Chapter 51

1.5K 59 1
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 51
Cattleya's POV
        Nag-uusap lang kami nila Kuya dito sa salas habang kumakain ng mga desserts nang biglang dumating si Anastasius

"Cattleya" tawag niya saakin kaya naman ay nilapitan ko siya at niyakap

"Kamusta naman ang pag evacuate?" tanong ko

"Ayos na, halos lahat ay na-evacuate na maliban nalang sa mga nagboluntaryo na sumali sa giyera" saad niya tsaka naupo sa sofa at napatingin kay Kuya

"Ikaw pala Kuya Arthur, mabuti naman at napadalaw ka" saad niya at nginitian naman siya ni Kuya

"Oo gusto kong bisitahin ang kapatid ko atsaka ang mga kaibigan niya" saad ni Kuya dahilan upang mapangiti ako

"Ganoon po ba, pwede ko bang mahiram muna saglit si Cattleya?" tanong ni Anastasius kay Kuya dahilan upang mangunot ang aking noo

"Sure" saad ni Kuya kaya naman ay hinila ni Anastasius ang aking kamay tsaka kami pumunta sa kaniyang opisina

"Anong pag-uusapan natin Anastasius?" tanong ko sa kaniya dahilan upang mapatingin siya saakin

"About sa Serpentine Kingdom" saad niya dahilan upang magseryoso ako, umupo naman ako sa sofa at tinignan siya

"Bakit?" tanong ko dahilan upang mapabuntong hininga siya

"Narinig ko sa spy na pinadala ko sa Kaharian nila na talagang pinaghahandaan na nila ang giyera at isa pa ay talagang nandoon ang Emily Kingdom na kung saan ay binigay nila ang buo nilang suporta sa Serpentine Kingdom" saad niya dahilan upang mapabuntong hininga ako

"Pati ba naman ang Emily Kingdom ay gusto ring pabagsakin tayo, don't worry mayroon tayo ng suporta nang Obelian Kingdom and other Kingdoms kaya naman ay huwag tayong masyadong mabahala" saad ko pero napailing lang siya

"Don't underestimate them Cattleya, pati ang mga fallen Kingdom na natalo namin three years ago ay nakisanib pwersa na din sa Serpentine Kingdom at isa pa may mga nakita na mga panibagong armas ang spy natin" saad niya dahilan upang magulat ako

"Panibagong armas? katulad ng?" tanong ko

"Bomba, gaya ng bomba na ginamit nila sa pagsira ng ating pader at mga mas matitibay na sandata gaya ng pana at espada" saad niya dahilan upang mapatango-tango ako

"Kailangan na din nating magpagawa ng bomba ngunit aabutin iyon ng ilang araw dahil mahirap ang proseso" saad ko at napatango naman siya

"Tama aabutin pa ng ilang linggo kapag magpapagawa tayo ng madaming bomba ngunit huwag kang mag-alala Cattleya dahil noong isang buwan pa ako nagpagawa ng mga bomba" saad niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya

"Talaga?" nakangiti kong saad at napatango naman siya

"Oo dahil alam kong balang araw ay magagamit din natin iyon" saad niya dahilan upang mapatango ako

"Salamat Anastasius, buti nalang at lagi kang prepared" saad ko at napatango naman siya tsaka tumabi saakin

"I know what I need to do for the sake of our Kingdom" saad niya dahilan upang mapangiti ako

"You really deserve to be an Emperor" saad ko dahilan upang mapangiti siya, kinuha niya ang aking kamay tsaka hinalikan sabay tingin saakin

"You know naging Emperor ako because of you, I wanted to be an Emperor so that I can reach and fit you, yan ang una kong naisip pero habang patagal ng patagal akong nakaupo sa trono ay naisip ko na magiging magaling at mabuti akong Emperor hindi lang dahil sa iyo kun'di para din sa mga tao at sa Kaharian na ito" saad niya dahilan upang mapangiti ako

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now