CHAPTER 4

156 13 6
                                    

"Thank you, Parn sa pagsama." I sincerely thank him. He just simply nod at nauna nang pumasok sa bahay.

Hindi muna ako pumasok. Gusto ko munang magpalipas ng oras sa labas dahil baka mag-overthink na naman ako roon.

I opened my social media account and mga chats ng mga classmates ko ang bumungad doon. I don't really think na kaibigan ko sila. Akala ko hindi nila napansin na wala na ako sa school.

Nagreply lang ako sa kanila na okay lang ako at sinabi ko rin na hindi na ako mag-aaral doon.

Ilang minutes pa akong tumambay dito sa labas. Ayaw ko pa talagang pumasok.

"Nandito ka pa rin?" nagulat ako nang may magsalita sa likod. Tumabi siya sa'kin kaya umusog ako para magkaroon pa ng space.

"Hindi ako makatulog." mahinang sagot ko saka tumingin sa madilim na langit.

I really miss my mom and dad.

"Ano bang iniisip mo?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Bakit niya ako kinakausap ngayon? Ng mahinahon?

"Marami." pag-amin ko. Hindi ko naman kailangan magsinungaling about sa nararamdaman ko.

"Kasing dami ba 'yan ng perang ginagastos mo noon?"

Napatingin ako sa kan'ya. Binabawi ko na. Akala ko pa naman magiging mabait na siya.

"I don't really do that, ang magsayang ng pera sa wala lang." sagot ko. Parang nainsulto ako sa sinabi niya.

Kahit naman kasi mayaman ang nanay at tatay ko ay sinasayang ko na iyong pera na pinaghirapan nila.

'Yong sobra na binibigay nilang allowance ko noon ay iniipon ko dahil tuwing pasko ay dinodonate ko sa mga charity. Lalo na sa mga wala nang pamilya na mga bata.

I also helping 'yong mga bata na nakatira lang sa lansangan.

"Hindi ako pinalaki ni Inay Minerva at nila Mom and Dad na ganoon." I added. Akala ko pa naman mabait siya ngayon.

"Ano lang?"

"Pinalaki nila akong marunong makisama." sagot ko saka seryoso siyang tignan. "Iyon ata ang hindi naituro sa'yo." patuloy ko saka tumayo at papasok na sana sa kwarto pero nagsalita siya ulit.

"Ma-suwerte ka, naranasan mong magkaroon ng ina na magtuturo sa'yo para makisama." Sabi nito at siya na ang naunang pumasok sa loob habang naiwan ako na nakatayo parin.

Kinabukasan, maaga palang ay gumising na ako. Gusto kong mauna gumising para makapagluto. Pero hindi ko naisip na hindi pala ako marunong magluto.

Kinuha ko na lang 'yong phone ko at nag search sa YouTube on how to cook pakbet. May mga gulay kasi rito sa bahay and wala naman akong makitang mga pwedeng prito-prito lang.

"This is what I hate here, mahina ang signal." inis na sabi ko at itinaas ang hawak kong phone para maghanap ng signal.

Hinanap ko rin sa google iyong mga ingredients ng pakbet. Buti meron 'yong iba rito.

"ouch!" hinimas ko 'yong braso ko nang matalsikan ako ng mantika. "Aray! Hey! hindi ako kalaban dito!" pang-aaway ko sa matika. Para na akong tangang nagluluto rito.

"Is this tama? ugh! why ko ba kasi ginawa 'to?" napaupo ako sa kahoy na upuan at tinignan ang niluto ko. Para na siyang na-murder.

"Sinayang mo lang 'yong mga gulay." napatayo ako nang magsalita si Parn sa likod ko. Napaharap ako sa kanya at nakatingin siya sa pakbet na niluto ko.

"Sorry, uhm... ako nalang kakain diyan." agad kong kinuha iyong niluto ko pero tinaasan niya ako ng kilay. "Magluluto nalang ako ng iba para sa'yo —"

"Hindi mo nga alam magluto, eh. At isa pa, mauubos mo ba 'yan? Akin na." sagot niya at kinuha sa kamay ko. "Bumili ka na muna ng itlog sa tindahan nila Stell." he added at inabot sa'kin 'yong 20 pesos. Wala na lang akong nagawa kun'di ang lumabas ng bahay at sundin ang utos niya.

Matapos akong bumili, pagbalik ko sa bahay ay hinanap ko pa 'yong niluto ko pero wala na sa lalagyan. Ugh! Gusto ko pa naman matikman 'yon! Baka tinapon lang iyon ni Parn.

"Baka pati pagprito hindi mo pa magawa?" Napairap ako sa sinabi niya.

"I'm not that stupid naman." sagot ko at inihanda na ang palayok para maiprito na iyong binili ko.

Matapos no'n ay sakto namang pagkagising ni Inay Minerva at Itay Kiko.

Tatlo lang kaming sabay na kumain dahil nauna na sa bukid si Parn. Hindi muna ako sumama sa kanya ngayon dahil tutulungan ko si Inay Minerva magtanim ng mga halaman niya rito sa garden niya.

"Kumusta ka naman, anak?" tanong niya sa'kin habang nagbubungkal kami ng black soil sa may likod ng bahay.

"Po? okay lang po." sagot ko saka pilit na ngumiti. Okay lang ba ako? Hindi ko rin kasi alam.

"Alam kong marami kang iniisip, nandito lang ako para makinig ha?" ginulo niya ang buhok ko kaya napangiti ako at tumango.

"Salamat, inay."

"Nay, hinahanap ka ni Aling Lina, pupunta raw kayo ngayon sa baranggay hall. Magpapa-meeting si Kapitan." napatingin kaming dalawa kay Parn nang magsalita siya. Akala ko ba nasa bukid 'to?

"Ay oo nga pala, Parn anak, samahan mo muna rito sa bahay si Tres baka hanggang tanghali pa kami makakauwi." paalam niya at umalis na. Naiwan naman kami ni Parn sa likod ng bahay.

"Marami rin akong iniisip, pero ni minsan hindi napansin ni inay." napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. "Sa'yo, parang alam niya lahat ng laman ng isip mo. Sa ating dalawa, ikaw ata ang anak niya." he added at tinalikuran ako.

"Hindi ko naman gusto na iniisip mong inaagaw ko ang atensyon, oras at pagmamahal ni inay Minerva, he loves you Parn, bakit hindi ikaw ang kusang lumapit sa kanya at sabihin lahat ng hinanakit mo?"

"Huwag mo nga akong sabihan sa kung ano ang gagawin ko!" inis na sabi niya at maglakad na paalis.

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy nalang sa ginagawa namin kanina ni inay Minerva.

Nasasaktan ako para sa kanya.

Kahit naman sino siguro ay mararamdaman iyong nararamdaman niya. Kung sa'kin mangyari iyon, magagalit din ako.

Tama ba na sumama ako kay Inay Minerva?








tbc...

EDITED

PaRes AUМесто, где живут истории. Откройте их для себя