Chapter 12

3.9K 168 10
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 12
Cayena's POV
      Isang araw nanaman ang nakalipas simula ng dumating ang Mahal na Reyna na si Mary Rustichelle at ngayon ay kasama ko nanaman siya sa study room

"Wow! perfect lahat ng quizes mo Mahal na Empress, as expected sa matalino at mapagmahal naming Empress!" natutuwang saad niya, well I got 100/100 sa lahat ng quizes na pinapasagot niya saakin, madali lang saakin ang lahat ng iyon dahil napag-aralan ko na lahat ng iyon

"Kumalma ka Mahal na Reyna, kapag nandito ka sa palasyo na ito ay huwag na huwag mo akong tatawaging 'Mahal na Empress' dahil baka may makarinig sa iyo at malaman pa ang ating sikreto" saad ko sa kaniya

"Ehh ano na man po ang itatawag ko sa iyo Mahal na Empress?" tanong niya

"Cayena, tawagin mo akong Cayena" saad ko sa kaniya, tumango naman siya at nag bow

"Masusunod Mahal na Prinsesa Cayena" saad niya habang nakangiti kaya naman ay napangiti din ako sa kaniya, nag-usap pa kami ng mga ilang bagay ng may kumatok

"Ako po ito si Kate Mahal na Prinsesa at Reyna, maaari po bang pumasok po ako?" tanong niya

"Sige pasok" saad ko at pumasok naman siya, nakayuko lang siya at hindi makatingin saakin minsan ay napapansin ko ding nanginginig ito sa takot. Inilapag niya ang dala niyang mga biscuit at juice

"M-Mag meryenda daw po muna kayo Mahal na Reyna at Prinsesa" saad niya

"Salamat makakaalis ka na" saad ko, nag bow muna ito bago umalis.

"Ano nanaman ang ginawa mo sa kasambahay na iyon Empre- ehem I mean Cayena?" tanong niya na halatang hindi sanay na tawagin akong Cayena

"Tinakot ko lang siya dahil isa siyang bastos at walang galang na kasambahay" saad ko at kumuha ng juice

"Hmm...Ganoon ba? anyways about sa sinasabi ko kanina gustong gusto ko na talagang sabihin sa mga anak ko na ikaw ang Late Empress pwede ko na bang sabihin Mahal na Empress?" tanong niya, nag-isip muna ako ng maayos bago nag pasya

"Sabihin mo nalang na ako ang dating Empress na nalipat sa katawan ng isang Prinsesa kapag one week break na nila" saad ko kaya naman nagtataka niya akong tinignan

"May pasok sila hindi ba? atsaka mas magandang sabihin mo nalang sa araw na iyon mismo dahil alam kong lahat sila ay susugod sa oras na malaman nilang ako ang dating Empress" saad ko kaya naman napatango tango naman siya

"Oo nga pala noh? may pasok pa pala ang aking mga anak, bakit pala hindi mo subukang mag-aral sa paaralan Cayena? balita ko maganda daw doon at madaling makisalamuha sa mga ibang tao" saad niya habang nakangiti

"Hindi tayo makakapag-usap ng ganito kung pumasok ako ng paaralan at isa pa ito lang ang naisip kong paraan, and I don't like schools" saad ko at uminom ng juice, napatango nalang siya at kumuha ng biscuit. Nag-usap nalang kami tungkol sa mga pagbabago na nangyari saaking Kaharian

"Alam mo ba Mahal na Empress-" hindi ko siya pinatuloy ng tinignan ko siya ng masama

"I mean Mahal na Prinsesa na lalong gumanda ang ating Palasyo simula ng naupo sa trono ang bagong Emperor ngunit ang pinagtataka ko lang ay hindi siya pumayag na may mangealam sa mga gamit mo sa kwarto mo, ngunit pinapalinis niya pa din ito pero ang dating ayos ng iyong kwarto ay ganoon pa din, minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sa malaking larawan mo na naipinta ng sikat na magpipinta pero pinabayaan ko nalang" saad niya kaya naman napatingin ako sa kaniya

"Baka naman sinusuri niya lang ako dahil hindi ako lumalabas ng ganoon kadalas saaking Kaharian at bihira lang din ako makita ng ibang Hari, Reyna, Prinsesa at Prinsipe" saad ko

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now