CHAPTER 24

64 8 0
                                    

"Uyy, okay na kayo?" napairap ako nang tumabi sa'kin si Adi at iyon agad ang tinanong. "Anong nangyari kagabi?" tanong pa niya.

"Wala," agad na sagot ko. Nag-usap lang naman kami kagabi.

"Weh? Bakit parang hindi lang naman usap ginawa niyo kagabi?" kumindat-kindat pa siya kaya umiwas ako ng tingin.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo, Tres. Ikaw. Ikaw ang kailagan ko para mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko." Diretyo ang tingin niya sa'kin. "Hindi mo pa ba nahahalata? Gusto kita. Gustong-gusto kita." mahinang patuloy niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ano ba dapat ang sasabihin ko?

"Hindi naman kailangan na gustuhin mo rin ako, just let me like you, Tres."

Noong sabihin niya iyon tumango lang ako sa kan'ya bilang sagot tapos agad na tumayo at pumasok sa loob ng bahay dahil sa hiya. Pagka-gising namin kanina, sabay pa kaming lumabas sa kwarto. Kainis kasi ang lawak pa ng ngiti niya sa'kin.  Kaya ayan nagka-issue na naman kami kaya Adi.

"Tres, Adi, training na ulit!" tawag niya sa'min kaya tumayo na ako. agad naman na sumunod si Adi sa'kin at inaasar pa ako. 

"'Wag mo hintayin na sa'yo na tatama ang bala nitong hawak kong baril, Adi." banta ko sa kan'ya na ikinatawa niya lang. Kainis.

---

"Bwesit ka!" sigaw ko nang talsikan ako ni Parn ng tubig. Matapos ang training namin ay nag-aya si Adi na maligo rito sa dagat. Tawang-tawa naman ang animal dahil nalagyan ng tubig 'yong ilong ko.

"Ang laki kasi ng ilong mo." pang-aasar niya pa kaya agad ko rin siyang sinabuyan ng tubig. "Walang hiya ka." sabi niya. Iyong tenga naman ata niya 'yong nalagyan ng tubig.

"Dasurb." tawa ni Adi kaya napatingin sa kan'ya si Parn at siya naman ang tinalsikan niya ng tubig. Sumali rin ako sa pagtalsik ng tubig kay Adi na puro na reklamo.

"Bwesit kayo!" sigaw niya sa'min pero tumatawa rin na gumaganti sa'min.

After my parents died. Hindi ko na inaasahan na magiging masaya ulit ako. Hindi ko lang inakala na makakatawa ulit ako ng ganito sa kabila ng mga nangyari. Sa sobrang saya ko ngayon, parang ayaw ko na matapos ang araw na 'to.

Nang lumubog na ang araw ay umahon na kami at umuwi.

"Masaya ka ba?" tanong ni Parn habang naglalakad kami.

Tumango ako saka tumingin sa kan'ya, "Ikaw, masaya ka ba?"

"Masaya. Masaya akong makitang masaya ka." 

"Thank you," bulong ko at umiwas ng tingin. "For making me smile again." patuloy ko.

"Grabe naman! Share niyo naman 'yan!" nagulat pa ako nang sumingit sa gitna namin si Adi at akbayan niya kaming dalawa. 

"Panira ka talaga ng moment." reklamo ni Parn sa kan'ya na ikinatawa ko.

"So, ano na ang chika? Kayo na ba— aray!"  Agad ko siyang hinampas.

"Hindi pa, pero malay mo soon, diba Tres?" sagot ni Parn. Nang tumingin ako sa kan'ya, nakangiti pa siya ng malawak.

Sinamaan ko naman ng tingin si Adi dahil mahina niya akong siniko at mapang-asar din ang ngiti niya.

"Asa naman." sagot ko at nauna nang maglakad.

Narinig ko pa ang pang-aasar ni Adi pero hindi ko na pinansin.

---

After namin kumain, lumabas kami ng bahay at bumalik ulit sa tabing dagat. Naisipan naming tumambay para magpahangin habang hindi pa kami inaantok.

"Kung pwede lang mag-inom," sabi ni Adi habang sinisindihan 'yong inipon naming mga kahoy. Naisipan naming mag bonfire.

