Chapter 52

1.3K 55 0
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 52
Cattleya's POV
      Makalipas ang isang linggo ay nag-improve na kaming lahat sa paghawak ng espada, nakahanda na din ang mga kawal at lagi silang nagbabantay sa mga kalaban hanggang sa may isang kawal na lumapit saakin

"Mahal na Empress!" saad niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya

"Bakit may problema ba?" tanong ko at napatango naman ito

"Yes Your Highness, nandito po si Lazaro sa labas ng Palasyo at duguan po siya" saad niya dahilan upang magulat ako at mataranta. Dali-dali akong pumunta sa labas at nakita si Lazaro na may hawak na espada at duguan kaya naman ay agad ko siyang nilapitan

"Lazaro! anong nangyari sa iyo?" natataranta kong tanong at agad ko siyang hinawakan tsaka tinignan ng mabuti ang kaniyang katawan

"Ayos lang po ako Mahal na Empress" saad niya pero napailing ako

"Hindi ka ayos Lazaro, tignan mo ang itsura mo ngayon! puno ka ng dugo!" medyo pagalit kong saad tsaka siya pinasok sa Palasyo, nagulat naman ang ibang mga Prinsipe at Prinsesa sa kanilang nakita at agad na nilapitan si Lazaro, pinaharap ko naman si Lazaro at sinuri ng mabuti ang kaniyang katawan

"Lazaro ano ba talagang nangyari sa iyo? bakit ka puno ng dugo?" nag-aalala kong tanong pero ngumiti lang siya dahilan upang magtaka ako

"Hindi ko po sariling dugo iyan" saad niya dahilan upang mapakunot ako ng aking noo

"H-Hindi mo sariling dugo?" nagtataka kong tanong at napatango naman siya

"Opo Mahal na Empress" saad niya dahilan upang mapabuntong hininga ako, sinenyasan ko naman ang mga maids na ayusan muna si Lazaro upang makapag-usap kami ng maayos dahil hindi ako maka-concentrate sa kaniya dahil puno siya ng dugo.

     Matapos siyang paliguan at bihisan ay lumapit ako sa kaniya tsaka siya pinaupo sa sofa

"Lazaro bakit ka nandito? akala ko ba ay dapat nasa Rose Kingdom ka na?" tanong ko sa kaniya dahilan upang mapayuko ito

"Bumalik po ako dito upang kunin yung espada ko kaya po ako nandito" saad niya dahilan upang mapabuntong hininga ako

"Kung nandito ka para kunin ang espada ehh bakit may hawak kang espada kanina?" tanong ko

"Sa kalaban po iyon" saad niya dahilan upang magtaka ako at mapatingin kay Anastasius na nagtataka ding nakatingin kay Lazaro

"Pwede mo bang sabihin saamin ang buong pangyayari?" tanong ko at tumango naman siya.

Lazaro's POV
"Pwede mo bang sabihin saamin ang buong pangyayari?" tanong ng Mahal na Empress at napatango naman ako, tinignan ko naman silang lahat at puno ng kuryosidad ang kanilang mga mukha dahilan upang mapayuko ako.

*Flashbacks*
     Nandito ako ngayon sa training ground ng Palasyo ng Rose Kingdom at pinapanood silang mag training ng biglang umupo sa tabi ko ang Hari ng Rose Kingdom

"Bakit hindi mo sila samahan na mag training?" tanong ni King Zeus kaya naman ay napatingin ako sa kaniya

"Naaalala ko po kasing naiwan ko pala ang aking espada sa Kaharian ng Rustichelle kaya hindi po ako makapag-training" saad ko

"Gamitin mo nalang ang mga espada na nandoon" saad niya sabay turo sa mga espada na nasa tabi pero napailing lang ako

"Kapag po kasi nakikipaglaban ako ay gusto ko pong gamitin ang sarili kong espada" saad ko dahilan upang mapabuntong hininga siya

"Hmm...Ikaw bahala" saad niya kaya naman ay napatingin ulit ako sa mga nagtra-training pero dahil gusto ko na ding mag-training ay tumayo ako dahilan upang gulat akong tignan ng Hari

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now