Chapter 41

2K 97 0
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 41
Cattleya's POV
        Pagkatapos kong sumayaw ay napangiti nalang ako at bumalik na sa aking tent. Kinabukasan ay kumain na muna kami bago namin napagpasyahan na umalis na, umandar na ang karwahe at ako naman ay nakatingin lang sa bintana

"Cattleya" tawag saakin ni Ezekiel dahilan upang mapatingin ako sa kaniya

"Bakit?" tanong ko

"Anong sasabihin mo sa Kuya mo sa oras na magkita kayo?" tanong niya

"Well hindi ko din alam ehh basta ang gusto ko lang na mangyari ay mayakap siya at makasama" saad ko

"Ganun ba, pipilitin mo din ba siyang umuwi upang maging head of Victoria's family?" tanong niya

"Yes, sasabihin ko sa kaniya na matagal nang wala ang aming mga magulang kaya naman ay pwede na siyang bumalik upang maging head ng Victoria family and also I will tell him that no matter how bitter and painful our past is, we need to move on and make beautiful memories to cover up the painful past" saad ko, napatango-tango naman siya at napangiti saakin

"I see" saad niya, napatango naman ako at napatingin muli sa tanawin sa labas nang bintana ang daming mga palayan at mga magsasaka na nagsasaka nang mga palay, madami ding mga bundok at madami din kaming mga nalagpasan na magagandang tanawin this past few days nang paglalakbay, tanghali na at tumigil muna kami upang makapagpahinga at kumain, pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa karwahe at muling naglakbay.

     Makalipas ang ilang mga oras ay napahikab ako at nakaramdam nang antok, oh no I felt sleepy, sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Asher at pinikit ang aking mga mata.

Ezekiel's POV
      Napatingin ako kay Cattleya na mukhang inaantok at tama nga ako dahil sinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Asher, nakaramdam ako nang inis pero kinalma ko ang aking sarili

"Catt-" hindi na naituloy ni Asher ang kaniyang sasabihin nang sinenyasan ko siyang manahimik dahil natutulog si Cattleya, tumango naman ito dahilan upang mapangiti ako

"Ezekiel" saad ni Asher dahilan upang mapatingin ako sa kaniya

"Noong sinabi mo na gusto mo si Cattleya kagabi at sinabi mo din saakin na hindi mo siya hahabulin dahil wala kang pag-asa sa kaniya ay naisip ko din na baka wala din akong pag-asa" saad niya habang seryoso na nakatingin saakin

"Ibig mong sabihin ay..." saad ko at napatango naman siya

"Oo, gusto ko din si Cattleya pero hahabulin ko siya, alam kong wala akong pag-asa dahil nakikita niya lang akong kaibigan niya pero susubukan ko pa din hanggang sa matalo ako" saad niya, napangiti naman ako nang malungkot, kawawang Asher, Cattleya may wawasakin ka nanamang puso

"Go on do what you want to do" saad ko napatango naman siya at sinandal nang dahan-dahan ang ulo ni Cattleya sa kaniyang binti at hinaplos ang kaniyang buhok.

*Flashbacks*
       Noong una kong makita si Cattleya ay hindi ko mapagtanto kung ano nga ba ang mararamdaman ko sa kaniya, galit ba dahil sa inagaw niya ang trono nang pagiging Emperor kay Papa o pagkagusto? noong pumunta siya sa Palasyo ay hindi ko siya pinapansin dahil iyon ang bilin saakin ni Mama ngunit nang malaman naming lahat na inaabuso pala siya nang kaniyang mga magulang ay lumambot ang aming mga puso at nawala ang aming galit dahil pinilit lang siya na maging Empress

"Ako nga pala si Ezekiel" pagpapakilala ko sa kaniya, tumingin naman siya saakin at ngumiti

"Ako naman si Cattleya" saad niya habang nakangiti

"Alam ko, ikaw ang magiging future Empress namin hindi ba?" saad ko sa kaniya pero napayuko lang siya

"Hindi ko hiniling na maging Empress, gusto ko lang nang tahimik at masayang buhay na kung saan ay masaya pa din kaming pamilya at hindi ako sinasaktan nang aking mga magulang pero mukhang hindi na maibabalik ang masaya kong buhay" saad niya, nagulat naman siya nang niyakap ko siya bigla

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now