Chapter 17

3.7K 150 5
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 17
Bea's POV
      Naiinis ako ng sobra sa Cayena na yan! hindi ko inaasahan na yayakapin siya ng dalawang Prinsipe!! nandito ako ngayon saaking kwarto habang pinagsusuntok ang unan upang doon ilabas ang aking galit, nakakainis! kahit kailan talaga malandi kang Cayena ka!! tuloy lang ako sa pagsuntok ng may biglang kumatok

"Ako ito si Chloe maaari ba akong pumasok?" tanong niya

"Pasok!" saad ko at umupo ng maayos pagkapasok niya ay sinara niya agad ang pintuan

"Nakakainis si Cayena hindi ba? inaya pa siya ni Claude na umupo sa tabi niya habang ako ay nasa harapan niya lang! ang kapal ng mga mukha nila!" galit ding saad ni Chloe

"Oo nga ehhh nakakainis kung sana namatay nalang siya ng tuluyan!" saad ko

"Diba may gusto ka kay Prinsipe Allan?" tanong niya kaya naman ay tumango ako

"Alam mo ba habang naglalakad ako ay naabutan ko sila sa hardin na nag-uusap, nagulat ako ng biglang halikan ni Prinsipe Allan ang kamay ni Cayena" saad niya dahilan upang mas lalo pang mamuo ang galit ko

"That b*tch!" inis kong sigaw

"Ganito nalang gawin natin para makaganti, since hindi naman siya marunong gumamit ng espada ay talunin natin siyang dalawa since training din nating mga Prinsesa at Prinsipe bukas" saad niya, napangiti naman ako sa sinabi niya at sumang-ayon

"Sure, I'll make sure na lulumpuhin ko siya" saad ko habang tumatawa, humanda ka saaking malandi kang babaita ka!

Cayena's POV
     Gabi na at pumunta ako saaking kwarto, naligo at nagbihis. Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay may kumatok saaking kwarto

"Ako ito si Sofia" saad niya kaya naman ay pinapasok ko siya

"May kailangan ka ba Sofia?" tanong ko habang patuloy na sinusuklay ang aking buhok sa harap ng salamin

"Pwedeng dito muna ako matulog Empress? matagal na kasi since noong huling nakasama kitang matulog, tatlong taon na ang nakalipas eh" saad niya habang nakangiti

"Hindi pwede Sofia bumalik ka na sa kwarto mo atsaka gusto kong magpahinga dahil pagod na pagod ako, atsaka isa pa malikot kang matulog" saad ko dahilan upang sumimangot siya, lumapit siya saakin at pinaghihila ang braso ko

"Ihh!!! sige na Empress please!" saad niya habang nag pu-puppy eyes, I look at her disgusted that made her pout. May kumatok nanaman saaking pintuan

"Ako ito si Anna Your Highness may I come in?" tanong niya kaya naman pinapasok ko din siya

"Don't tell me gusto mo ding matulog dito?" tanong ko sa kaniya, nahihiya naman siyang tumango kaya naman ay napabuntong hininga ako

"No!" saad ko dahilan upang sumimangot din ito

"Pretty please!" saad nilang dalawa habang nag pu-puppy eyes at nakaluhod, napabuntong hininga nalang ako ng malalim

"Hayst, sige na nga" saad ko dahilan upang magtatalon sila sa tuwa, agad silang humiga sa kama, pumunta na din ako sa kama at humiga, kasya naman kaming tatlo sa higaan dahil malawak at malaki naman ito

"Na miss ko na yung time na magkakatabi tayong matulog noong bata pa tayo" saad ni Sofia

"Oo nga ehhh, naaalala ko pa noong habang natutulog tayo si Cattleya hindi makatulog dahil ang lilikot daw natin, tapos pagkagising ko naabutan ko si Cattleya na natutulog sa sahig, yun pala nasipa mo Sofia" natatawang saad ni Anna at natawa din si Sofia, nagkwentuhan pa kami ng mga ilang bagay hanggang sa binanggit ni Anna ang Mahal na Emperor

"Alam mo Empress na noong dumaan ako sa kaniyang office ay nakita ko siyang may hawak na litrato, hindi ko alam kung sino iyong nasa litrato ngunit nakatingin siya doon na may lungkot sa kaniyang mga mata" saad ni Anna

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now