Chapter 20

3.6K 134 4
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 20
Cayena's POV
       Limang araw nang nagbabakasyon sila Ezekiel, Allan, Sofia at Anna dito saaming Kaharian, sila Queen Mary at King Philip ay umuwi na dahil madami pa silang aasikasuhin na trabaho because they should do their duties. Pinaalis narin ni Papa si Prinsesa Chloe sa salang panglalason, nagreklamo pa siya at nagmatigas pero sa huli ay pinauwi din siya ni Prinsipe Claude at isang buwan siyang hindi makakabalik sa Kaharian na ito, para kay Prinsesa Bea naman ay siya na ang nagkusa na bumalik sa kanilang Kaharian dahil na rin sa trauma na naidulot ng duelo namin, serves them right.

"Malapit na ang salo-salo sa Kaharian niyo Princess Sofia ano kaya ang dahilan kung bakit nag pasalo-salo ang Mahal na Emperor?" tanong ni Emerald

"Sa totoo lang Prinsesa Emerald ay hindi din namin alam dahil bihira lang namin makita ang Mahal na Emperor pero siguro ay may rason ang banquet na ginawa niya o hindi kaya ay gusto niya lang magsalo-salo" saad ni Sofia

"Sabagay" saad naman ni Emerald at ako naman ay nakikinig lang sa kanilang usapan

"Princess Cayena!" tawag saakin ni Asher dahilan upang mapalingon ako sa kaniya, lumapit naman siya saakin at hinila ang aking kamay patungo sa kung saan

"Saan tayo pupunta Prinisipe Asher?" saad ko

"Sinabi ko na sa iyo na tawagin mo akong Asher at hindi Prinsipe Asher" inis na saad niya

"Ok ok, so saan tayo pupunta Asher?" tanong ko sa kaniya

"Sa lake kung saan lagi nating pinupuntahan" saad niya kaya naman ay napatango ako, tumatakbo kami habang patungo sa forest at hanggang sa marating namin ang lawa, napatitig ako sa magandang tanawin ng matagal

"Ang ganda" saad ko, lumapit naman siya sa lawa at umupo sa damuhan, lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya

"Dahil wala kang maalala ay gagawa nalang tayo ng panibagong memorya, memorya na kung saan ay walang masalimuot na nangyari" saad niya habang nakangiti saakin, tumango naman ako at ngumiti din pabalik sa kaniya, tinignan ko muli ang tanawin at napamangha nalang sa ganda hanggang sa may natanaw akong bangka

"Mag bangka kaya tayo Asher" saad ko sa kaniya

"Baka malunod ka nanaman" saad niya

"Hindi yan tara na!" pangungulit ko sa kaniya at sa huli ay pumayag naman siya, sumakay kami sa bangka at nagsimula na siyang mag-sagwan, habang nakatitig ako sa tubig ay may nakita akong maraming magagandang isda

"Asher ang gandang isda" turo ko sa tubig, tinignan niya naman iyon at napangiti

"Maganda nga" saad niya, nilibot pa namin ang lawa hanggang sa may nakita akong magagandang bulaklak, lumapit kami doon at namitas naman ako ng marami

"Ilagay mo ito sa ulo mo Asher" ngising saad ko at pilit na inaabot ang crown flower na ginawa ko, umiling-iling naman siya at pilit lumalayo, lumapit naman ako sa kaniya dahilan upang gumalaw ang bangka

"Pakiusap Cayena huwag kang gagalaw at baka mahulog tayo" saad niya

"Unless you're going to wear this then I'll stop moving" saad ko, tinanggihan niya pa din dahilan upang tumayo ako at maglalakad na sana palapit sa kaniya ng biglang tumaob ang bangka

"Ahhhh!" sigaw ko ng mahulog kaming dalawa, buti nalang at marunong akong lumangoy at nakarating agad sa malapit na damuhan, tinignan ko naman siya na tarantang lumapit saakin. Pagkalapit niya ay bigla niya akong hinawakan sa braso

"Bakit ba ang kulit mo huh?!! sinabi nang huwag kang malikot ayan tuloy nahulog tayo!! paano kung nalunod ka ulit huh? paano kung...kung" sigaw niya habang nakahawak saaking braso at humihinga ng mabilis, nagulat ako sa pagsigaw niya saakin ngunit ngumiti din, hinawakan ko ang kaniyang pisngi upang matignan ako at pagkatingin ko sa kaniyang mga mata ay bakas doon ang pangamba at takot

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now