Chapter 24

3K 127 1
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 24
Cayena's POV
(Continuation of the Flashbacks)
      Tumatakbo kami papunta sa bayan at pagkarating namin doon ay napamangha ako sa ganda ng lugar, madaming mga tao na bumibili ng kung ano-ano at maingay din

"Halika Cattleya, maglibot tayo" saad ni Leo at hinawakan ang aking kamay

"Huwag ka ding bibitaw sa kamay ko baka mawala ka malawak pa naman ang bayan" saad niya kaya naman ay hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya

"Just trust me" saad niya, naglakad pa kami at tumingin-tingin naman ako sa paligid nang may makita akong parang masarap

"Ohh bili na kayo ng Cotton Candy!! mura lang" saad ng nagtitinda, napansin siguro ni Leo na napatigil ako at nakatingin lang sa Cotton Candy daw kaya naman ay napangiti siya at hinawakan ang aking ulo

"Gusto mo yun?" tanong niya, napatingin naman ako sa kaniya at napailing

"Hindi noh, aishh tara na nga" saad ko at tinapik ang kaniyang kamay na nakahawak saaking ulo, ngunit binitawan niya ang aking kamay at lumapit doon sa nagtitinda ng Cotton Candy

"Leo!" tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin, hinintay ko nalang siya at nilibot ang aking paningin

"Eto oh" saad niya, hindi ko namalayan na nandito na pala siya. Inabot niya saakin ang Cotton Candy

"Binili ko yan para sa iyo kasi mukhang takam na takam ka ehh" saad niya kaya naman ay nahiya ako

"Hindi kaya, sige na nga akin na" saad ko at kinuha ang Cotton Candy, napangiti naman siya, kumuha naman ako ng piraso at tinikman

"Woah ang sarap naman nito" saad ko

"First time mo bang kumain ng ganiyan?" tanong niya

"Oo well as you know hindi ako pinapalabas and there's no way na bibilhan ako ng ganito" saad ko, napangiti naman siya ng malungkot at hinawakan muli ang aking kamay

"Thank you" saad ko, tinignan niya naman ako at ngumiti

"No problem" saad niya, tinignan ko naman kung may hawak pa siyang isang Cotton Candy pero wala

"Hindi ka bumili ng sa iyo?" tanong ko sa kaniya

"Hindi na" saad niya kaya naman kumuha ako ng kapiraso na Cotton Candy at sinubo sa kaniya

"Share nalang tayo" saad ko at napansin kong umiinit din ang aking pisngi, napangisi naman siya

"Sige share tayo pero susubuan mo ako" saad niya habang nakangisi kaya naman mas lalo akong namula

"K-Kumuha ka nalang kasi, hindi ka naman bata para subuan pa" saad ko dahilan upang tumawa siya ng mahina, kumuha siya ng piraso at kinain

"Paano mo pala nabili ito?" tanong ko sa kaniya

"Kasi may pera ako" saad niya

"Huh? paano? ehh 'diba commoner ka? baka yung pera na ginastos mo ngayon kailangan pala ninyo ahh" saad ko and starting to feel guilty

"Don't worry, pinag-ipunan ko ito" saad niya kaya naman ay napangiti ako

"Thank you, don't worry ibabalik ko yung pera mo ng doble" saad ko, napailing naman siya

"Kahit huwag na, basta mag enjoy lang tayo ngayon" saad niya, habang naglalakad kami at kumakain ay bigla siyang nagsalita

"Nandito na tayo sa perya!" masaya niyang saad, pagkatingin ko ay madaming mga bata pati na din mga matatanda na nagsasaya, may nag swi-swing, at iba pa na hindi ko alam ang tawag

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now