Chapter 23

3.4K 125 1
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 23
Cayena's POV
        Isang linggo nalang ang natitira at magsisimula na ang banquet na inaabang-abangan ng mga iba't-ibang Kaharian, ako naman ay nakakaramdam ng kaba at excitement sa paparating na banquet, hindi ko alam kung bakit pero sinasabi ng aking isipan na tumuloy, minsan naman ay huwag. Nalilito na talaga ako

"Empress?" saad ni Reyna Mary dahilan upang mapatingin ako sa kaniya

"Bakit?" tanong ko

"Kanina ka pa po kasi nakatulala, anyways as I was saying I'm going to give you five tests today and five tomorrow" saad niya dahilan upang mapabuntong hininga ako

"Isn't it too much?" tanong ko sa kaniya

"If it is you then it will just be a piece of cake" saad niya dahilan upang mapangisi ako

"Well bring the tests out" saad ko nilabas naman niya ang limang test papers at sinimulan ko ng sagutin ito, ang mga questions ay patungkol sa histories and politics, even grammar and etiquette. Madali nalang para saakin ito dahil matagal ko ng napag-aralan ang mga ito. Mga isang oras ang lumipas at nasagot ko na ang lahat

"I'm done" saad ko, hindi na nagulat ang Reyna at kinuha ang mga test papers ko at sinimulan ng i-check, makalipas ang mga ilang minuto ay napangiti siya

"As expected to our Empress, congratulations perfect!" saad niya dahilan upang mapangiti ako

"Malapit na ang banquet at hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi" saad ko dahilan upang mapatingin siya saakin

"Dapat lang na tumuloy ka Kamahalan dahil Palasyo mo iyon at Kaharian mo din, kaya ikaw ang pinaka-importante na bisita sa lahat" saad niya, napangiti naman ako

"Well you're right" saad ko

"Should I bring you some of your dresses? hindi pa kasi nagagalaw ang mga iyon at ipapalaba ko nalang sila" saad niya, napailing naman ako

"No need, madami ng dress na magaganda dito sa Palasyo na ito so no need" saad ko at napatango naman siya, pagkatapos ng mga ilang discussions and studies ay napagpasyahan niya ng umalis

"I need to go Empress because I have some duties to do" saad niya

"I understand, well then see you tomorrow" saad ko, napatango naman siya at pumasok na sa kalesa tsaka umalis. Ako naman ay pumasok muli sa study room at niligpit lahat ng mga gamit bago pumunta sa hardin, the banquet huh, I wonder what the Emperor is thinking, announcing a big banquet and inviting all of the Kingdoms? it is both bad and good, it is good because you can gain alliances and bad because there might be an enemy of our Kingdom and can cause troubles.

     Umupo na lang ako sa swing na nandito sa hardin at nagpahangin, ang ganda ng hangin, kamusta na kaya ang childhood friend ko na si Leo?

*Flashbacks*
         Nandito ako ngayon sa likod ng aming Palasyo sa secret garden at umiiyak dahil sa hirap ng trainings and studies atsaka pinagalitan din ako nila Mama at Papa, umiiyak lang ako ng may naramdaman akong presensya ngunit pinabayaan ko lang ito

"Oh! bakit ang isang magandang babae ay umiiyak lang dito ng mag-isa?" tanong niya dahilan upang mapaangat ako ng tingin

"Ohh! ikaw pala Crown Empress" saad niya at yumuko, hindi ko siya pinansin at muling umiyak, nagulat ako ng tabihan niya ako

"Eto oh panyo punasan mo na ang mga luha mo at yung sipon mo tumutulo na rin" saad niya at natawa siya ng kaunti, nahiya naman ako at agad na pinunasan ang aking luha at sipon

"Anong ginagawa mo dito estranghero? alam mo bang bawal ka dito sa secret garden?" tanong ko sa kaniya, ngumiti naman siya at napatingin sa mga magagandang bulaklak

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now