CHAPTER 10

119 10 14
                                    

"Bwisit ka!" sinabunutan ko si Jao nang maglakad kami paalis ng marriage booth. Mabuti nalang talaga at binawi ni Parn 'yong sinabi niya. Kainis na Jao 'to.

"Sus. Gustong-gusto mo naman, e. Bakit ni minsan ba hindi ka nagwapuhan kay Parn?" Sabi nito at sinabunutan din ako.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Well, he's gwapo naman talaga. Pero hindi ko siya type ano.

"Uyy nag-isip." pang-aasar niya kaya siniko ko siya.

"Tanga, we're like magkapatid lang talaga." sagot ko pero inaasar parin niya ako kaya nauna na lang akong naglakad. Ma-issue siya masyado.

"Sus. Kapatid daw. Kapatid with benefits siguro." tumawa siya kaya mas binilisan ko na ang paglalakad. Baliw.

Sa stage ulit kami tumambay ni Jao. Nakaka-bitter narin dahil sa mga greetings ng mga students sa mga crushes nila. Iyong ilan ay ang cringe pa.

"Tres, may naghahanap sa'yo." napatingin ako kay Charice nang sabihin niya iyon.

"Sino?" tanong ko.

"Ayun oh." sabi nito sabay turo sa baba ng stage at nakita si Parn doon. Kumaway pa siya nang napansin na nakatingin ako sa kanya.

"Yeiiii. Sinusundo na siya ng kapatid niya." pang-aasar na naman ni Jao kaya siniko ko siya.

"Una na ako, bye." paalam ko sa kaniya at nilapitan na si Parn. Baka ma-badtrip na naman kasi kapag pinaghintay ko siya.

"Tagal mo." iyan agad ang bungad niya. See? Bad trip na naman siya. "Gutom na ako." he added at nauna na siya maglakad. I rolled my eyes at sumumod na sa kanya.

"Where ba tayo pupunta?" tanong ko dahil lumabas kami sa campus.

"May kainan malapit lang dito sa campus. Nakakaumay na ang mga tinda nila sa canteen." sagot niya. Well, it's true naman kasi. Paulit-ulit lang mga tinitinda nila sa canteen.

Nang makarating kami sa kainan na sinasabi niya ay siya na ang nag-order, I don't know kasi on how to order.

"Parn!" napalingon din ako nang may tumawag sa kanya. He have a lot of friends talaga. "Sama ka sa'min, gago ka, tagal na nung huling gumala tayo." the boy said.

"Sige pre, sa susunod na lang siguro." he answered to the boy. Kumunot pa 'yong noo niya when he looked at me.

"Sino 'yang kasama mo?" he asked. Annoying. I'm hungry na tapos ang dami pa niyang tinatanong.

"Ah siya?" itinuro ako ni Parn bago siya magsalita ulit, "Kapatid ko." sagot niya. I rolled my eyes. No way. Wala akong kapatid na masama ang ugali.

"May kapatid ka pala—"

"Ahmm— excuse me lang, gutom na ako baka pwedeng pakainin mo muna kami bago ka maki-chika kay kuya Parn?" ngumiti ako sa kanya pero tumawa lang ito. What the... I'm fvcking serious here!

"Sorry, sorry. Sige dre, asahan namin ang gala natin next time ha?" sabi nito kay Parn and he also tapped Parn's shoulder before he leave.

"Finally umalis na rin." bulong ko at naghanap na ng vacant na table, siya naman ay nag-order na.

After namin kumain, bumalik na kami sa school. 12:34 palang at mamayang 1 pm pa ang start ng pre-pageant. May mga iilan na rin namang mga students dito at tumambay na lang sa mga booth habang hinihintay ang event mamaya sa covered court.

"Tara muna sa marriage booth." hindi pa ako nakakapag-react nang hilain na niya ako papunta sa marriage booth. Ano naman gagawin namin do'n?

"Wait, anong gagawin natin sa marriage booth?" tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa paglalakad pero hawak niya pa rin kamay ko.

"Ano ba ginagawa nila do'n? Malamang magpapakasal." sagot niya at hinila na naman niya ako.

What?!

"Teka lang kasi, bakit kailangan kasama ako?"

"Ay tanga mo naman, Tatlo. Malamang ikaw pakakasalan ko."

---

"Aray ko naman!" sigaw ko kay Jao nang hampasin niya ako. Kasama ko na naman kasi siya rito sa back stage at tinutulungan ko siyang ayusin 'yong mga props and mga susuotin ni Felip mamaya.

"Ano 'yong nabalitaan ko na natuloy ang kasal niyo ni Parn kanina, hah?!" nanlaki pa ang mata niya kaya I rolled my eyes.

"Garbe ka naman sa kasal ah, fake marriage lang naman 'yon. Don't take it seriously, Jao." sagot ko. Nasiraan lang talaga siguro ng bait si Parn that's why he did that. Siguro para lang asarin ako.

"kwento mo na lang kaya 'yong nangyari teh?" inis na sabi niya kaya I sighed in defeat. Kahit kailan talaga hindi mo 'to matatalo, e.

"Ay tanga mo naman, Tatlo. Malamang ikaw pakakasalan ko."  he said. Sasagot pa sana ako pero hinila na naman niya ako at binitawan lang niya ako nang nasa harap na kami ng marriage booth.

"Magpapakasal kayo?" tanong nung isang babae kay Parn at tumango naman ang walang hiya. Pumayag na ba ako?!

"Okay, okay. Duke, may ikakasal dito!" sigaw niya at lumabas naman ang isang lalaki na nakasuot pa ng pang pari. Nilagyan naman ako nung babae ng flower sa ulo at pinasuotan naman si Parn ng tuxedo. Wtf?!

"Bwesit ka talaga, Parn." inis na sabi ko pero tinawanan lang niya ako. Kinuhanan pa niya ako ng picture while nakasimangot dahil sa trip niya.

Mas nainis pa ako dahil sobrang dami nang tao na nanonood samin. Ang ilan nag-video pa while kinakasal kuno kami no'ng fake na pari.

"You may now kiss him." napalunok ako nang marinig 'yon. Kiss?! No way!

"Ito talaga hinihintay— araw ko naman." reklamo niya dahil pinitik ko 'yong lips niya. Kadiri.

"Oh, picture muna remembrance." sabi nung babae kanina. Siya ata 'yong president ng class nila. "Kasama 'yong marriage certificate." sabi pa niya at kinuha naman ni Parn iyon. This is so annoying. Nakakahiya rin dahil ang daming students na nanonood kanina.

"Patingin ng picture niyo." natatawa pa na sabi ni Jao kaya gusto ko na siyang sapakin.

"Wala sa'kin, kinuha ni Parn. Like duh, aanhin ko 'yon?" umirap ako at binuhat 'yong box na may laman na mga damit ni Felip.

"Yeiiiii! Sayang hindi ko na-witness 'yong kasal niyo." sabi pa niya habang palabas kami ng back stage. Papunta na kami ngayon sa mga bleacher at hinanap ang mga classmate namin to support Felip.

"Stop it na nga, nakakaasar kaya."

"Sus ang arte, si Parn na 'yon accla. Did you know na maraming deads na deads do'n?"

"e 'di sana pina-billboard mo para nalaman ko." I sarcastically said kaya sinabunutan niya ako. Siraulo talaga 'to!

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Tres." sabi nito at pinuntahan na ang mga classmates namin.

"Same lang naman." sagot ko na naiiling na sumunod sa kan'ya.












to be continued...

EDITED

PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon