EPILOGUE

107 10 4
                                    

"Saan ba tayo pupunta? Bwesit ka talaga Jao!" sigaw ko dahil kanina pa kami nasa biyahe.


Ang sabi nila kakain lang. Pero namalayan na lang namin na nasa airport na kami. Grabe naman. Saan ba kami kakain? Sa himpapawid?!



"Kalmahan mo, pupunta tayo ng Palawan!" sigaw niya.




"Ang ingay niyo naman! Sana pala hindi na ako sumama!" sabi ni Felip na bitbit ang ilan sa gamit ni Jao at Marj. Silang dalawa lang ready.




"Guys, calm down. Naisipan lang namin ni Jao na magbakasyon for us to relax, hindi para mag-away." pag-awat na sa'min ni Marj.




Mabilis lang kami nakarating sa Palawan.




"Yes! Finally! Hindi na siya drawing!" sigaw ni Jao nang makarating kami sa resort kung saan kami tutuloy. It's a private resort. Sabi ni Marj, pamilya niya ang may-ari nito kaya libre ang stay namin dito ng tatlong araw.




"Mamaya ka na nga magsaya! Tulungan mo naman kami rito!" sigaw sa kan'ya ni Felip. Nawala tuloy ang ngiti niya.




"Panira ka sa kasiyahan ko!" inis na sabi niya kay Felip at tinulungan na niya ito sa pag buhat sa mga gamit nila.




Bwesit. Ako lang ang hindi ready sa trip na 'to. Wala man lang akong dalang gamit!




"Susunod raw here si bebekes, isasama niya si Adi." sabi ni Jao pagkarating namin sa villa kung saan kami tutuloy. Sobrang laki ng villa na 'to, kasya kaming magkakaibigan.




"Pasabi dalhan naman ako ng gamit!" sabi ko. "Hindi naman kasi sinabi na Palawan pala ang punta natin!" patuloy ko.





"Uutusan mo pa si bebekes, bibili na lang us." sagot niya at hinila na ako palabas. "Marj, Felip, bibili lang kami ng damit ni Tres, enjoy niyo na ang alone time niyo, bye!" sigaw niya kayla Marj at Felip.




"Bwesit ka, ano bang meron sa dalawang 'yon? May something ba?" tanong ko. Hinampas tuloy niya ako at para pa siyang kinikilig.





"Ano ka ba, matagal nang may something sa kanila. Ang busy mo kasi, late ka na sa chika." sagot niya.




"Wow huh, pasensya ka na. Itulad mo pa ako sa'yo na nabubuhay na lang sa chismis."



Napadaan kami sa isang bilihan ng mga damit. Obviously, beach outfits ang mga iyon.



Kung ano-ano pa ang itinuturo ni Jao na bilihin ko raw. Puro naman kagaguhan ang mga 'yon kaya iniwan ko na at naghanap na ng pwede kong gamitin habang nandito kami.




"Sorry," agad na paumanhin ko nang may nakabangga ako.




"Okay lang." sagot naman niya at tinalikuran na ako. Hindi ko nakita ang mukha niya pero sigurado ako. Boses niya pa lang kilala ko na.




Parn.




"Tang— kanina ka pa tulala!" natauhan ako nang biglang sumulpot si Jao sa harap ko. Kunot ang noo. "Ano bang tinitignan mo do'n?" tanong niya.

Umiling ako. Baka kaboses niya lang. Tama. Ka-boses niya lang.

"Wala, tara na." sagot ko. Nakabili naman na ako ng ilang damit kanina. Okay ka na siguro 'to. Ilang araw lang naman kami rito.

Pagkabalik naman sa villa, nandoon na nga si Adi at Taneo. Ang lawak ka tuloy ng ngiti ni Jao.

Napairap ako, "ang lalandi." sabi ko pa at pumasok sa villa para makapagpalit na ng damit. Si Felip at Marj ay nagpaalam din na maglilibot na sa buong resort.

Mamaya na lang ako maglilibot. Inaantok pa ako. Ang aga pa kasi no'ng binulabog nila ako kanina.

Pagkatapos ko nga magpalit ay naisipan kong matulog na lang muna.

Pagkagising ko ay hapon na. Nag-aya na si Marj na kumain na. Pagkatapos no'n ay kan'ya-kanya na nga sila ng pinuntahan.

Si Jao at Taneo ang magkasama, malamang. Magkasama rin si Marj, Adi at Felip. Ako? Iniwan nila rito sa villa. Mga walang hiya.

Lumabas na lang ako at naisipan na maglakad-lakad sa tabing dagat. May ilang mga tao naman sa mga cottages sa 'di kalayuan. Maliwanag din dahil sa liwanag mula sa buwan.

Nang mapagod ako ay umupo lang ako roon sa buhanginan. Pinagmamasdan ang reflection ng buwan sa dagat.


"Hindi kita mapapatawad, Parn." bulong ko sa sarili. Tumingala ako para pigilan ang luha na gustong kumawala.


"Nasaan ka na ba kasi?"


Bumuntong hininga ako.



"Can you promise na 'wag mong isusugal ang buhay mo para lang sa'kin?" Dahil ko na alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko kung may mangyari pang masama sa kan'ya dahil sa'kin.


"Ayaw ko." sagot niya. Kumunot ang noo ko. "I'm willing to risk everything masiguro lang na ligtas ka, Tres." he added.


"'Wag kasi." umiwas ako ng tingin. "Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa'yo."


"Naks naman, concern ka sa'kin?" pang-aasar niya. Mahina ko siyang siniko.



"Mangako ka kasi."



"Hindi naman ako mamamatay tangek," sagot niya. "Ayaw ko rin naman na iwan ka. Paano ka na lang? Kawawa ka naman." natatawang patuloy niya.



Sinungaling siya. "Sinungaling ka Parn, may pa 'ayaw ko rin naman na iwan ka' pa. Hindi mo naman tinupad." bulong ko pa.


Para na akong tanga na nagsasalita mag-isa rito.


Napatigil ako sa pagpunas ng luha ko nang may makitang isang pares ng paa sa tapat ko. May nakatapat din na panyo sa'kin.


Nang tumingin ako sa kung sino ang nasa harap ko ay agad akong napatayo sa gulat.



"P-Parn," gulat pa rin ako na nakatingin sa kan'ya.



Namamalik mata ba ako?


Siya ba talaga ang nasa harap ko?



"Ahm— okay ka lang?" tanong niya. That voice. Alam kong siya si Parn. Totoo ba 'to? O, nananaginip na naman ulit ako?



Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto ko siyang yakapin, pero natatakot ako na baka mawala na naman siya kapag lumapit ako.



Kumunot ang noo niya, "Sir, okay lang ba kayo?" tanong niya ulit. Natauhan ako nang hawakan niya ako.



"Parn," tawag ko ulit sa pangalan niya. Hindi niya na ba ako kilala?



Tuluyan na akong lumapit sa kan'ya at hindi ko na napigilan na yakapin siya. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero wala na akong pakealam do'n.



"Thank God, nahanap na kita, Parn."



"Hindi po ako si Parn." sagot niya.




"Patrick, Patrick ang pangalan ko."









— end —




note ni alyatin_: kita na lang us sa Book 2(siguro) POV naman ni Parn. Kailangan ko lang talaga tapusin 'to. huhu.

thank you sa mga nanatili.

PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon