindi natatapos na trabaho ang itatambak sa iyo

"Oh tapos?" saad ko habang tumatawa at nagpupunas ng luha

"Sabi niya "oi hintayin mo ako" tapos ayun pagkadapa niya nahila ni Sky yung shorts ni Ken and then sabi ni Ken "sh*t nakita na nila!" and then yung tinutukoy ni Ken is yung brief niyang may bulaklak na designs" saad niya habang natatawa, ako naman ay humalakhak ng malakas dahil sa pag kwe-kwento niya, grabe simula bata pa pala yung mga Prinsipe at Prinsesa ay magkakaibigan na sila

"Hahahahaha ok ok, uhmmm how about Cayena's childhood?" tanong ko, tinignan naman niya ako ng may pagtataka at ngayon ko lang nalaman na sinabi ko pala ang sarili kong pangalan

"I-I mean my childhood, you know ikwento mo naman" saad ko sa kaniya, nginitian niya muna ako bago nagkwento

"You know noong bata pa tayo lahat tayo ay close at masaya like any other kids, hindi pa natin na me-meet sila Anastasius at Claude noon tapos ayun lagi tayong naglalaro, naaalala ko pa noon na lagi mo akong inaaya na pumunta sa lake pero ako itong takot dahil baka mawala tayo tapos sabi mo ikaw bahala tapos ayun pinunta mo ako sa may bandang lake and that was the first time na nakakita ako ng magandang tanawin" saad ni Prinsipe Asher

*Flashbacks of Asher*
"Ohh 'diba sabi ko sa iyo ehhh ang ganda ng tanawin dito" sabi ni Cayena habang nakangiti saakin

"Pero baka maligaw parin tayo sa pag uwi" nag-aalalang saad ko

"Don't worry, kabisado ko naman yung daan ehhh atsaka dito muna tayo noh naiinis kasi ako sa kanila Kuya ehh inaasar nila ako" saad niya habang nakanguso kaya naman natawa ako at pinisil ang kaniyang pisngi

"Aray! huwag mo ngang pisilin pisngi ko! bakit ba kayong lahat ehhh gustong gusto na pisilin pisngi ko huh?" inis na tanong niya

"Ehh ang cute kasi ehhh!" saad ko habang natatawa, binelatan niya nalang ako at lumapit sa lake at umupo sa may damuhan, umupo din ako sa tabi niya. Tinignan niya ang kaniyang reflection sa tubig kaya naman tinignan ko din ang akin

"Ang ganda talaga dito!" saad ko

"Oo nga ehh, gusto mo punta ulit tayo dito bukas?" tanong niya, kaya naman napangiti ako at sunod-sunod na tumango. Tumawa naman siya ng mahina at muling pinagmasdan ang tanawin

"Ang ganda talaga dito, alam mo kapag malungkot ako, dito ako pumupunta" saad niya kaya naman napatingin ako sa kaniya, nagulat ako dahil ngumiti ito ng malungkot at tumingin saakin

"Ikaw lang ang kauna-unahang kaibigan ko na dinala ko dito, kaya naman maswerte ka" saad niya habang nakangiti, bigla namang humangin ng malakas at ang kaniyang buhok ay hinangin hindi ko alam pero nung nakita ko na tinatangay ang kaniyang magagandang buhok ay parang bumilis ang tibok ng puso ko, naramdaman ko din na uminit ang aking mga pisngi kaya naman hinawakan ko ito

"Ohh! bakit namumula pisngi mo?" tanong niya at bigla nalang lumapit sa mukha ko, unting distansiya nalang ang natitira sa pagitan ng aming mga mukha

"Luh! lalong namula!" saad niya, ako naman ay sobrang tibok ng puso ko, nilayo ko ang aking mukha sa kaniya at itinago ito gamit ang aking mga kamay

"Oi Asher huwag mong itago!" saad niya at ayun nagkulitan kami hanggang sa napagpasyahan naming umuwi ng bahay. Hanggang sa naulit ang pagpunta namin ni Cayena sa lake, at hanggang sa...

"Kinagagalak ko kayong makilala mga Prinsipe at Prinsesa, ako ang first Prince ng Snow Kingdom ang pangalan ko ay Anastasius Snow, at ito ang nakababata kong kapatid at pangalawang Prinsipe ng Snow Kingdom, Claude Snow" pagpapakilala ng Prinsipe sa kanilang sarili, tinignan ko si Cayena at ang kaniyang mga tingin ay nakadiretso kay Claude hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng inis at irita kay Prinsipe Claude

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now