CHAPTER 25

69 6 1
                                    

Tulog na si Adi at ang Mama niya. Pero kami ni Parn nandito pa rin kami sa veranda ng bahay. Hindi makatulog.

"Parn," tawag ko sa kan'ya. Nilingon naman niya agad ako. "Ano ako para sa'yo?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya pero napangiti rin kalaunan. "Special ka sa'kin." sagot niya.

"Bwesit, parang sa showbiz 'yang sagot mo." natawa siya dahil sa sinabi ko.

"Totoo naman. Special ang tingin ko sa'yo." pag-uulit niya, "Ikaw na lang natitira sa'kin." patuloy niya.

"'Yong special ba na 'yan ang ibig sabihin ay mahal mo ako?" diretyong tanong ko. Nakita ko ang gulat sa reaksyon niya. Umiwas pa siya ng tingin bago tumikhin at sumagot.

"Paano kung sabihin kong, oo?" sagot niya. Pero agad din niyang dinagdagan ang sasabihin.

"Alam ko hindi ka pa ready sa ganito, handa naman akong mag hintay sa'yo, Tres."

"What if sabihin kong 'wag ka na maghintay?"

"Huh?"

"'Wag ka na maghintay-" naputol ang sasabihin ko nang yakapin niya ako. Kumunot ang noo ko dahil parang umiiyak siya.

"'Wag mo muna ako i-reject," mahinang sabi niya. Gusto ko siyang tawanan pero pinigilan ko na lang. Hindi kasi pinapatapos ang sasabihin ko.

"Patapusin mo muna kasi ako." sabi ko. Agad naman siyang umalis sa pagyakap sa'kin at tignan ako. "'Wag ka na maghintay kasi handa naman akong tanggapin ang pagmamahal-" naputol ulit ang sasabihin ko nang yakapin niya ulit ako. Parang tanga.

Sa gabing iyon. Natulog ako na may saya sa puso ko.

---

Nagising ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napangiti ako.

"Tres, bilis gising na!"

Nawala ang ngiti ko nang maramdaman ang pagkataranta sa boses ni Adi.

Mabilis akong bumangon at binuksan ang pinto, "Anong nangyayari?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.

"Nasundan nila tayo rito." mabilis na sagot niya. Inabot pa niya ang isang baril sa'kin. Kinabahan ako bigla.

Not again!

"Nasaan sila Parn?" tanong ko.

Hindi pa niya nasasagot ang tanong ko ay may narinig na akong putok ng baril at pumasok ang Mama ni Adi.

Si Parn.

"Bilis, sa likod kayo dumaan." sabi nito. Hinila ulit ako ni Adi.

"Si Parn!" sigaw ko at tumigil sa pagtakbo.

"Okay lang siya, tara na!"

Nakarinig ulit ako ng putok ng baril. Shit!

Tumakbo lang kami hanggang sa marating na namin ang gilid ng dagat. May nakahanda nang bangka.

"We need to go." Sabi ng Mama ni Adi at inihanda ang bangka.

"Pero wala pa si Parn!" sigaw ko at babalik na sa pinanggalingan namin pero pinigilan nila ako.

"Hindi pwede. Susunod siya, Tres. Tara na."

"Ayaw ko, babakikan ko si Parn!"

Tatakbo ka sana ako para balikan si Parn pero bigla na naman kaming nakarinig ng putok ng baril at nakita ko sa 'di kalayuan na tumatakbo si Parn.

"Tres sakay na!" sigaw ng Mama ni Adi sa'kin na agad kong ginawa. Napalunok ako habang pinapanood ang pagtakbo ni Parn palapit sa'min.

"Parn!" sigaw ko nang may marinig ulit kami na putok ng baril.

PaRes AUWo Geschichten leben. Entdecke jetzt