CHAPTER 6

129 10 4
                                    

Day passed smoothly. Two weeks ago, nagsimula narin akong pumasok sa school. Maayos naman ang pakikitungo ng mga bago kong mga classmate rito, pero I feel like I'm not belong here.

Gaya ngayon, walang teacher kaya puro sila kwentuhan.

It's okay lang naman if they don't talk to me, pero kasi kapag nag-uusap sila hindi ko sila maintindihan. Even a single word hindi ko maintindihan. They are using their own language.

"Psst!" napatingin ako sa katabi ko nang kalabitin niya ako. Medyo natakot pa ako dahil para siyang tambay. Gwapong tambay. "Bago ka lang? Ngayon lang kita napansin." tanong niya. Sobrang lalim ng boses niya.

"Yeah." walang ganang sagot ko. Tumango naman siya at inilibot ang tingin sa mga classmates namin.

"Hula ko hindi ka nakakaintindi ng ilocano?" tanong na naman niya at tumango ulit ako bilang sagot. "Ganyan din ako dati," patuloy niya. "Felip nga pala, dre." pakilala niya at inabot pa ang kamay sa'kin.

"Tres." sagot ko at inabot ang kamay niya.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Minsan napaka-random ng mga iyon.

Nasabi niya rin na taga Cagayan de Oro siya pero lumipat sila rito noong naghiwalay daw 'yong Mama at Papa niya.

"May nasalihan ka na bang club?" tanong niya.

"Wala pa eh, ano bang mga club ang maganda here sa Nase Academy?" I asked. Gusto ko sumali sa arts club pero want ko rin sa dance club.

"Syempre sa dance club, if you want to join, just tell me. Ipapalista kita." sagot niya. "Maraming activities doon, lalo na kapag may event sa school." he added kaya napatango ako.

After our class, sinamahan niya ako sa club nila to audition. I have trust naman sa kakayahan ko kaya nasali ako tapos kasama ko pa si Felip. He's the vice president pala sa club.

"If you're the vp, who's the president?" tanong ko kay Felip nang palabas na kami ng campus.

"Ah si Parn, 'yong grade 12." sagot niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Parn? As in Parn Santos?" tanong ko. Para lang masiguro na si Parn na kilala ko at ang sinasabi niya ay iisa.

"Oo, kilala mo?" sagot niya kaya napa-face palm ako.

"Yeah." I rolled my eyes. Siya pa talaga ang President ng club?! Ugh! Mabuti nalang at wala siya kanina nung nag audition ako.

"Hoy Tres!" speaking of the devil. Nandyan na nga siya. "Pumunta ako sa room mo, saan ka ba pumupunta?" masungit na tanong niya kaya napairap ako.

"Easy lang pres, sinamahan ko siya sa Dance club." si Felip ang sumagot kaya nabaling ang tingin niya sa kanya.

"Hindi ko tinanong, Suson." sagot naman nitong si Parn at tumayo sa gitna namin ni Felip at masama pa ang tingin sa'kin.

"Gusto mo palang sumali sa Dance club, sana sakin mo sinabi. Tsk!" Sabi nito.

"Bakit ko sa'yo sasabihin? Ang sama ng ugali mo." sagot ko at nauna nang maglakad. Sumunod naman si Suson pero narinig kong pinagsabihan siya ni Parn.

"Hoy hintayin mo ako!" rinig kong sigaw niya pero hindi ko pinansin. Ano siya gold?

Pagkarating namin sa sakayan ng tricycle ay binatukan niya ako kaya masama ang tingin kong tumingin sa kanya.

"What is it ba?!" inis na tanong ko. Epal.

"Arte mo kutusan kita," sabi nito at inambahan pa ako ng batok. "Lakas ng loob mong iwan ako, bakit alam mo bang umuwi mag-isa?" he added kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi."

Akala ko uuwi na kami pero may mga nakita siyang mga kaibigan niya ata at nagyaya na gumala muna. Ang ending pinaghintay niya pa ako sa may paradahan ng tricycle.

5 minutes.

10 minutes.

15?

Hindi ko na alam kung ilang minutes akong naghintay pero walang bakas ni Parn ang dumating.

Kung alam ko lang kasi umuwi mag-isa.

Kinakabahan na rin ako dahil malapit nang magdilim pero wala parin siya.

Panay ang tingin ko sa piligid baka sakaling may makita akong kilala ko rito pero wala.

Lumubog na ang araw. Kaunti narin ang tao pero wala parin si Parn. Asan na ba kasi siya?!

"Parn, where are you na ba?" naiiyak na ako dahil medyo madilim na ang paligid. Kaunti narin ang mga nakaparadang tricycle. Hindi ko pa dala 'yong phone ko kasi bawal sa school.

"Parn..." bulong ko habang pigil ang luha na nililibot ang tingin. "Asan ka na ba?" pinunasan ko ang luha ko nang naramdamang may tumulo.

"Tres!" agad akong napatayo nang makita ko si Parn.

Nang makalapit siya sa'kin ay agad ko siyang niyakap at hindi ko na mapigilan ang luha ko.

"B—bakit ang tagal mo?" umiiyak na tanong ko habang yakap ko pa rin siya. "A—akala ko iniwan mo na ako."

"Sorry, Tres. Sorry." bulong niya at nagdilim na ang buong paligid.










tbc...

EDITED

PaRes AUWhere stories live. Discover now