CHAPTER 15

145 14 5
                                    

"Hindi ko siya gusto, pero ikaw ang gusto ko."

Kanina pa gumugulo sa utak ko 'yong sinabi ni Parn kanina. Matapos niya kasing sabihin 'yon ay umalis na siya sa harap ko at hindi na nagsalita pa. Hindi ko nga alam kung inaasar niya lang ako o kung seryoso ba siya sa sinabi niya.

I also don't know kung ano ba ang ibig niyang sabihin na ako ang gusto niya. Like, he likes me to be here sa bahay nila? Gusto na niya akong maging kaibigan? Ano ba kasi?

Nandito ako ngayon sa kwarto namin, kanina pa kami tapos kumain pero hanggang ngayon ay hindi pa siya pumapasok dito. Kanina ko pa nga rin pinipilit ang sarili ko na matulog pero hindi ko magawa dahil iniisip ko ang mga sinabi niya. Kainis naman kasi, e. Kung ano-ano ang mga sinasabi niya hindi tuloy ako makatulog.

Napabangon ako nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Parn. Tumingin pa siya sa'kin pero agad din na umiwas at nahiga sa sahig kung saan siya natutulog.

Napabuntong hininga ako at nahiga na lang din ulit. Trip niya lang siguro ako kanina para hindi ko na siya asarin kay Marj. Tama. Sinabi niya lang 'yon para hindi siya mabuking na crush niya talaga si Marj.

Pero kinabukasan, bigla na lang nag-iba ang pakikitungo niya sa'kin. Parang napaka-bait niya sa'kin. Ang weird lang!

Sabado ngayon kaya nasa palengke kami para mag-deliver ng mga orders ng mga suki nila rito.

"Hintayin mo na lang ako rito." sabi pa niya at inagaw sa'kin 'yong tray ng mga gulay at siya na ang nagbuhat para dalhin sa nag-order.

Pagbalik niya, niyaya pa niya ako na kumain muna.

"Ang weird." bulong ko. "Mas gusto ko na lang na awayin niya ako." I added at sinundan siya.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya nang makarating kami sa isang karinderya. Dahil wala naman akong alam sa mga pagkain dito ay sinabi ko na lang kung ano ang kan'ya ay iyon na lang din sa'kin.

Nang maka-order siya ay umupo na siya sa tapat ko. Nagkunwari na lang ako na tinitignan ang paligid dahil ang awkward sa pakiramdam.

"Tres, naiilang ka ba sa'kin?" tanong niya bigla kaya napatingin ako sa kan'ya. 

"Huh? H-hindi ah." sagot ko. Sino ba naman kasi ang hindi maiilang? Pinagloloko niya ba ako? Hindi ba halata na nakakailang 'yong ginagawa niya ngayon?

"Kung naiilang ka dahil sa sinabi ko kahapon, kalimutan mo na. Isipin mo na lang na hindi ko 'yon sinabi." he said. Sasagot na sana ako pero agad na dumating na 'yong order niya kaya tahimik na lang ulit kaming kumain.

Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay walang nagsasalita sa'min. 

---

Nagising ako dahil sa pagkatok ng kung sino sa pinto ng kwarto. Hindi ko sana papansin at baka ang nanti-trip na naman na si Parn ang kumakatok pero napamulat ako ng mata nang may nagtanggal ng kumot sa'kin.

Ang masamang tingin ni Parn ang bumungad sa'kin, "Nasa baba na si Marj, may date daw kayo." masungit na sabi niya.

Napabangon naman agad ako dahil do'n sa sinabi niya. "Date? What the..."

"Oo, bilisan mo." salubong ang kilay na sabi niya at lumabas na ulit ng kwarto. Agad naman akong pumunta sa C.R para maligo ng mabilis lang dahil nakakahiya naman na pinaghihintay ko si Marj. Shit! Akala ko hindi na kami matutuloy dahil kahapon dapat kami lalabas.

Nang makapag-ayos ako ay agad akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko siya sa sala, kausap niya si inay Minerva.

"Tres, napakaganda nitong si Marj, hindi ka man lang nagsabi na may nililigawan ka na." agad na tumayo si inay Minerva nang makita niya ako.

Napatingin ako kay Marj na mukhang nahiya sa sinabi ni inay Minerva. Ako rin ay napalunok dahil do'n. She's wearing a short-sleeved plaid midi a-line blue dress. Napatingin din ako sa suot ko dahil parang nagkasundo kami ng susuotin. Nakasuot ako ng white t-shirt na pinatungan ko ng blue stripe long sleeve at naka blue jeans.

"Bagay na bagay kayo, anak." patuloy pa ni inay Minerva habang nakatingin sa amin. 

"Parang hindi naman." napatingi kaming tatlo nang biglang sumulpot si Parn. Napabuntong hininga ako nang seryoso siyang nakatingin sa'kin. Nilapitan ko si Marj para mas lalo siyang mainis.

"Tara na Marj, sorry pinaghintay kita." malumanay na sabi ko. Ngumiti naman siya saka umiling ng marahan. Cute. 

"Okay lang, let's go." ngiti niya.

Nagpaalam na kami kay inay Minerva na aalis na. Nang tignan ko si Parn seryoso pa rin siyang nakatingin sa'min.

"Teka, 'asan driver mo?" tanong ko nang nasa tapat na kami ng kotse na dala niya.

"Ahh, a-ako na lang ang magd-drive." sagot niya kaya tinignan ko siya ng seryoso.

"Marj," may pagbabanta sa boses ko. Sa Tuguegarao pa raw kami pupunta, 50 minutes din ang layo no'n dito ah. Napabuntong hininga ako, "Ako na mag drive." sabi ko saka siya pagbuksan ng pinto ng kotse.

"Sure ka? Okay lang naman sa'kin if ako na, e. I know kasi na hindi ka sanay here." sagot niya pero agad akong umiling.

"'Wag ka na makulit, Marj. Itabi mo, ako na." sagot ko at sabay kaming natawa.

"Let's go!" excited pa na sabi niya nang nasa driver's seat na ako. Napangiti pa ako dahil ang cute niya lang.


"Saan ba daan papunta ro'n?" tanong ko. Biglang nawala ang ngiti niya kaya mas natawa ako. "Joke lang, alam ko na 'to. Isinama na ako ni Parn noon do'n." patuloy ko and started the engine.


"Pa-music tayo para hindi masyadong awkward." marahan siyang tumawa saka in-open ang radio.

Sabik by The Juans ang nagp-play sa radio.

'Di maitago ang ngiti

Dinadama ang bawat sandali

Gusto kita, hindi maikukubli

Maghihintay, hindi magmamadali

Sinasabayan niya ang lyrics ng kanta. Nang tignan ko siya saglit, nakangiti siya habang nakapikit.

Her voice. Sobrang angelic. Kapag may problema kang dinadala at napakinggan mo ang boses niya, sure akong mawawala saglit ang problema mo dahil sa ganda ng boses niya.

"Tres," tinignan ko ulit siya saglit nang tawagin niya ako.

"Hmm?"

"W-wala, nakalimutan ko na sasabihin ko." sagot niya saka mahinang tumawa. May ibinulong pa siya na akala niya ata ay hindi ko narinig. "Gusto kita."


Hindi ko alam pero napangiti ako nang marinig ko 'yon.

Hindi naman siguro masama na magustuhan ko rin siya.





tbc...

EDITED!

sorry Parn, pero kasi huhu. kinikilig ako sa #MaTres 😳

PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon