CHAPTER 1

247 11 3
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa biyahe ni inay Minerva. All I know is that, masakit na 'yong pwet ko sa haba no'n.

Tumigil ang bus na sinasakyan namin and finally ay kami na 'yong bababa.

I helped nanay Minerva na dalhin sa may waiting shed if that what's they call. 'Yong parang maliit na house na walang dingding.

"Dito na muna natin hintayin si Itay Kiko mo." She said at umupo kami. Konti lang iyong mga bahay sa paligid at ang makikita lang is 'yong malawak na palayan.

Minutes later, may tricycle na tumigil at tumayo na si Inay Minerva kaya tumayo rin ako.

"Inay!" Sigaw nung lalaki na bumaba sa tricycle. I think that's Inay Minerva's son, Parn? Pran? I don't know. Na-kwento lang noon sa'kin ang about sa anak niya.

"Parn! Akala ko ang Itay mo ang susundo sa amin ngayon?"

"Nasa bukid si Itay kaya ako na lang. Akin na 'yang gamit mo." The boy named Parn said at kinuha 'yong mga bag na hawak ni inay Minerva. Akala ko pati 'yong hawak ko kukunin niya pero in my dismay, tinaasan niya lang ako ng kilay. Ang sama naman ng ugali niya.

Mga 5 minutes lang siguro ang lumipas at narating na namin ang bahay nila inay Minerva. Medyo malayo sa national road 'yong bahay nila.

It's simple lang 'yong bahay. Mafi-feel mo talaga na taga probinsya ka dahil sa design niya.

May part na sementado pero 'yong dingding is kahoy na. Pero malaki 'yong bahay.

"Ikaw, tulungan mo ako rito mamaya mo na laitin 'yang bahay namin." Parn said kaya nabalik 'yong tingin ko sa kanya.

"Hindi ko nilalait 'yong house niyo." Sagot ko at kinuha 'yong ibang gamit na dala namin ni inay Minerva.

"Sus kunwari ka pa."

"Tama na 'yan, Parn, sige na Tres ako na diyan." Sabi ni inay Minerva at kukunin sana 'yong hawak ko pero pinigilan ko siya.

"Ako na po, nakakahiya naman to him." Sagot ko at tumingin sa anak niya.

If inay Minerva is mabait, well her son is not.

"Arte mo." He said at nauna nang pumasok sa bahay nila.

Tinapik naman ni inay Minerva ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. "Pagpasensyaan mo na si Parn, ganon talaga 'yon. Pero mabait 'yon."

Sabay na kami ni inay Minerva pumasok sa bahay nila.

Pagkapasok ay makikita mo 'yong malinis na sala nila. Sa left side ng bahay ay makikita 'yong hagdan papunta sa second floor. Katabi naman nung hagdan 'yong pinto papunta sa kusina.

"Parn, simula ngayon ay makakasama mo na si Tres sa kwarto mo." Sabi ni inay Minerva sa anak niya habang paakyat kami sa second floor.

Sa second floor ay may open space na nagsilbing sala at papunta sa terrace.

May dalawang kwarto rito. Sa pinaka dulo ng hallway ang kwarto raw namin ni Parn and sa tabi namin ay kayla inay Minerva and her husband.

"Wala naman akong magagawa, siguro naman okay lang sa kanya sa lapag matulog." Sagot nung Parn at masama pa ang tingin sa'kin.

Iniiwasan ko talaga na umirap dahil sa sama ng ugali niya pero pinigilan ko nalang sarili ko dahil makiki-kwarto lang naman ako.

"It's okay lang naman." Pinilit ko ang ngiti sa kanya na ikinairap niya. Inaano ko ba 'to?

---

After namin mag-ayos ng gamit ay bumaba na kami sa sala dahil dumating na iyong asawa ni inay Minerva na si Itay Kiko.

PaRes AUWhere stories live. Discover now