"Juice na lang, g ba? Kukuha ako." suggestions ni Parn. Agad kaming sumang-ayon ni Adi kaya bumalik muna sa bahay si Parn para kumuha ng juice.

Pagbalik niya, dala na niya 'yong natimpla nang orange juice at may dala pa siyang mga chips na pwede naming kainin dito habang nagku-kwentuhan.

"Kapag maayos na ang lahat, ipapagawa ko 'tong resort." sabi ko nang umupo na kami sa buhanginan at nagsimula nang kainin iyong dinala ni Parn.

"Kapag maayos na rin siguro ang lahat, pwede na rin kaming makalabas dito." sabi rin ni Adi. Nakangiti siya habang nakatingin sa dagat. "Matagal na rin simula noong nakalabas ako rito sa isla." malungkot na patuloy niya.

"Bakit?"

"Sabi ni Papa, delikado ang trabaho niya. Ayaw niya kaming madamay kaya dinala niya kami rito." sagot niya.

"Sorry,"

Feeling ko ako ang may kasalanan.

"Ano ka ba? Okay lang, masaya naman dito sa isla. Lalo na at kasama ko kayo." inakbayan niya ulit kami ni Parn. Nasa gitna kasi namin siya.

"But still, sorry. Nadadamay kayo because of me." mahina sabi ko saka tumingin sa reflection ng buwan sa dagat.

"Ano ka ba, Tres, 'wag mo na isipin 'yan." tinapik ni Adi ang balikat ko. "Ang drama huh, mag kwento nga kayo. Ano pala first impression niyo sa isa't isa?" patuloy niya. Iniba na ang topic.

"Kay Tres? Unang kita ko pa lang sa kan'ya masasabi mong mabait siya." sagot ni Parn. Emphasizing the word 'mabait'.

"Ang sarcastic ah." umirap ako. Habang si Adi, nagpipigil ng tawa.

"Pero seryoso. Unang kita ko pa lang sa kan'ya, naisip ko na agad na isa siyang spoiled brat—"

"Excuse lang huh, hindi ako gano'n." putol ko agad sa kanya.

"Puro ka naman singit, first impression nga diba?" inirapan ko ulit siya. "Hindi ko talaga gusto 'yan si Tres noong una." patuloy niya. Bigla namang sumilay ang ngisi sa labi ni Adi.

"E, ngayon?" pang-aasar niya. Siniko pa niya ang balikat ni Parn at ngumisi naman ang isa.

"Hindi pa rin naman," natatawang sagot niya. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay.

"Hindi mo siya gusto kasi mahal mo?" pagtutuloy ni Adi sa sinasabi ni Parn. Napatingin tuloy ako kay Parn.

Nakangiti siya nang magtama ang mga mata namin. Napalunok tuloy ako. Ito kasing si Adi, e.

"Secret." sagot niya at umiwas na ng tingin. Anong secret?!

"Sus. Halata naman na mahal mo siya." pang-aasar na naman ni Adi. Pala-desisyon. "Ikaw Tres, anong first impression mo kay kuya Parn?"

"Masama ang ugali." agad na sagot ko. Totoo naman kasi.

"Hoy!"

"Totoo naman. Sobrang sama ng ugali mo sa'kin. Alam mo bang lagi niya akong inaaway?" pagsumbong ko.

"First impression pa ba pinag-uusapan dito? O, labasan na ng sama ng loob?" pagsingit ni Adi sa sagutan namin ni Parn. Natawa tuloy kami. Parang gano'n na nga 'yong nangyari.

"Lahat naman tayo nagkakamali sa mga first impression natin sa isang tao. Hindi natin masasabi kung ano at sino sila sa isang tingin lang." seryosong sabi ni Adi.

"Naks ah, serious yarn?" pagbasag ko. Mahina niya tuloy akong binatukan.

Ilang oras pa kami na nag-asaran hanggang sa naisipan na naming bumalik sa bahay. Malalim na rin kasi ang gabi.

Sa gabing iyon. Natulog ako na may saya sa puso ko.










to be continued...

PaRes AUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant