CHAPTER 5

137 11 5
                                    

"Nakaluto na ako, kumain ka na do'n." napatingin ako kay Parn nang magsalita siya. Nakaupo ako ngayon dito sa lilim ng isang puno. Nagpapahangin lang.

"Mauna ka na, hindi ako nagugutom." sagot ko at umiwas ng tingin.

"Bahala ka." sagot niya at pumasok na ulit sa loob ng bahay. Bumuntong hininga nalang ako saka tumayo.

Tahimik lang kaming kumakain. Ni isa walang naglakas ng loob na magsalita. Pero ilang sandali pa ay nagulat ako nang malakas niyang ilapag 'yong kutsara niya sa lamesa.

"Ano na namang problema mo?" may inis na sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Ramdam ko rin kasi na masama ang tingin niya sa'kin. "Alam mo, hindi ko na alam kung ako ba ang mali, o ikaw na." I added and looked at him coldly.

"I'm trying naman na makisama sa'yo, Parn. Kung ayaw mo ng gano'n, then fine. I won't bother you anymore. Pero sana maging nice ka naman kahit konti." Patuloy ko pa at saka tumayo. Nawalan na ako ng gana dahil sa kanya.

Lalabas na sana ako sa kusina nang may naalala pa akong sabihin sa kanya. "Naawa pa naman ako sa'yo. Gusto pa naman sana kitang maging kaibigan. Akala ko mabait ka, pero lahat ng akala ko, mali. Sa ating dalawa, ikaw 'yong mas masama." Sabi ko sa kanya at tuluyan nang lumabas ng kusina.

Buong maghapon, tumambay ako sa tindahan nila Stell. Mas okay pa siya kausap kaysa doon kay Parn.

"Mabait naman 'yon si Parn, siguro konting realtalk lang magigising din 'yon sa katotohanan." Sabi nito. Naikwento ko kasi 'yong situation namin ni Parn.

"Hindi ko na susubukan, he's sobrang rude na talaga." sagot ko na ikinatawa na naman niya.

"Umuwi ka na raw. Kanina pa ako naghahanap nandito ka lang pala. Tsk!" nagulat ako nang sumulpot siya bigla. Nagkatinginan pa kami ni Stell. "Hindi ka nagpunta dito para tumambay lang." he added at nauna nang maglakad pabalik sa bahay nila.

"I gotta go, Stell. Gigil na naman siya." paalam ko kay Stell at sinundan na siya.

"Bukas, samahan mo si inay sa maisan." Sabi niya nang magkasabay na kami sa paglalakad.

"Yeah." walang ganang sagot ko. Masama naman niya akong tignan kaya napairap ako.

"Tuturuan ka rin niya kung paano mag-ani ng mais." Sabi na naman niya.

"Sige." tipid na sagot ko na naman kaya napatigil siya sa paglalakad at harapin ako. "What?"

"Samahan mo ako ngayon para kunin si Pares." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Who's Pares?"

"Ha?" umiwas siya ng tingin at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. I smirked.

"Your girlfriend ba?"

"Hindi." sagot niya. Hinintay ko na magsalita siya ulit pero hindi na nangyari.

"Eh ano? Nililigawan mo?"

"Kulit mo." nailing siya at inirapan pa ako. Attitude ah. "'Yong alaga kong kalabaw 'yon." he added kaya napatingin ako saglit sa kanya saka natawa.

"You named the kalabaw ng Pares?" natatawang tanong ko.

"Ano naman? Tanga nito." sagot niya kaya mas lalo lang akong natawa.

"So, why Pares?" tanong ko.

"Ang dami mong tanong."

"I think 'Pa' is for Parn and 'Res' is for Tres. PaRes." Sabi ko pa na siyang dahilan para batukan niya ako. "Aray!"

"Bilisan mo nalang, ang dami mong alam." Sabi nito at binilisan na ang lakad.

"Astig kaya." bulong ko sa sarili.








tbc...

#PaRes

EDITED

PaRes AUWhere stories live. Discover now